Enrique Gil at Liza Soberano Muling Nagkasama, Hiwalayan Hindi Natuloy?

Huwebes, Hunyo 1, 2023

/ by Lovely


 Kumakalat ngayon sa ilang social media platforms larawan nina Liza Soberano at Enrique Gil na magkasama sa gitna ng isyung naghiwalay na silang dalawa.


Matatandaan na nabanggit ng dating talent manager ni Liza Soberano, na si Ogie Diaz sa isang kamakailang vlog na ibinunyag ng kanyang source naghiwalay na ang LizQuen.


Nauna rito, may mga kumakalat na tsismis na hindi na raw nagkakasama  sina Liza at Enrique dahil sa pagiging busy ni Liza sa pagtupad sa kanyang pangarap sa Hollywood.


Marami rin ang nakapansin na hindi na binabanggit ni Liza sa kanyang mga naging panayam si Enrique Gil bilang nobyo. May mga nakapansin rin na hindi man lamang binati ni Liza Soberano si Enrique Gil sa kaarawan nito.


Kaya naman sa pagkalat ng larawan nina Liza Soberano at Enrique Gil na magkasama, pinabubulaanan ngayon ng mga fans ng LizQuen ang isyung hiwalayan ng dalawa.


“Liza Soberano and Enrique Gil spotted together at Soberano’s residence reunited with Former Star Magic Road Manager Ms.Macquie Raquiza,” caption ng Facebook page na siyang unang nagbahagi sa larawang magkasama sina Liza at Enrique.


Gayunpaman, may ilang mga netizens ang nakapansing old photo na ito ng LizQuen dahil wala na ang dalawa ngayon sa condo.


"Wala sa Pilipinas si Liza. Matagal na yang photo na yan"


"whether it's true or not na hiwalay na sila, wes na amor sa akin si Liza/Hope, kasi Ingrata sya sa totoo lang....always downgrading loveteam and Philippine showbiz pero balik ng balik pa rin dto sa Pinas, ...nakaka dissapoint sya."


"This is an old photo in a condo. Wala na sila sa condo!"


Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng official statement sina Liza Soberano at Enrique Gil, kung ano nga ba ang totoong estado ng kanilang relasyon.


Sa ngayon ay abala si Liza Soberano sa kanyang pagtupad sa kanyang pangarap sa Hollywood.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo