Max Collins At Pancho Magno Nagsamang Muli Sa Graduation Ng Anak

Huwebes, Hunyo 1, 2023

/ by Lovely


 Muling nagkasama ang dating celebrity couple na sina Max Collins at Pancho Magno sa naganap na moving up ceremony ng kanilang anak na si Skye Anakin.


Matatandaang sa wakas ay inamin na ni Max Collins sa kamakailang episode ng Fast Talk With Boy Anbunda na matagal na silang naghiwalay ng kanyang mister na si Pancho Magno.


Hindi naman niya tahasang inamin ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay, dahil aniya pa ay mahirap sa kanya ang nangyari.


Kasagsagan umano ng pandemic, nangyari ang paghihiwalay nila at hindi na nila ito pinag-uusapan ngayon.


Samantala, parehong present sina Max Collins at Pancho Magno sa naganap na moving up ceremony ng kanilang anak na si Skye.


Pareho din nilang ibinahagi sa kani-kanilang mga social media account ang naganap na ceremony.


“So proud of you my baby boy who just graduated,” pahayag ni Max sa kanyang Instagram stories.


“We are sooo proud of you @skyecollinsmagno, Love Mommy @maxcollinsofficial and Daddy,” caption ni Pancho sa kanyang Instagram post kalakip ang video kung saan kasama niya ang anak habang kinukuha nito ang kanyang certificate.


Ikinasal sina Max Collins at Pancho Magno noong Disyembre 11, 2017 sa harap ng kanilang mga kaibigan at pamilya sa Marriott Hotel sa Pasay City. 


Ang dating mag-asawa ay na-engage noong May 2017. Apat na taon na silang magkasintahan bago ang kanilang kasal.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo