Detalye Ng Kontrobersya Nina Bianca Manalo, Rob Gomez at Herlene Budol

Huwebes, Disyembre 21, 2023

/ by Lovely


 Ikinagulat ng maraming mga netizens at Magandang Dilag fans na lalabas ang mga pribado at sensitibong exchange of messages sa pagitan ng mga stars ng Magandang Dilag na sina Rob Gomez, Herlene Budol at Bianca Manalo. Sa mga nasabing screenshot makikita ang tila pagtataksil ng mga Kapuso artists na ito sa kanilang mga kinakasama ngayon.


Naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms nitong December 20, myerkules, ang mga Kapuso stars na sina Bianca Manalo, Rob Gomez at Herlene Budol dahil kumalat ang mga palitan nila ng messages.


Kung pagbabasehan ang mga kumakalat na screenshots ng kanilang mga conversations, mahihinuhang palihim na nagkikita sina Bianca Manalo at Rob Gomez. Ang aktres pa mismo na si Bianca Manalo ang mga nagpadala ng messages kay Rob Gomez, kung saan tinatanong niya ang aktor kung makakapunta ba ito ng mga 7 a.m para magkita silang dalawa.


Halos hindi naman makapaniwala ang mga netizens sa mga nababasang conversation ng dalawa dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may kinakasama na ang aktres na si Bianca Manalo, ang Senator na si Win Gatchalian, tila maayos naman ang relasyon nila dahil masaya pa nilang ipinagdiriwang ang kaarawan noon ni Bianca sa Malacanang Palace.


'He's not here he's in Valenzuela' mababasang mensahe ni Bianca Manalo kay Rob Gomez sa mga screenshots na kumakalat. Bagama't wala namang sinabing pangalan si Bianca sa nasabing mensahe hinala ng maraming mga netizens na ang tinutukoy ng aktres ay ang kanyang kinakasama na si Sen. Win Gatchalian.


Samantala, nito lamang August 2023 lumantad sa publiko ang dating beauty queen na si Shaila Rebortera at ipinakilala ang anak nila ni Rob Gomez na tinatago ng aktor. Ito'y matapos ang pahayag ni Rob Gomez sa naging guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda na single pa rin siya.


Sa kabilang banda, bukod sa aktres na si Bianca Manalo, dawit rin sa isyu ang co-star nila sa Magandang Dilag na si Herlene Nicole Budol. Kabilang rin sa mga ibinahaging screenshot ng mismong Instagram account ni Rob Gomez na kasalukuyang burado na.


Mababasa naman sa palitan ng mga mensahe nina Herlene Budol at Rob Gomez, na mayroong silang malalim na ugnayan at matagal na nila itong tinatago. Base rin sa mga nasabing messages may nangyayari nang intimate sa pagitan nila na hayagan nilang pinag-uusapan sa kanilang messages.


Ayon naman sa mga bali-balita, hindi naman na-hack ang social media account ni Rob Gomez na naging dahilan sa pagkalat ng kanyang mga private messages. Marami ang naghinala na ang nagpakalat ng mga private messages ni Rob Gomez sa iba't-ibang mga babae ay ang ina ng kanyang anak na si Shaila Rebortera.


May nangyaring agawan ng cellphone umano sa pagitan nina Shaila Rebortera at Rob Gomez, may mga nakakita rin kasi sa mga kalmot sa kamay ni Rob na mula umano sa agawan nila. Tila nakumpirma naman ito nang magpost si Rob Gomez sa kanyang Facebook account kung saan ibinahagi niyang hindi niya hawak sa ngayon ang kanyang cellphone.


Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng mga opisyal na pahayag ang mga sangkot sa nasabing isyu na sina Herlene Budol, Rob Gomez at Bianca Manalo.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo