Cristy Fermin, Kinausap Si Alden Richards Sa Nangyari Sa Eat Bulaga!

Huwebes, Hunyo 1, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin na nakausap umano niya ang actor-host na si Alden Richards hinggil sa nangyari sa Eat Bulaga.


Kamakailan lamang ay ginulat ng TVJ ang lahat sa kanilang biglaang pag-aanunsyo na iiwan na nila ang TAPE Inc. Marami ang napapatanong kung ano na ang susunod na mangyayari sa Eat Bulaga dahil ang TVJ ang maituturing na haligi at nagsimula sa nasabing show.


Samantala, isiniwalat ni Manay Cristy Fermin na nagkapalitan sila ng messages ng isang host ng Eat Bulaga na si Alden Richards ta naitanong niya rito kung ano na ang susunod na mangyayari sa show.


"Kanina, ka-text ko si Alden Richards dahil marami ang nagtatanong. Kasi ang balita, bukas daw po at tsaka... ano, ngayon at bukas, Huwebes at Biyernes, tape ulit ang ipapalabas.


"Pero sa Sabado raw, bubuo ng isang programa na ang lalabas ay mga artista ng Sparkle at ipinagpapaalam daw si Alden Richards ganun," pahayag ni Cristy Fermin.


Ayon kay Cristy Fermin, hindi rin inexpect ni Alden ang nangyari kahapon at kabilang rin siya sa mga nagulat.


"Ang eksakto pong text sa akin ni Alden kanina nung tanungin ko siya, 'Nagulat po ako 'nay. Hindi ko po ine-expect yung mga pangyayari kahapon. Pero kahit ano pong mangyari, ang suporta ko po ay nasa Tito, Vic at Joey at Eat Bulaga.'


"Ayan, at ito pa, 'Maraming salamat po 'nay, kagaya niyo po, mahalaga po sa akin ang loyalty at utang na loob. Hindi po magbabago yun.' 


"Ang sagot ko, 'Maraming salamat sa magandang puso mo. Napakahalaga talaga ng mga sinabi mo at salamat dahil hindi ka pinagbabago ng kasikatan, ng panahon, at ng kayamanan,'" pagkukwento ni Manay Cristy Fermin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo