Pauleen Luna, Ibinahagi Ang Resignation Letter Ng Iba Pang Hosts at Staff ng Eat Bulaga Matapos Ang Pag-alis Ng TVJ

Huwebes, Hunyo 1, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ng misis ni Vic Sotto na si Pauleen Luna Sotto ang resignation letter ng ilan pang mga hosts at staff ng Eat Bulaga na tila sumunod sa desisyon ng TVJ na iwan ang TAPE Inc.


Sa Instagram stories ni Pauleen Luna, ibinahagi niya ang resignation letter kung saan makikitang nakapirma ang mga hosts na sina  Jose Manalo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Wally Bayola, and Allan K.


Sa caption ipinahayag niyang lahat ng mga hosts at staffs ng Eat Bulaga ay nagresign na rin at lumayas sa management ng TAPE Inc.


"All the hosts, writers, sales, production, and cameramen followed suit immediately after TVJ's resignation."


Matatandaan na unang isiniwalat ng TVJ ang kanilang resignation sa TAPE Inc. nitong May 31, 2023 kasunod ng pagpigil umano sa kanila na umere ng live.


Ang TVJ ay ang original hosts ng Eat Bulaga sa loob ng 44 years nitong pag-ere sa telebisyon.


Noon paman ay naging usap-usapan na ang pagkakaroon ng internal conflict sa pagitan ng mga hosts ng Eat Bulaga at sa main producer nito na TAPE Inc.


Unang pumutok ang balitang ito nang sapilitan umanong pinagresign ng mga bagong executives ng TAPE Inc. si Tony Tuviera. Inalmahan ito nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon (TVJ).


Kaya naman maging sila ay pinag-iinitan na rin ng mga TAPE executives.


Samantala, hindi pa tukoy ngayon kung madadala nga ba ng TVJ ang Eat Bulaga sa kanilang paglipat sa ibang network o mananatili ang Eat Bulaga under TAPE Management.


Sa ngayon ay hindi pa rin malinaw kung may ipapalit nga bang ibang show sa dating timeslot ng Eat Bulaga o kung may mga kukuning bagong hosts ang mga Jalosjos para ipagpatuloy ang nasabing show.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo