Dahilan Kung Bakit Wala Ang Asawa Ni Ronaldo Valdez Sa Lamay Nito

Miyerkules, Disyembre 20, 2023

/ by Lovely


 Sa nalalapit na internment ng yumaong beteranong aktor na si Ronaldo Valdez, marami ang napapatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita ang asawa nitong si Marife Gibbs.


Marami sa mga tagahanga ng aktor ang nagsasabi na baka nagkahiwalay na ang dalawa na naging sanhi ng kalungkutan nito kaya nagawa niyang wakasan na lamang ang kanyang buhay.


Sa ngayon ay nasa ibang bansa umano ang asawa ni Ronaldo Valdez at hindi pa tukoy kung uuwi ba ito para sa libing ng beteranong aktor.


Samantala, kung pagbabasehan naman ang mga social media upload ng mga anak ni Ronaldo Valdez, makikita namang nagkakasama pa silang pamilya at ipinlex pa ng isang anak ng aktor na si Melissa Gibbs kung gaano maituturing na relationship goals ang relasyon ng kanyang mga magulang at road to forever na umano ang mga ito ngayon.


Makikita ring nagkakasama naman sina Ronaldo Valdez at Marife Gibbs sa mga special holidays na ipinagdidiwang ng kanilang pamilya.


Samantala, marami naman sa mga fans ng yumaong actor ang nagsasabi na sana ay huwag nang lagyan pa ng ibang kulay ang hindi pagpunta ng asawa ni Ronaldo Valdez sa burol ng yumaong aktor.


Maaring may mabigat umanong dahilan kung bakit hindi nakapunta si Marife Gibbs sa mga huling sandali na masisilayan ang mga labi ni Ronaldo Valdez.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo