Just in! Dalawang TV Show Sinuspindi Ng Mtrcb!

Miyerkules, Disyembre 20, 2023

/ by Lovely


 Naglabas na ang Movie and Television Review and Classification Board, ng 14 days suspension laban sa dalawang show ng Sunshine Media Network International, ang media company na ito ay pagmamay-ari ni Pastor Quiboloy.


Sa isang pahayag nag-issue ang MTRCB ng suspension laban sa SMNI programs na Laban Kasama ang Bayan at Gikan sa Masa, Para Sa Masa epektibo umano ang suspension na ito nitong Lunes, December 18, 2023.


Sa naganap na board meeting nitong December 13, napagdesisyunan by anonymous decision na magpapataw ng 14 days suspension laban sa mga programa ng SMNI na Laban Kasama sa Bayan, at Gikan Sa Masa, Para sa Masa.


Suportado naman umano ang desisyon na ito sa authority na ibinigay sa MTRCB ng Presidential Decree No. 1986, na nagsisiguro na sinusunod ng mga programa sa telebisyon ang mga cultural value ng bansa.


Ayon pa sa pahayag na inilabas ng MTRCB, sinuspendi nila ang laban para sa bayan dahil umano sa isang report. Samantala, sinuspendi rin ng nasabing ahensya ang Gikan Sa Masa, Para Sa Masa dahil sa mga naging guest nito.


Matatandaan na ipinasilip din sa Kongreso ang prangkisa ng SMNI dahil sa sunod-sunod na paglabag nito sa mga alintutunin ng bansa, na maaring maging dahilan para pansamantalang pagpapasara ng nasabing estasyon.


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens hinggil sa pagpapasuspendi ng MTRCB sa ilang program ng SMNI.


"Suspendehen na ninyo yan forever, Hindi naman yan kilala, Hindi namin napapanuod yan, sana forever na suspension na ang igawad dyan. Sino ba sila."


"Hmmm..ngayon lang inaksyonan tagal ng ginagawa ang violation"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo