Ogie Diaz Binabatikos Dahil Isiniwalat Ang Hiwalayan Nina Liza Soberano At Enrique Gil

Huwebes, Hunyo 1, 2023

/ by Lovely


 Binabatikos ngayon ng mga LizQuen fans ng American-Filipino actress, Liza Soberano  ang dating manager nitong si Ogie Diaz, matapos isiniwalat ng huli ang umano'y hiwalayan ng celebrity couple.


Matatandaan na sa isang episode ng Showbiz Update vlog nina Ogie Diaz, ipinahayag niya ang balitang nakarating sa kanya mula sa isang source na tahimik nang naghiwalay sina Liza Soberano at Enrique Gil.


Pagbabahagi ni Ogie, nagsimula umano ang mga chika na baka hiwalay na ang dalawa sa mga nakaraang pahayag ni Liza kung saan hindi nito binabanggit ang pangalan ni Enrique.


Isa pa sa mga nagpapatindi sa mga speculations ay ang pahayag ni Liza Soberano tungkol sa mga loveteams. Kung saan sinabi niyang minsan ay napipilitan na lamang ipakita ng nasa iisang love team na mahal nila ang isa't-isa upang sumaya ang kanilang mga fans.


“Kaya nagkaroon ng agam-agam na baka wala na sila, dahil nga una, hindi niya pinagmamalaki ‘yung boyfriend niya. Kasi kung ano magpo-post ‘yan si Liza. Tapos nung birthday din ni Enrique, wala ring greeting online,” dagdag pa ni Ogie Diaz.


Isiniwalat din ni Ogie na nakarating sa kanya mula sa isang mapagkakatiwalaang source na tuluyan na ngang naghiwalay ang dalawa. Mas pinili ni Liza na mag-focus muna sa kanyang career programming.


“Ang nakarating sa’tin, si Enrique ‘yung nagpu-push pa na baka kaya pa, na posible pang ituloy. Pwede naman niyang i-allow si Liza kung gusto man ni Liza na tuparin ang kaniyang Hollywood dream, pero sila pa rin.”


“Kung totoo man na wala na sila Enrique at Liza, ang importante naman lagi sa isang relasyon nag-end up kayo as still friends. Kung hindi man friends, civil with each other.”


Ipinahayag din Ogie Diaz na si Liza talaga ang nagnanais na tapusin na nila ang kanilang relasyon.


Kaya naman, dumipensa kaagad ang mga tagahanga nina Liza Soberano at Enrique Gil na naniniwalang hindi pa rin naghihiwalay ang dalawa.


“Who gave Ogie Diaz the right to speak up about this matter? It’s a basic act of human respect to exercise restraint from talking about sensitive matters in other people’s lives. Unless it’s fun to have that much of attention. Grow up, kid.”


“Whether its true or not, it’s not Ogie Diaz’s position to reveal Liza and Enrique’s relationship status. This is really disrespectful??”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo