Herlene Budol, Bianca Manalo, Inulan Ng Batikos Matapos Pumatol Kay Rob Gomez

Miyerkules, Disyembre 20, 2023

/ by Lovely


 Mainit na naging usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga kumakalat na private conversation nina Herlene Budol at Rob Gomez ng kanilang paglalandian at sekretong relasyon. Bukod pa rito, kumalat rin ang private message ni Bianca Manalo kay Rob Gomez kung saan sinabi ng aktres na nais niyang makipagkita rito.


Makikita naman na ang uploader ng mga nasabing screenshot conversation ay ang mismong official Instagram account ni Rob Gomez kung saan nakatag sa mga post sina Herlene Budol at Bianca Manalo na kapwa kasama nito.


Hinala naman ng ilang mga netizens na maaring ang partner umano ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera ang siyang nag-upload sa mga nasabing conversation sa Instagram gamit ang account ng aktor nang mahuli niyang nakikipaglandian si Rob Gomez sa kanyang mga co-stars sa Magandang Dilag.


Maaring napuno na umano itong si Shaila Rebortera sa mga panloloko sa kanya ni Rob Gomez kaya naman ibinulgar na niya sa publiko ang mga baho nito maging kung sino ang mga babaeng pumapatol rito sa kabila na kaalaman na may kinakasama nang iba ang aktor.


Samantala, kung pagbabasehan ang mga palitan ng mensahe nina Rob Gomez at Herlene Budol, mahihinuhang may nangyayari na sa kanila sa palihim nilang pagsasama at relasyon.


Bukod pa sa mga palitan nila ng mensahe may ibinahagi ring larawan ng pregnancy test kung saan nakatag si Herlene Budol. May mensahe rin si Herlene kay Rob kung saan inamin niyang kinakabahan siya at sana ano man ang resulta ay mananatili pa rin sa kanya si Rob Gomez.


Makikita naman sa nasabing pregnancy test na ipinadala ni Herlene Budol kay Rob Gomez na negatibo ang resulta nito.


Sa kabilang banda, nadadawit rin ang pangalan ng isa pang Magandang Dilag star na si Bianca Manalo dahil bukod sa mga screenshots ng mga conversation nina Herlene Budol at Rob Gomez, sa isang post ang mga private message naman ni Bianca Manalo kay Rob Moya ang makikita kung saan mababasang nais na makipagkita ng aktres sa aktor.


Si Bianca Manalo ang kinakasama ng Senador na si Win Gatchalian na dating Mayor ng Valenzuela, sa mensahe ni Bianca Manalo kay Rob Gomez mababasa naroon sa Valenzuela ang kasama nito kaya nais niyang makipagkita sa aktor.


Sa ngayon ay hindi na makikita sa account ni Rob Gomez ang mga nasabing post dahil burado na ito, gayunpaman, kumakalat na sa iba't-ibang mga sites ang mga screenshots nito.


Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na nalagay sa malaking kontrobersiya ang aktor na si Rob Gomez, matatandaan na naging malaking intriga rin noon ang pagbabahagi ni Shaila Rebortera ng mga larawan nila ng anak nila ni Rob Gomez kasunod ng pahayag ng aktor na single pa siya at may napupusuang aktres.


Sa kabilang banda, binabatikos naman ngayon sina Herlene Budol at Bianca Manalo dahil sa pagpatol nila kay Rob Gomez sa kabila ng kaalamang may kinakasama at anak na ito. Lalo namang nakakatanggap ng batikos si Rob Gomez dahil hindi umano ito nakuntento sa iisang babae lamang at nakipaglandian pa ito sa may sabit na ring si Bianca Manalo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo