Ito Ang Banta Ni Rendon Labador Kay Moira at Jason!...

Huwebes, Hunyo 1, 2023

/ by Jerome

 


Trending ngayon sa social media ang naging pagsasalita ni Rendon Labador tungkol sa issue ng dating mag-asawang sina Moira at Jason Hernandez.


Pag-uumpogin daw ni Rendon ang mga ulo ng dalawa kung sakaling hindi pa sila tumigil sa kanilang mga issue.


Hindi maipagkakailang maynagbago kay Rendon mula noong nanggaling siya sa opisina ni Ben Tulfo.


Sa pinakabagong post kasi nitong si Rendon ay sinabi niyang wala raw siyang pakialam sa trending issue nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez.


Kaya naman maraming mga netizens ang nagtaka at nagsabi na nakakapanibago nga ang bagay na ito ngayon, lalo na sa isang katulad ni Rendon na laging may mga matitinding komento sa lahat ng mga nagviviral na mga issue tungkol sa mga artista o sa mga vlogger.


Wala daw pakialam si Rendon sa issue ng dating mag-asawa, ngunit gayun paman ay kapag hindi daw tumigil ang dalawa ay pag-uumpogin daw nito ang mga ulo nila.


Tinawag din ni Rendon na mga tanga ang dalawa, Ayon sa kanya, "Wala akong pakialam sa dalawa nayan, bakapagumpugin ko pa yan, kapag hindi tumigil."


Payo naman niya sa kanyang mga taga suporta, "Focus nalang kayo sa kanya-kanya ninyong buhay, ganyan talaga kapag nagsama ang dalawang tanga. Intindihin niyo nalang."


Komento naman ng ibang mga netizens sa post ni Rendon, "Parang ikaw lang din yan, magfocus ka din sa sarili mong buhay."


"Haha walang paki alam pero na judge mo na agad na tanga, very bad tsk tsk. Di ka siguro mahal ng parents mo noh? Kulang ka sa aruga."


"hahahahaha natawa ako tama yan idol bentang benta to, tama yan wag kana maki sawsaw sa isyu nila di ka rin naman makarelate."


"Ayeii firstime maging positibo sa coment section hahaha."


"Sa wakas may sinabi kading tama. hahahahahah"







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo