Lolit Solis Hindi Makapaniwalang Mawawala Na Ang Eat Bulaga

Biyernes, Hunyo 2, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng reaksyon ang veteran showbiz columnist na si Manay Lolit Solis sa napapabalitang maaring tuluyan nang mawala ang longest running show na Eat Bulaga.


Matatandaan na nitong May 31, 2023, ipinahayag ng TVJ ang kanilang pagkalas sa pamumuno ng Tape Inc. Kasunod nito nagresign na rin ang iba pang hosts at staff ng show.


Naglabas na rin ng pahayag ang TAPE Inc. sa pagalis ng TVJ at ipinahayag ang kanilang kalungkutan. Gayunpaman, kinailangan umano nilang magmove on ay mag move forward. 


Ayon sa pahayag ng TAPE Inc., maari ring magkaroon ng bagong hosts at panibagong segments ang Eat Bulaga sa pag-alis ng mga original hosts nito sa pangunguna nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


“Parang nakakatamad ang araw Salve. Kasi nga hindi mo alam magiging takbo ng araw mo dahil bigla kung minsan nababago mga plano. Hindi mo ma imagine na mawawala ang Eat Bulaga at lilipat ito ng ibang network after being in GMA7 ng ilang siglo,” saad ni Manay Lolit Solis.


Tila hindi na rin umano nito maiimagine ang tanghalian na hindi nakikita sa GMA7 ang Eat Bulaga sa pangunguna ng TVJ.


“Hindi mo ma imagine ang mawawala o hindi mo mapapanuod ang TVJ sa TV. Lumaki tayo at nagdaan mga taon na nandiyan ang EAT Bulaga. Mula pa nuon part na ng tanghalian natin sila Tito Sotto, Joey de Leon at Vic Sotto. So parang may kulang pag wala sila diyan,” dagdag pa ni Lolit Solis.


“Kahit ano pa sabihin o mangyari, Tito, Vic and Joey will always be a part of us. Kasama na sila sa history ng showbiz, kasabay na sila sa buhay natin, kaya kahit ano mangyari, buong bansa, Eat Bulaga. Bongga✌,” pagpupunto pa nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo