Tito Sotto Binunyag Ang Mass Resignation Ng Mga Hosts at Production Staff Ng Eat Bulag Sa Tape Incorporated!

Huwebes, Hunyo 1, 2023

/ by Jerome


 Tito Sotto nag bigay na ng mga detalye sa kung anung mangyayari sa Eat Bulaga ngayong kumalas na sila sa TAPE incorporated, at tiniyak din niyang walang maiiwan sa mga host at production staff ng naturang programa.


Pahayag ni Tito Sotto sa isang exclusive interview sa kanya nagong Huwebes ng tanghali June 1, 2023.


Aniya, "They all signed a letter of courtesy informing TAPE that they are disengaging. It's an exodus, everybody, everyone."


Na sa kasalukuyang napapanood ngayon sa Eat Bulaga ay sina, Vic Sotto, Tito Sotto, Joey De Leon, Jose Manalo, Wally Bayola, Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, Paolo Ballesteros, Alan K, Ryzza Mae Dizon at ang maybahay ni Bossing Vic Sotto na si Pauleen Luna.


Bukod nga sa kanila ay kasama din sa kanilang pag-alis ang buong production staff ng Eat Bulaga, na sabi nga ni Tito Sen, na "Walang maiiwan."


Ang ibig sabihin lang nito ay kung ipagpapatuloy ng TAPE Incorporated ang kanilang pagpapaere ng naturang programa ay ang buong cast na ng programa ang kanilang papalitan. 


Kaya naman tanong ng karamihan na ano nalang ang mangyayari ngayon sa Eat Bulaga na ngayong wala na ang lahat ng cast, mga staff at mga host nito.


Samantala ng itinanong kay Tito Sotto kung kasama ba ang Dabarkads sa mga importanting usapan sa pananatili o pag-alis sa programa at sa pakikipag-ugnayan sa mga abugado ay deritsahang sinagot ito ni Tito Sen na kasama sila.


Aniya, "Yeah lahat kami, oo! As much as possible, lahat kami! Pagka merong mga maliliit na issue, small group. Pagka vital ang pag-uusapan yung big group."


Bukod dito ay ibinahagi din ni Tito Sotto kung anu ang mga nalaman niya sa gagawin ng TAPE sa Eat Bulaga ngayong wala ng ang mga host at production staff ng programa.


Pagbabahagi ni Tito Sen, "Ang pinaplano nila yung mga artista ng channel 7 yung gagamitin, yung Sparkle. Yun ang balita."


Ang tinutukoy ni Tito Sotto na Sparkle ay ang Sparkle GMA Artist Center ng kapuso network.








Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo