Relasyon Ni Angel Locsin at Neil Arce Kinuwestiyon Dahil Kay Barbie Imperial

Miyerkules, Disyembre 20, 2023

/ by Lovely


 Mahigit isang taon na ring hindi naglalabas ng anumang update ang aktres na si Angel Locsin sa kanyang social media accounts, tila bigla na lamang nawala ng parang bola ang aktres dahil hindi na rin ito nakikita sa mga social gatherings.


Hindi naman naging malinaw kung ano ang dahilan ng aktres kung bakit bigla na lamang siyang nanahimik at hindi nagpapakita pa sa kanyang mga fans.


Sa kabilang banda, tila nagiging sensitive naman ang mga tagahanga ngayon ni Angel Locsin dahil sa pagkukomento ng asawa nitong si Niel Arce sa sexy photos ng actress na si Barbie Imperial.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Barbie Imperial ang kanyang mga sexy poses sa kanyang Instagram account kung saan makikitang kung saan hinahawak ni Barbie Imperial ang kanyang mga kamay.


Nagkomento sa nasabing post si Niel Arce kung saan tinanong niya ang aktres kung may allergy ba ito kaya kung saan-saan ito nagkakamot.


Hindi naman ito nagustuhan ng ilang mga fans ni Angel Locsin, may mag naglagay pa ng malisya sa komento ni Niel Arce. May ilan namang kinumusta si Angel Locsin na matagal na ring nanahimik sa mundo ng social media at showbiz.


Hindi naman sinagot ni Niel Arce ang mga katanungan na ito ng mga fans ng kanyang misis na si Angel Locsin para na rin matigil na ang isyu.


Sa kabilang banda, nanatiling katanungan pa rin sa mga netizens kung bakit biglang naglaho si Angel Locsin sa mundo ng showbiz at tumigil na rin ito sa kanyang pagtulong sa mga nangangailangan.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na noon ay palaging nangunguna si Angel Locsin sa mga kababayan na nasalanta ng mga natural na kalamidad.


Samantala, sa kamakailang interview kay Dimples Romana, iginiit niya na maayos naman ang kalagayan ni Angel Locsin ngayon at masaya ito sa buhay may asawa kasama si Niel Arce.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo