Dahilan Ni Karylle Sa Pag-Absent Sa It's Showtime Noong Guesting Nina Marian, Dingdong Dantes

Miyerkules, Disyembre 20, 2023

/ by Lovely


 Nagviral sa iba't-ibang social media platforms lalong lalo na sa Twitter ang pag-absent ng televison host-singer na si Karylle sa It's Showtime noong guesting ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang naging nakaraan nina Karylle, Dingdong Dantes at Marian Rivera. Inakala ng maraming fans noon nina Dingdon Dantes at Karylle na sila na ang magkakatuluyan dahil sa tagal ng kanilang relasyon.


Subalit, nagbago ang lahat nang pumasok sa buhay ni Dingdong Dantes si Marian Rivera na siyang napangasawa niya ngayon. May mga naglabasang isyu noon na itong si Marian Rivera ang naging third party sa hiwalayan nina  Dingdong Dantes at Karylle.


Samantala, noong December 16, 2023 lumabas sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa It's Showtime para i-promote ang kanilang comeback movie na pinamagatang Rewind under Star Cinema na isang entry para sa Metro Manila Film Festival.


Gayunpaman, ang mas pinag-usapan ng mga netizens ay ang pag absent ni Karylle sa mismong araw ng guesting nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa It's Showtime.


Samantala, noong December 13, tila inunahan pa ni Karylle ang mga netizens at ibinahagi sa kanyang Twitter post na masama ang kanyang pakiramdam at maaring hindi siya makakapagtrabaho  sa loob ng ilang araw.


Sa kabila nito, marami pa rin sa mga netizens ang naghinala na ang totoong dahilan kung bakit wala si Karylle sa It's Showtime ay umiiwas siya sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera at hindi pa umano ito handa na harapin si Marian Rivera at makipagplastikan rito.


May mga humanga pa kay Karylle dahil iniwas niya ang kanyang sarili sa isang awkward situation na maaring kakaharapin niya sakaling nagkarap silang tatlo sa It's Showtime.


May mga nagsasabi pa na mas tamang umiwas na lamang sa mga taong nagdulot ng pasakit kaysa harapin ang mga ito ng ngiti na hindi naman bukal sa loob. Tama lang din umano ang desisyon ni Karylle na umiwas na lamang sa dalawa dahil tiyak na iintrigahin lamang sila ng iintrigahin.


Gayunpaman, may mga nagsasabing very unprofessional umano ang ginawa ni Karylle dahil ipinapahalata lamang umano niyang hindi pa siya tuluyang nakakamove-on sa nakaraan nila ni Dingdong Dantes at tila hindi pa rin umano matanggap nito na ipinagpalit siya kay Marian Rivera.


May mga nagkumpara pa kay Karylle at Kathryn Bernardo in terms of professionalism, kung saan lumalabas na mas professional pa umano si Kathryn Bernardo dahil kaya nitong pakitunguhan ng maayos ang kanyang ex boyfriend. 


Kaya umano ni Kathryn na i-separate ang kanyang personal na buhay sa kanyang trabaho na hindi umano ipinapakita ni Karylle gayung matagal na ang isyu nila nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo