Totoong Relasyon Ni Ronaldo Valdez Sa Manager Na Si Jam Santos!

Walang komento

Huwebes, Disyembre 21, 2023


 Maraming mga netizens ngayon ang tila binibigyan ng kakaibang kulay ang closeness at samahan nina Ronaldo Valdez at manager nito na si Jamela Santos.


Ayon sa ilang mga netizens na sobra-sobra umano ang closeness ng dalawa at kapansin-pansin pa na palaging pinapasalamatan noon ni Ronaldo ang kanyang manager. Malaki ang pasasalamat ni Ronaldo sa kanyang manager dahil palagi umano itong nagbibigay ng oras sa kanya at sinusuportahan siya sa kanyang mga ginagawa.


Maging sa wake ng aktor ay makikita pa na tila si Jamela Santos ang nag-ayos, makikita rin ang closeness nina Janno Gibbs at Melissa Gibbs rito.


Samantala, may ilang mga netizens naman ang naniniwala na wala namang malisya ang samahan ng dalawa kundi pure friendship lamang. Hindi umano nararapat na bigyan ng malisya ang closeness ng dalawa at dapat pang hangaan si Jamela sa kanyang dedication sa pag-aalaga kay Ronaldo Valdez.


Matatandaan na base sa mga isiniwalat noon ni Jamela na nakipagkita pa siya kay Ronaldo upang magpaalam rito dahil pupunta siya sa ibang bansa, hindi naman umano niya lubos akalain na ito na pala ang magiging huling pagkikita nilang dalawa.


Sa kabilang banda, base sa pagkukwento ng dating kasamahan ni Ronaldo Valdez na si Boots Roa ay napansin din umano niya na may iniindang sakit si Ronaldo Valdez, physically but more on emotionally. 


Napapansin umano niyang nasasaktan at nalulungkot ito. Hindi naman umano niya tinanong ang dahilan subalit hinala niya na may kinalaman sa kalungkutang ito ang paghihiwalay nina Ronaldo Valdez at asawa nitong si Marife Gibbs.


Hindi rin naman alam ni Boots, kung ano ang dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa dahil hindi na niya tinanong pa si Ronaldo bilang pagrespeto rito.


Kilalang Aktor Tatanggalin Sa Regular Show

Walang komento


 Nanganganib na matanggal umano sa isang regular show ang isang aktor dahil nagiging problema na umano ito sa mga production staff.


Tila hindi na umano magbabago ang aktor na ito at palagi siyang nahuhuli sa call time kaya naman apektado na ang kanyang trabaho at maging ang kanyang mga co-stars at nagrereklamo na rin dahil sa kawalan umano ng disiplina at professionalism ng nasabing aktor.


Mag-iisang taon pa lamang nang ipinakilala sa telebisyon ang aktor bilang personalidad na maaring sumikat. Bago pa man ipinakilala sa telebisyon, sumailalim muna ang aktor na ito sa maraming mga workshops.


Gayunpaman, hindi pa man nagtatagal ang pagsikat ng aktor na ito ay maari na umano itong matanggal. Hindi lamang umano ito natuloy dahil sa pakiusap ng dalawang co-stars nito na nagigiliwan sa kanya.


Subalit, hindi panghabangbuhay na pagtatakpan na lamang ng dalawang ito ang aktor lalo pa't hindi naman umano ito nagbabago at hanggang ngayon ay wala pa rin itong disiplina at professionalism.



Herlene Budol Nagsalita Na Sa Isyu Nila Ni Rob Gomez,Bianca Manalo Dedma Lang

Walang komento

Naglabas na ng pahayag ang aktres na si Herlene Nicole Budol sa pagkakadawit niya sa isyu sa pagitan ng magkarelasyon na sina Rob Gomez at Shaila Rebortera.


Nadawit ang pangalan ni Herlene Budol sa isyu ng pangangaliwa ni Rob Gomez sa ina ng kanyang anak na si Shaila Rebortera ng lumabas sa mismong Instagram account ng aktor ang mga private messages ng dalawang lead stars ng teleseryeng Magandang Dilag.


Kung pagbabasehan ang palitan ng mga mensahe nina Herlene Budol at Rob Gomez, mahihinuhang may romantikong namamagitan sa kanila. Nakadagdag pa sa kontrobersiya ang larawan ng dalawang pregnancy test kung saan tinag ang Magandang Dilag star.


Marami ang naghinala na may nangyayari sa pagitan nina Rob Gomez at Herlene Budol kaya naman kinailangan ng aktres na mag-prenancy test upang siguruhin kung nagbubuntis na nga ba ito o hindi.


Sa gitna ng pagkalat ng mga screenshots, nagtweet si Herlene Budol, kung saan naitanong niya kung bakit nakaladkad ang kanyang pangalan.


Kaagad naman sinagot ng ilang mga netizens si Herlene Budol at sinabing alam na niya dapat ang dahilan kung bakit nakaladkad ang kanyang pangalan dahil pumatol siya sa isang lalaki na may anak na.


May mga nagsasabi pa na labis siyang nagutom kaya naman maging ang taong hindi karapat dapat ay napapak niya. May mga binalikan pa ang mga karakter ni Herlene Budol sa teleseryeng Black Rider kung saan sinabunutan niya ang kabit ng kanyang kinakasma. Ayon sa mga netizens na dapat sabunutan ngayon ni Herlene ang kanyang sarili.


May mga naiinis pa sa aktres dahil tila nagmamalinis na naman umano ito gayung kitang-kita na ang ebedinsyang dawit siya sa isyu dahil sa mga screenshots na kumakalat ngayon.


May kasunod pang post si Herlene Budol kung saan tila sinabi niyang normal lamang na iniisyu siyang nagbubuntis sa tuwing nagiging maganda ang kanyang showbiz career.


Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang aktor na si Rob Gomez kung saan ipinahayag niyang walang pahintulot na kinuha ni Shaila Rebortera at ginamit ang kanyang cellphone noong December 20, 2023. Kaagad naman umanong nilink nito ang mga private converstions niya sa kanyang mga co-stars para masira ang kanilang reputasyon sa industriya.


Iginiit din ni Rob Gomez na ang mga kumalat na converations ay dinadamayan lamang siya ng kanyang mga co-stars noong may pinagdadaanan siya.


Sa kabilang banda patuloy namang nanahimik ang isa pang personalidad na dawit sa isyu na si Bianca Manalo, kung pagbabasehan ang mga kumakalat na screenshots makikitang tila may namamagitan din sa kanilang dalawa ni Rob Gomez.


Tila dinidedma lamang ngayon ni Bianca Manalo ang isyu upang hindi na lumala pa lalo na't hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mayroon na siyang kinakasama.


 


 

Janno Gibbs Sumagot Na Sa Isyung Paghingi Ng Mana Ng Nagpakilalang Anak Sa Labas Ni Ronaldo Valdez

Walang komento


 Nagbigay na umano ng pahayag ang singer na si Janno Gibbs hinggil sa napapabalitang pagsulpot ng anak sa labas ng kanyang amang si Ronaldo Valdez na kamakailan lamang ay pumanaw.


Nagsalita na umano ang isa sa mga anak ni Ronaldo Valdez na si Janno Gibbs hinggil sa isyung may nagpakilalang anak sa labas ng kanyang ama sa lamay nito.


Ayon sa ilang mga usap-usapan sa social media, may bumisita sa burol ng batikang aktor at nagpakilala bilang anak nito sa labas. Nagpunta umano ito upang silipin ang mga huling sandali ng kanyang ama.


Hindi naman umano ito nagustuhan ni Janno Gibbs at kaagad na itinaboy ito, pakiramdam umano ni Janno ay pinagtitripan lamang sila nito at binabastos ang lamay ng kanilang ama.


Ipinagpipilitan naman nito na anak siya ni Ronaldo kaya naman may karapatan rin umano siya na pumunta sa lamay ng yumaong ama.


Samantala, ayon pa sa mga naglabasan chika na ipinahayag umano ni Janno Gibbs na kaya lumantad ngayon pumanaw na ang kanilang ama ang nagpakilalang anak nito sa labas ay upang makihati sa mga ari-arian at kayamanan na ipapamana nito sa kanila.


Hindi naman umano papayag si Jannno Gibbs na magtagumpay ang estranghero na nagpakilalang kapatid nila sa ama dahil kaduda-duda umano kung bakit ngayon lamang ito lumantad kung kailang namayapa na ang kanilang ama.




Kim Chiu Emosyunal Sa Christmas Party Dahil Hindi Sinipot Ni Xian Lim

1 komento


 Naging emosyunal ang actress-host na si Kim Chiu sa inorganisa niyang annual Christmas party sa bahay niya sa Quezon City noong linggo.


Dumalo sa nasabing event ang ilang malalapit na kaibigan ni Kim Chiu, kamag-anak at ilang staff ng Star Magic. Naroon din ang mga kasamahan niya sa mga programang kinabibilangan, katulad na lamang sa It's Showtime, Linlang at What's Wrong With Secretary Kim.


Bukod sa mga inihandang pagkain ni Kim Chiu, may mga paraffle din siya sa mga dumalong bisita. 


Wala rin sa nasabing event ang nobyo ni Kim Chiu na si Xian Lim na lalong nagpalakas sa hinala ng mga fans na naghiwalay na nga ang dalawa. Bukod pa rito kapansin-pansin na namumugto ang mga mata ni Kim Chiu na tila ba galing ito sa labis na pag-iyak.


Sa kabila nito, masaya pa ring sinalubong ni Kim Chiu at inentertain ang mga taong dumalo sa kanyang inihandang Christmas Party.


Nagpapasalamat naman si Kim Chiu sa mga taong dumalo at naglaan ng oras para sa kanyang event. Nanalo man umano o natalo ang mas mahalaga pagkatapos ng araw ay masaya pa rin ang lahat at iyon naman umano ang mas mahalaga.


Naging emosyunal pa ang aktres sa pagsasabi niya kung gaano niya minahal ang mga taong naroon dahil naging bahagi ang mga ito sa kanyang 2023.


Sa kabilang banda, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may pinagdadaanan ngayon ang aktres na si Kim Chiu, dala ng paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim bagama't hindi pa nila ito kinumpirma sa lahat.


Sa ngayon ay kapansin-pansin ang kalungkutan ni Kim Chiu na pilit niyang tinatakpan ng matatamis na ngiti, hindi man nito maamin, alam ng lahat na labis itong nasasaktan dahil lumalabas na parang wala lang kay Xian Lim ang 12 years nilang relasyon na inakala ng lahat na sa kasalan mauuwi.




Its Showtime Host May Malaking Offer Para Iwan Ang Showtime!

Walang komento


 Inamin ng Korean TV host na si Ryan Bang na nakatanggap siya noon ng offer mula sa South Korean entertainment agency na SM Entertainment na magkaroon ng career sa South Korea.


Subalit, matapos ang mahaba-habang pag-iisip at diskusyon kasama ang kanyang pamilya, napagdesisyunan niyang tanggihan ang offer na ito at manatili na lamang rito sa Pilipinas na unang nagbigay ng pagkakataon sa kanya para makapagtrabaho sa industriya ng showbiz.


Kilala ang SM Entertainment ng South Korea bilang tahanan ng mga magagaling na K-Pop kabilang na ang Girls Generation, SHINee, Super Junior, Red Velvet, EXO, bukod sa iba pa.


Isiniwalat ito ni Ryan Bang sa panayam sa kanya ng ABS-CBN Head of TV Productions na si Lauren Dyogi, malaki umano ang pinagbago ng kanyang buhay mula nang madiscover ng ABS-CBN.


Nagsimula ang showbiz career ni Ryan Bang sa Pilipinas nang maging official housemate siya sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother noong 2010 kung saan itinanghal siya bilang 2nd big placer.


Ipinahayag din ni Ryan Bang ang kanyang pasasalamat kay Direk Lauren Dyogi, dahil kung hindi umano siya kinuha nito noon sa PBB ay baka umuwi na umano siya sa Korea at naging trabahador na lamang siya ng kung anong company.


Bilang pasasalamat kay Direk Lauren Dyogi ginagalingan umano ni Ryan Bang ang kanyang trabaho upang hindi umano magsisisi si Direk sa pagkuha sa kanya.na maging parte ng ABS-CBN.


Humanga naman si Direk Dyogi sa pagiging mabait, masipag at pagiging loyal ni Ryan Bang sa ABS-CBN at sa Star Magic, na kahit nagkaroon sila ng problema sa prangkisa ay hindi parin sila iniwan ni Ryan Bang.


Sa kabilang banda, tila nagbukas naman ng maraming oportunidad kay Ryan Bang sa pagtanggi niya sa offer ng SM Entertainment, naging guest siya sa ilang mga shows sa South Korea.



Herlene Budol Nagsalita Na Sa Issue Nila Ni Rob Gomez?

Walang komento


 Binasag na ng beauty queen-actress na si Herlene Nicole Budol ang kanyang katahimikan sa isyung kinasasangkutan niya ngayon kung saan itinuturi siyang third party o kabit sa relasyon nina Shaila Rebortera at Rob Gomez.


Naging laman ng mga usap-usapan sa social media si Herlene Budol nang magleak mula sa mismong Instagram account ng aktor na si Rob Gomez ang kanilang mga private messages na naglalaman ng kanilang paglaladian at resibo ng pagtataksil ni Rob Gomez kay Shaila Rebortera.


Bukod sa mga screenshot ng private messages nina Herlene Budol at Rob Gomez, may larawan din ng dalawang pregnancy test na pinaghihinalaan na kay Herlene, naging hati pa ang mga komento ng mga netizens kung positive o negative ba ang resulta nito dahil malabo ang ikalawang guhit na makikita sa pregnancy test.


Samantala, kumakalat naman ngayon ang isang social media post ni Herlene Budol kung saan mababasang hindi siya apektado sa isyung nagbubuntis umano siya ngayon.


Ayon kay Herlene Budol, noong nagho-host pa lamang siya sa Wowowin ay naisyu na siyang nagbubuntis. Noong nasa Magandang Dilag naman ay naisyu namang nagbubuntis siya. Ngayon nasa Black Rider, tiyak umano na lalabas naman ang isyung buntis na naman ulit siya.


Sa kabilang banda, marami ang naghinala na ang kinakasama ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera ang nagleak sa mga conversation ni Rob Gomez sa mga babaeng kalandian nito ngayon.


Tila paraan umano ito ni Shaila Rebortera para ipakita sa lahat ang totoong katauhan ni Rob Gomez at Herlene Budol dahil hindi man lamang nito tinakpan ang mga intimate messages ng dalawa sa isa't-isa kabilang na ang 'pagkagutom' at pag'kain'.


Sa ngayon ay pinaghihinalaan ng mga netizens na nasa mga kamay pa rin ni Shaila Rebortera ang cellphone ni Rob Gomez, na nakumpirma naman ng mag-post si Rob Gomez sa kanyang Facebook account na wala sa kanya ang kanyang cellphone.


May mga nagpapatunay naman na may agawan ng cellphone umano na naganap sa pagitan nina Shaila Rebortera at Rob Gomez na sa huli ay si Shaila ang nagwagi kaya nagleak ang mga baho ng Magandang Dilag stars.


Ayon sa aming source, naganap ang agawan noong martes ng gabi sa condo unit na tinitirhan ni Shaila at anak nila ni Rob Gomez sa Pasig. Nagkagulo umano ang dalawa, may mga rumesponde pang mga pulis subalit hindi na lumabas pa si Shaila sa condo kaya naman hindi na nabawi ni Rob Gomez ang kanyang cellphone.


May mga kalmot pa umano si Rob Gomez sa kanyang mga braso na magpapatunay na may agawan na naganap sa pagitan nila.


Sa ngayon ay hinihintay pa rin ang mga opisyal na pahayag ng mga taong sangkot sa isyung ito, kabilang na sina Herlene Budol, Bianca Manalo at Rob Gomez.


Sa pananahimik ni Herlene Budol, masasabi umano na hindi ito apektado dahil hindi naman umano siya kabit ni Rob Gomez dahil may anak lang naman sila ni Shaila at hindi pa naman kasal ang mga ito.


Hinihintay naman ng ilang mga netizens, ang pahayag ni Shaila Rebortera hinggil sa panloloko sa kanya ng kanyang boyfriend.




Herlene Budol Matatanggal Sa GMA Matapos Ang Kabit Issue Kay Rob Gomez

Walang komento


 Matapos masangkot sa isang kontobersiya mga pinaghirapan ng actress-beauty queen na si Herlene Budol maaring mawala na lang sa isang iglap.


Sa hindi inaasahang pagkakataon, maaring mawala umano sa actress host na si Herlene Nicole Budol ang kanyang tinatamasang kasikatan ngayon sa larangan ng showbiz.


Marami ang naghinala na kaagad na babagsak ang showbiz career ng aktres na si Herlene Budol, gayung kakasimula pa lamang ng kanyang kasikatan.


Umaani ngayon ng pambabatikos mula sa mga netizens ang Magandang Dilag star na si Herlene Budol dahil sa pagiging kabit umano niya ng kanyang leading man na si Rob Gomez na kasalukuyang may kinakasama na si Shaila Rebortera.


Tila hindi man lamang umano pinansin ni Herlene Budol ang katotohanang mayroon nang kinakasama at anak si Rob Gomez, mas inuna pa umano nito ang kanyang sariling pangangailangan


Nitong December 20, 2023, nagulat na lamang ang mga netizens ng kumalat ang mga private messages nina Herlene Budol at Rob Gomez na nagmula pa sa mismong Instagram account ng aktor.


Hinala ng marami na si Shaila Rebortera talaga ang nagpost ng mga kumalat na landian messages nina Rob Gomez at Herlene Budol gamit ang social media account at cellphone ng aktor.


Sa kabilang banda, tila nakarating na sa GMA Executives at sa pamunuan ng Magandang Dilag ang isyung ito ng kanilang mga stars na sina Herlene Budol, Rob Gomez at maging ni Bianca Manalo.


Malaki rin kasi ang magiging epekto ng isyu ng tatlo sa kanilang show dahil magkakasama lamang sila sa iisang project na pareho namang tinikman ni Rob Gomez.


Samantala, ayon sa mga bali-balita, sakaling mapatunayan na totoo ang mga messages na kumalat sa pagitan ng tatlong co-stars ng Magandang Dilag, hindi lamang umano ang kanilang show ang matatapos kundi maging ang kanilang mga careers na rin.


Sa kabilang banda, may ilang netizens naman ang nagsasabi na hindi naman kailangan tanggalin si Herlene Budol sa mga shows na kanyang kinabibilangan ngayon kahit pa mapatunayan ang isyu dahil hindi pa naman umano kasal sina Rob Gomez at Shaila Rebortera.


May mga nagsasabi pa na magkaiba naman ang personal na buhay sa trabaho kaya naman bakit umano kailangang tanggalin ang aktres gayung magalin naman ito sa kanyang trabaho.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag sina Herlene Budol at Bianca Manalo sa pagkakalink nila sa aktor na si Rob Gomez.


Samantala, sa isang Facebook post, nagpahayag ng maikling mensahe si Rob Gomez kung saan ipinahayag niyang wala pa rin sa kanyang possesion ang kanyang cellphone.


Hindi naman nilinaw ng aktor kung ninakaw nga ang kanyang cellphone o nasa kamay ito ng kanyang kinakasama na si Shaila Rebortera.


Boots Anso-Roa Kinumpirma Ang Hiwalayang Ronaldo Valdez, Marife Gibbs Sanhi ng Labis Na kalungkutan

Walang komento


 Sa kabila ng pagkakaroon ng magandang buhay at pagiging successful sa kanyang career sa industriya ng showbiz, may mga kinakaharap pa ring mga isyu at pagsubok sa buhay ang batikang aktor na si Ronaldo Valdez.


Sa biglaang pagpanaw ng aktor dahil sa pagkitil nito sa sariling buhay, naglabasan ang mga isyu na naging dahilan kung bakit nakaramdam ito ng labis na kalungkutan.


Ayon sa mga kumakalat ngayong mga usap-usapan, bukod sa mga iniindang pisikal na karamdaman ni Ronaldo Valdez dala ng kanyang katandaan nakaramdam din umano ng matinding kalungkutan si Ronaldo Valdez dahil sa pagkabigo niyang i-save ang marriage nila ng kanyang long time wife na si Marife Gibbs.


Ayon pa sa mga kumakalat na mga ulat, tatlong taon na umano ang nakakalipas nang maghiwalay ang dalawa, napakasakit umano nito para kay Ronaldo na hindi na niya kasama ang kanyang pinakamamahal na asawa sa loob ng halos 50 years.


Hinala ng marami na ang kadahilanang ito ang naging sanhi kung bakit nalugmok ang aktor sa kalungkutan at depression. Nakadagdag na lang rin umano rito ang ginawang operasyon sa kanya dala ng kanyang prostate cancer noong December 2022.


Kinumpirma naman ito ng dating leading lady ni Ronaldo Valdez sa pelikulang 'Ikaw at Ako' na si Boots Anso-Roa sa isang panayam.


Ayon kay Boots, maaring personal na problema ang naging dahilan ni Ronaldo Valdez sa pagkitil sa kanyang sariling buhay. Dito na isiniwalat ng batikang aktres na tatlong taon nang naghiwalay sina Ronaldo Valdez at asawa nitong si Marife Gibbs. Hindi na umano niya itinanong rito ang dahilan ng paghihiwalay nila subalit natitiyak niyang masakit ito para sa aktor dahil matagal rin nitong nakasama si Marife.


Dagdag pang pagsisiwalat ni Boots, napansin niya noong filming ng pelikula nila ni Ronaldo Valdez na 'Ikaw at Ako' ay nahihirapan na umano itong maglakad. Gumagamit na umano ito ng sungkod at palaging nangangailangan ng assistance mula sa ibang tao sa set. Subalit, ang mas napansin niya ay ang pagiging malungkot nito na pilit itinatago sa kanyang mga pag-ngiti at pagjo-joke.


Gayunpaman, napapansin niyang nag-iba ang behavior nito. Napansin umano niyang nasasaktan ito sa ilang mga eksena na ginawa nila lalo na kapag kinailangan nitong maglakad ng straight. Perfect naman umano ito sa kanilang roles na ginagampanan subalit kahit natapos na nila ang scene at sumisigaw na ang director ng cut ay nakikita pa rin niya ang pained expression nito.


Ayon pa sa pagbabahagi ni Boots na ang mas naramdaman niya ang labis na kalungkutan ni Ronaldo lalo na sa pag-iyak nito sa ilang scene ng sobra-sobra.


Sa ngayon ay nakikiramay ang mga artistang nakasama noon ni Ronaldo Valdez sa mga pelikula at teleserye, marami ang nabigla sa ginawa ng batikang aktor.


Sa kabilang banda, tila nagsilbi naman bilang eye opener sa ilang mga netizens ang kwento ng buhay ni Ronaldo Valdez, lalo na sa mga taong nakakaramdam rin ng depression.





Detalye Ng Kontrobersya Nina Bianca Manalo, Rob Gomez at Herlene Budol

Walang komento


 Ikinagulat ng maraming mga netizens at Magandang Dilag fans na lalabas ang mga pribado at sensitibong exchange of messages sa pagitan ng mga stars ng Magandang Dilag na sina Rob Gomez, Herlene Budol at Bianca Manalo. Sa mga nasabing screenshot makikita ang tila pagtataksil ng mga Kapuso artists na ito sa kanilang mga kinakasama ngayon.


Naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms nitong December 20, myerkules, ang mga Kapuso stars na sina Bianca Manalo, Rob Gomez at Herlene Budol dahil kumalat ang mga palitan nila ng messages.


Kung pagbabasehan ang mga kumakalat na screenshots ng kanilang mga conversations, mahihinuhang palihim na nagkikita sina Bianca Manalo at Rob Gomez. Ang aktres pa mismo na si Bianca Manalo ang mga nagpadala ng messages kay Rob Gomez, kung saan tinatanong niya ang aktor kung makakapunta ba ito ng mga 7 a.m para magkita silang dalawa.


Halos hindi naman makapaniwala ang mga netizens sa mga nababasang conversation ng dalawa dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may kinakasama na ang aktres na si Bianca Manalo, ang Senator na si Win Gatchalian, tila maayos naman ang relasyon nila dahil masaya pa nilang ipinagdiriwang ang kaarawan noon ni Bianca sa Malacanang Palace.


'He's not here he's in Valenzuela' mababasang mensahe ni Bianca Manalo kay Rob Gomez sa mga screenshots na kumakalat. Bagama't wala namang sinabing pangalan si Bianca sa nasabing mensahe hinala ng maraming mga netizens na ang tinutukoy ng aktres ay ang kanyang kinakasama na si Sen. Win Gatchalian.


Samantala, nito lamang August 2023 lumantad sa publiko ang dating beauty queen na si Shaila Rebortera at ipinakilala ang anak nila ni Rob Gomez na tinatago ng aktor. Ito'y matapos ang pahayag ni Rob Gomez sa naging guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda na single pa rin siya.


Sa kabilang banda, bukod sa aktres na si Bianca Manalo, dawit rin sa isyu ang co-star nila sa Magandang Dilag na si Herlene Nicole Budol. Kabilang rin sa mga ibinahaging screenshot ng mismong Instagram account ni Rob Gomez na kasalukuyang burado na.


Mababasa naman sa palitan ng mga mensahe nina Herlene Budol at Rob Gomez, na mayroong silang malalim na ugnayan at matagal na nila itong tinatago. Base rin sa mga nasabing messages may nangyayari nang intimate sa pagitan nila na hayagan nilang pinag-uusapan sa kanilang messages.


Ayon naman sa mga bali-balita, hindi naman na-hack ang social media account ni Rob Gomez na naging dahilan sa pagkalat ng kanyang mga private messages. Marami ang naghinala na ang nagpakalat ng mga private messages ni Rob Gomez sa iba't-ibang mga babae ay ang ina ng kanyang anak na si Shaila Rebortera.


May nangyaring agawan ng cellphone umano sa pagitan nina Shaila Rebortera at Rob Gomez, may mga nakakita rin kasi sa mga kalmot sa kamay ni Rob na mula umano sa agawan nila. Tila nakumpirma naman ito nang magpost si Rob Gomez sa kanyang Facebook account kung saan ibinahagi niyang hindi niya hawak sa ngayon ang kanyang cellphone.


Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng mga opisyal na pahayag ang mga sangkot sa nasabing isyu na sina Herlene Budol, Rob Gomez at Bianca Manalo.


Relasyon Ni Angel Locsin at Neil Arce Kinuwestiyon Dahil Kay Barbie Imperial

Walang komento

Miyerkules, Disyembre 20, 2023


 Mahigit isang taon na ring hindi naglalabas ng anumang update ang aktres na si Angel Locsin sa kanyang social media accounts, tila bigla na lamang nawala ng parang bola ang aktres dahil hindi na rin ito nakikita sa mga social gatherings.


Hindi naman naging malinaw kung ano ang dahilan ng aktres kung bakit bigla na lamang siyang nanahimik at hindi nagpapakita pa sa kanyang mga fans.


Sa kabilang banda, tila nagiging sensitive naman ang mga tagahanga ngayon ni Angel Locsin dahil sa pagkukomento ng asawa nitong si Niel Arce sa sexy photos ng actress na si Barbie Imperial.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Barbie Imperial ang kanyang mga sexy poses sa kanyang Instagram account kung saan makikitang kung saan hinahawak ni Barbie Imperial ang kanyang mga kamay.


Nagkomento sa nasabing post si Niel Arce kung saan tinanong niya ang aktres kung may allergy ba ito kaya kung saan-saan ito nagkakamot.


Hindi naman ito nagustuhan ng ilang mga fans ni Angel Locsin, may mag naglagay pa ng malisya sa komento ni Niel Arce. May ilan namang kinumusta si Angel Locsin na matagal na ring nanahimik sa mundo ng social media at showbiz.


Hindi naman sinagot ni Niel Arce ang mga katanungan na ito ng mga fans ng kanyang misis na si Angel Locsin para na rin matigil na ang isyu.


Sa kabilang banda, nanatiling katanungan pa rin sa mga netizens kung bakit biglang naglaho si Angel Locsin sa mundo ng showbiz at tumigil na rin ito sa kanyang pagtulong sa mga nangangailangan.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na noon ay palaging nangunguna si Angel Locsin sa mga kababayan na nasalanta ng mga natural na kalamidad.


Samantala, sa kamakailang interview kay Dimples Romana, iginiit niya na maayos naman ang kalagayan ni Angel Locsin ngayon at masaya ito sa buhay may asawa kasama si Niel Arce.



Janno, Melissa Gibbs Sobra Ang Pasasalamat Sa Mga Artistang Hindi Nakalimot Sa Kanyang Ama

Walang komento


 Patuloy na dumadagsa ang mga nagbibigay ng flowers, pakikiramay at huling respeto para sa yumaong beteranong aktor na si Ronaldo Valdez, mula sa mga taong nagmamahal rito at mga dating nakasama sa trabaho.


Labis naman ang pasasalamat ni Janno Gibbs sa mga taong hindi nakakalimot at nagmamahal sa kanyang ama. Isa sa mga pinasalamatan ni Janno Gibbs ay ang award winning actress na si Kathryn Bernardo na ayon kay Janno Gibbs, sobrang lapit sa kanyang ama na si Ronaldo Valdez.


Naroon din si Kathryn Bernardo sa unang gabi ng lamay ni Ronaldo Valdez na naging malapit sa kanya mula nang magkasama sila sa iisang teleserye sa ABS-CBN na 2 Good 2 Be True. Sa katunayan, ay 'Lolo Sir' pa rin umano ang tawag ng aktres kay Ronaldo Valdez kahit nagtapos na ang kanilang teleserye.


Sa mga nakaraang videos nina Kathryn Bernardo at Ronaldo Valdez noong nabubuhay pa ito makikita ang kanilang closeness at saya lalo na noong nagkakasama pa sila sa taping ng pinagsamahang teleserye.


Hindi naman nagtapos ang closeness nina Kathryn Bernardo at Ronaldo Valdez dahil kahit natapos na ang pinagsamahan nilang teleserye ay nakasuporta pa rin ang aktor sa career ni Kathryn Bernardo.


Spotted pa noon si Ronaldo Valdez sa premiere night ng pinagbidahang pelikula ni Kathryn Bernardo na A Very Good Girl.


Bukod kay Kathryn Bernardo ay nagpadala rin ng bulaklak para kay Ronaldo Valdez sina Coco Martin at Julia Montes, Marian Rivera at Dingdong Dantes, at iba pang artista na nakikiramay at nalulungkot sa tuluyang pamamaalam ng beteranong aktor.




Dahilan Kung Bakit Wala Ang Asawa Ni Ronaldo Valdez Sa Lamay Nito

Walang komento


 Sa nalalapit na internment ng yumaong beteranong aktor na si Ronaldo Valdez, marami ang napapatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita ang asawa nitong si Marife Gibbs.


Marami sa mga tagahanga ng aktor ang nagsasabi na baka nagkahiwalay na ang dalawa na naging sanhi ng kalungkutan nito kaya nagawa niyang wakasan na lamang ang kanyang buhay.


Sa ngayon ay nasa ibang bansa umano ang asawa ni Ronaldo Valdez at hindi pa tukoy kung uuwi ba ito para sa libing ng beteranong aktor.


Samantala, kung pagbabasehan naman ang mga social media upload ng mga anak ni Ronaldo Valdez, makikita namang nagkakasama pa silang pamilya at ipinlex pa ng isang anak ng aktor na si Melissa Gibbs kung gaano maituturing na relationship goals ang relasyon ng kanyang mga magulang at road to forever na umano ang mga ito ngayon.


Makikita ring nagkakasama naman sina Ronaldo Valdez at Marife Gibbs sa mga special holidays na ipinagdidiwang ng kanilang pamilya.


Samantala, marami naman sa mga fans ng yumaong actor ang nagsasabi na sana ay huwag nang lagyan pa ng ibang kulay ang hindi pagpunta ng asawa ni Ronaldo Valdez sa burol ng yumaong aktor.


Maaring may mabigat umanong dahilan kung bakit hindi nakapunta si Marife Gibbs sa mga huling sandali na masisilayan ang mga labi ni Ronaldo Valdez.



Herlene Budol, Bianca Manalo, Inulan Ng Batikos Matapos Pumatol Kay Rob Gomez

Walang komento


 Mainit na naging usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga kumakalat na private conversation nina Herlene Budol at Rob Gomez ng kanilang paglalandian at sekretong relasyon. Bukod pa rito, kumalat rin ang private message ni Bianca Manalo kay Rob Gomez kung saan sinabi ng aktres na nais niyang makipagkita rito.


Makikita naman na ang uploader ng mga nasabing screenshot conversation ay ang mismong official Instagram account ni Rob Gomez kung saan nakatag sa mga post sina Herlene Budol at Bianca Manalo na kapwa kasama nito.


Hinala naman ng ilang mga netizens na maaring ang partner umano ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera ang siyang nag-upload sa mga nasabing conversation sa Instagram gamit ang account ng aktor nang mahuli niyang nakikipaglandian si Rob Gomez sa kanyang mga co-stars sa Magandang Dilag.


Maaring napuno na umano itong si Shaila Rebortera sa mga panloloko sa kanya ni Rob Gomez kaya naman ibinulgar na niya sa publiko ang mga baho nito maging kung sino ang mga babaeng pumapatol rito sa kabila na kaalaman na may kinakasama nang iba ang aktor.


Samantala, kung pagbabasehan ang mga palitan ng mensahe nina Rob Gomez at Herlene Budol, mahihinuhang may nangyayari na sa kanila sa palihim nilang pagsasama at relasyon.


Bukod pa sa mga palitan nila ng mensahe may ibinahagi ring larawan ng pregnancy test kung saan nakatag si Herlene Budol. May mensahe rin si Herlene kay Rob kung saan inamin niyang kinakabahan siya at sana ano man ang resulta ay mananatili pa rin sa kanya si Rob Gomez.


Makikita naman sa nasabing pregnancy test na ipinadala ni Herlene Budol kay Rob Gomez na negatibo ang resulta nito.


Sa kabilang banda, nadadawit rin ang pangalan ng isa pang Magandang Dilag star na si Bianca Manalo dahil bukod sa mga screenshots ng mga conversation nina Herlene Budol at Rob Gomez, sa isang post ang mga private message naman ni Bianca Manalo kay Rob Moya ang makikita kung saan mababasang nais na makipagkita ng aktres sa aktor.


Si Bianca Manalo ang kinakasama ng Senador na si Win Gatchalian na dating Mayor ng Valenzuela, sa mensahe ni Bianca Manalo kay Rob Gomez mababasa naroon sa Valenzuela ang kasama nito kaya nais niyang makipagkita sa aktor.


Sa ngayon ay hindi na makikita sa account ni Rob Gomez ang mga nasabing post dahil burado na ito, gayunpaman, kumakalat na sa iba't-ibang mga sites ang mga screenshots nito.


Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na nalagay sa malaking kontrobersiya ang aktor na si Rob Gomez, matatandaan na naging malaking intriga rin noon ang pagbabahagi ni Shaila Rebortera ng mga larawan nila ng anak nila ni Rob Gomez kasunod ng pahayag ng aktor na single pa siya at may napupusuang aktres.


Sa kabilang banda, binabatikos naman ngayon sina Herlene Budol at Bianca Manalo dahil sa pagpatol nila kay Rob Gomez sa kabila ng kaalamang may kinakasama at anak na ito. Lalo namang nakakatanggap ng batikos si Rob Gomez dahil hindi umano ito nakuntento sa iisang babae lamang at nakipaglandian pa ito sa may sabit na ring si Bianca Manalo.



Herlene Budol Bianca Manalo Sabay Na Tinuhog Ng Kapuso Aktor Na Si Rob Gomez

Walang komento

 

Nahaharap ngayon sa kontrobersiya ang mga Magandang Dilag cast na sina Herlene Budol, Rob Gomez at Bianca Manalo.


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa iba['t-ibang social media platforms ang mga ibingahagin post ng Kapuso actor na si Rob Gomez. Sa magkasunod na Instagram post ni Rob Gomez, mababasa ang mga screenshots ng conversation ng paglalandian nila ng kanyang leading lady sa Magandang Dilag na si Herlene Budol.


Makikita rin sa kasunod na post ang pakikipaglandian naman ni Rob Gomez sa isa pang co-star niya sa Magandang Dilag na si Bianca Manalo.


Samantala, kung pagbabasehan ang mga conversation nina Rob Gomez at Herlene Budol, mahihinuhang palihim na nagkikita ang dalawa at may nangyayari sa pagitan nilang dalawa.


Kalakip din sa nasabing mga post ni Rob Gomez ang larawan ng dalawang pregnancy test na nakatag kay Herlene Budol. Bukod pa rito, kabilang din sa nasabing series of screenshots ang mensahe ni Shaila Rebortera kay Herlene Budol para makipagusap sa aktres nakasaad rin sa mensahe ang number nito.


Sa kabilang banda, may screenshot din kung saan nagmessage din si Bianca Manalo kay Rob Gomez kung saan mababasa na nais nitong makipagkita sa aktor.


Ayon kay Bianca Manalo sa mensahe para kay Rob Gomez, na nasa Makati area umano siya kasama ang kanyang mga alagang aso kung libre umano itong si Rob Gomez, ay babalik kaagad siya sa BGC.


Dagdag pa ni Bianca Manalo na 'he's not here' nasa Valenzuela ito, hindi naman pinangalanan kung sino ang tinatawag nitong 'he's'. May mga haka-haka naman ang itinuturong 'he's' ni Bianca Manalo ay ang karelasyon nitong si Senator Win Gatchalian.


Sa ngayon ay nakabura na ang mga nasabing Instagram post sa account ni Rob Gomez, hinala ng maraming mga netizens na ang karelasyon ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera ang nagpakalat sa mga nasabing conversation gamit ang account ng Kapuso actor.


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng mga pahayag ang mga taong sangkot sa nasabing isyu.



Sharon Cuneta, Nagpa Christmas Party Sa Kanyang Mga Staffs Kasama Mga Kasambahay

Walang komento


 Taunan nang ginagawa ni Mega Star Sharon Cuneta ang pagpapa Christmas Party para sa kanyang mga kasamahan sa bahay at mga staffs na labis na hinangaan ng kanyang mga fans dahil sa pagiging kind hearted at pagiging generous ng actress-singer.


Samantala sa isang Instagram post ni Sharon Cuneta, ibinahagi niya ang joyous event ng kanyang kasambahay at mga office staffs.


Ayon sa caption ni Sharon Cuneta, ang araw na ito ang araw kung saan hindi nila pinahihintulutan na magtrabaho ang kanilang staff dahil sila na ang nagcatered para sa mga ito. Hindi rin nalimutan ni Sharon Cuneta na pasalamatan ang kanilang yayas, drivers, bodyguards, office staffs, messenger at mga household staffs sa pangangalaga sa kanila.


Kaagad naman itong umani ng mga papuri mula sa mga netizens na humahanga sa ipinapakitang kabaitan nina Sharon Cuneta at pamilya nito sa kanilang mga tauhan. Marami ang natuwa dahil nakikisama ng maayos si Sharon Cuneta sa kanyang mga tauhan at binibigyan ng halaga ang mga ito, hindi umano katulad ng ilang mga mayayaman na celebrities na mababa ang tingin sa kanilang mga yayas at staffs.


Ibinahagi rin ni Sharon Cuneta sa kanyang social media account ang kanyang pasasalamat kay Nanay Alice na nagsilbing secretary niya sa loob ng 35 years, hindi na umano basta tauhan lamang ang turing ni Sharon Cuneta rito kundi isa na rin sa kanilang malaking pamilya.


Samantala, spotted rin sa nasabing event ang mga anak ni Sharon Cuneta at mister nitong si Kiko Pangilinan na nakikipagsaya kasama ng mga tauhan nila.


"So sweet bilang isang DH abroad,pinakamasaya at pinakanimportante sa aming mga helpers ang ma appreciate kami ng mga boss namin...naiyak po ako sa tuwa..God bless you and your family."


"I cant imagine how happy all your household staffs are, napakabuti po ng puso nyo sa kanila. I'm pretty sure they never felt like different because you embraced as part of Pangilinan and Cuneta family"


"Sa lhat yta ng artist ni madam sharon lng ang ganyan n appreciate nia mga yaya tuwing december i proud yaya here godbless your family madam."


Sa kabilang banda, may mga humiling naman na sana maging staff na rin sila ng Mega Star dahil sa maayos na pakikitungo nito sa kanyang mga staffs na hindi naman kadalasan na ginagawa ng mga artistang sikat sa industriya.



Pagkawala Ni Ronaldo Valdez Posibleng Na Nabahiran Ng Krimen, Nag Parrafin Test Na

Walang komento


 Isinailalim na sa paraffin test ang mga kasamahan sa bahay ng yumaong aktor na si Ronaldo Valdez upang mabigyan ng linaw ang pagkamatay nito at mapatunayan na wala talagang foul play naganap.


Sumailalim na sa paraffin test ang hardinero, kasambahay at ang personal driver ng yumaong si Ronaldo Valdez upang matukoy kung may isa sa kanila na nagpaputok ng baril na siyang ikinamatay ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.


Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang masusing pag-iimbestiga ng mga kapulisan kung nabahiran nga ba ng krimen ang nangyaring pagpanaw ng aktor na si Ronaldo Valdez. Nagduda ang QCPD na may foul play na naganap dahil hindi man lamang umano nahulog mula sa mga kamay ng aktor ang ginamit na baril na tumapos sa kanyang buhay.


Kadalasan umanong nangyayari sa mga nag-susuicide gamit ang baril ay nalalaglag umano ito kapag nawalan na ng malay ang nagbaril sa sarili, subalit sa sitwasyon ni Ronaldo Valdez ay mahigpit pa ring hawak ng yumaong aktor ang kanyang baril.


Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang resulta ng paraffin test na isinigawa sa mga kasamahan nito sa bahay. Isa na rin umano itong paraan upang malinis na ang mga pangalan ng mga nasabing tauhan ni Ronaldo Valdez dahil hindi naman maiiwasan na may mga netizens na pag-isipan sila ng masasama.


Isa na rin umano ito sa magpapatunay na totoong nagpakamatay nga ang beteranong aktor.


Samantala, nakaburol naman ang cremated remains ni Ronaldo Valdez sa Garden Suite ng Loyola Chapels and Crematorium sa Guadalupe, Makati City. Kinailangan na i-cremate ang mga labi ng aktor dahil sa tama ng bala sa kanyang leeg.


Nauna nang nakiusap ang anak ni Ronaldo Valdez na si Janno Gibbs, na huwag nang ipakalat ang actual video sa pagkuha sa mga labi nito bilang paggalang na rin sa kanilang pamilya at sa yumaong aktor.


Sa unang gabi ng lamay ng beteranong aktor, spotted na magkasamang nakiramay sa mga naulilang pamilya ang dating nakasama ni Ronaldo Valdez sa trabaho na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kasama rin nila ang buong cast ng teleseryeng 2 Good To Be True.


Ayon sa mga kumakalat na balita, labis na kalungkutan o depression ang naging sanhi ng pagpapakamatay ni Ronaldo Valdez.



Just in! Dalawang TV Show Sinuspindi Ng Mtrcb!

Walang komento


 Naglabas na ang Movie and Television Review and Classification Board, ng 14 days suspension laban sa dalawang show ng Sunshine Media Network International, ang media company na ito ay pagmamay-ari ni Pastor Quiboloy.


Sa isang pahayag nag-issue ang MTRCB ng suspension laban sa SMNI programs na Laban Kasama ang Bayan at Gikan sa Masa, Para Sa Masa epektibo umano ang suspension na ito nitong Lunes, December 18, 2023.


Sa naganap na board meeting nitong December 13, napagdesisyunan by anonymous decision na magpapataw ng 14 days suspension laban sa mga programa ng SMNI na Laban Kasama sa Bayan, at Gikan Sa Masa, Para sa Masa.


Suportado naman umano ang desisyon na ito sa authority na ibinigay sa MTRCB ng Presidential Decree No. 1986, na nagsisiguro na sinusunod ng mga programa sa telebisyon ang mga cultural value ng bansa.


Ayon pa sa pahayag na inilabas ng MTRCB, sinuspendi nila ang laban para sa bayan dahil umano sa isang report. Samantala, sinuspendi rin ng nasabing ahensya ang Gikan Sa Masa, Para Sa Masa dahil sa mga naging guest nito.


Matatandaan na ipinasilip din sa Kongreso ang prangkisa ng SMNI dahil sa sunod-sunod na paglabag nito sa mga alintutunin ng bansa, na maaring maging dahilan para pansamantalang pagpapasara ng nasabing estasyon.


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens hinggil sa pagpapasuspendi ng MTRCB sa ilang program ng SMNI.


"Suspendehen na ninyo yan forever, Hindi naman yan kilala, Hindi namin napapanuod yan, sana forever na suspension na ang igawad dyan. Sino ba sila."


"Hmmm..ngayon lang inaksyonan tagal ng ginagawa ang violation"




Dahilan Ni Karylle Sa Pag-Absent Sa It's Showtime Noong Guesting Nina Marian, Dingdong Dantes

Walang komento


 Nagviral sa iba't-ibang social media platforms lalong lalo na sa Twitter ang pag-absent ng televison host-singer na si Karylle sa It's Showtime noong guesting ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang naging nakaraan nina Karylle, Dingdong Dantes at Marian Rivera. Inakala ng maraming fans noon nina Dingdon Dantes at Karylle na sila na ang magkakatuluyan dahil sa tagal ng kanilang relasyon.


Subalit, nagbago ang lahat nang pumasok sa buhay ni Dingdong Dantes si Marian Rivera na siyang napangasawa niya ngayon. May mga naglabasang isyu noon na itong si Marian Rivera ang naging third party sa hiwalayan nina  Dingdong Dantes at Karylle.


Samantala, noong December 16, 2023 lumabas sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa It's Showtime para i-promote ang kanilang comeback movie na pinamagatang Rewind under Star Cinema na isang entry para sa Metro Manila Film Festival.


Gayunpaman, ang mas pinag-usapan ng mga netizens ay ang pag absent ni Karylle sa mismong araw ng guesting nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa It's Showtime.


Samantala, noong December 13, tila inunahan pa ni Karylle ang mga netizens at ibinahagi sa kanyang Twitter post na masama ang kanyang pakiramdam at maaring hindi siya makakapagtrabaho  sa loob ng ilang araw.


Sa kabila nito, marami pa rin sa mga netizens ang naghinala na ang totoong dahilan kung bakit wala si Karylle sa It's Showtime ay umiiwas siya sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera at hindi pa umano ito handa na harapin si Marian Rivera at makipagplastikan rito.


May mga humanga pa kay Karylle dahil iniwas niya ang kanyang sarili sa isang awkward situation na maaring kakaharapin niya sakaling nagkarap silang tatlo sa It's Showtime.


May mga nagsasabi pa na mas tamang umiwas na lamang sa mga taong nagdulot ng pasakit kaysa harapin ang mga ito ng ngiti na hindi naman bukal sa loob. Tama lang din umano ang desisyon ni Karylle na umiwas na lamang sa dalawa dahil tiyak na iintrigahin lamang sila ng iintrigahin.


Gayunpaman, may mga nagsasabing very unprofessional umano ang ginawa ni Karylle dahil ipinapahalata lamang umano niyang hindi pa siya tuluyang nakakamove-on sa nakaraan nila ni Dingdong Dantes at tila hindi pa rin umano matanggap nito na ipinagpalit siya kay Marian Rivera.


May mga nagkumpara pa kay Karylle at Kathryn Bernardo in terms of professionalism, kung saan lumalabas na mas professional pa umano si Kathryn Bernardo dahil kaya nitong pakitunguhan ng maayos ang kanyang ex boyfriend. 


Kaya umano ni Kathryn na i-separate ang kanyang personal na buhay sa kanyang trabaho na hindi umano ipinapakita ni Karylle gayung matagal na ang isyu nila nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo