TAPE Inc. Naglabas Na Ng Official Statement Sa Pamamaalam Ng TVJ

Huwebes, Hunyo 1, 2023

/ by Lovely


Naglabas na ng official statement ang production company na TAPE Incorporated matapos ipahayag ng mga hosts at staffs ng Eat Bulaga ang kanilang pag-resign.


Nauna nang naiulat ang pagpapahayag ng iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang kanilang pag-alis sa TAPE Inc. kasunod ng pagpigil umano sa kanilang umere ng live nitong May 31, 2023.


Agad namang naglabasan ang samu't-saring mga speculations mula sa mga netizens at maging ng mga celebrities kung ano ang susunod na mangyayari sa Eat Bulaga kasunod ng pag-alis ng mga original hosts nito.


Nauna na ring naglabas ng pahayag ang GMA Network patungkol sa desisyon ng TVJ, nalulungkot umano sila sa naging desisyon ng TVJ na iwan na ang production company. Ipinunto rin nilang may existing contract pa sa kanila ang TAPE Inc.


Samantala, naglabas na ng pahayag ang TAPE Inc. hinggil sa desisyon ng TVJ.


“TAPE, INC. is saddened by the turn of events yesterday, May 31, but we respect the decision of the hosts to leave Eat Bulaga and GMA 7 Network, which has been their home for 28 years,” panimula ng TAPE Inc.


Nagpapasalamat din sila sa lahat ng mga ito sa pagbibigay ng saya sa tanghalian sa loob ng 43 years, ipinunto rin nila na ang sucess ng show ay hindi lamang dahil sa tatlong tao kundi sa collaborative efforts ng lahat, kasama na ang mga viewers.


"It is unfortunate, but life must go on. As with life, we have to accept changes but we have a duty to every Filipino."


Ibinahagi rin nila na magbabalik muli ang Eat Bulaga kasama ng mga bagong magpapasaya sa tanghalian mula Aparri hanggang Jolo.


“Abangan ninyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan ninyo ang mas masaya, mas nakakaaliw at higit pa sa isang libo’t isang tuwa na Eat Bulaga. Patuloy ang Dabarkads na maglilingkod para sa inyo, mga Kapuso mula Aparri hanggang Jolo at sa buong mundo.”


Sa huli ipinunto pa ng TAPE na hindi magtatapos ang mundo dahil lamang sa pag-alis ng mga host ng Eat Bulaga.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo