Totoong Relasyon Ni Ronaldo Valdez Sa Manager Na Si Jam Santos!

Huwebes, Disyembre 21, 2023

/ by Lovely


 Maraming mga netizens ngayon ang tila binibigyan ng kakaibang kulay ang closeness at samahan nina Ronaldo Valdez at manager nito na si Jamela Santos.


Ayon sa ilang mga netizens na sobra-sobra umano ang closeness ng dalawa at kapansin-pansin pa na palaging pinapasalamatan noon ni Ronaldo ang kanyang manager. Malaki ang pasasalamat ni Ronaldo sa kanyang manager dahil palagi umano itong nagbibigay ng oras sa kanya at sinusuportahan siya sa kanyang mga ginagawa.


Maging sa wake ng aktor ay makikita pa na tila si Jamela Santos ang nag-ayos, makikita rin ang closeness nina Janno Gibbs at Melissa Gibbs rito.


Samantala, may ilang mga netizens naman ang naniniwala na wala namang malisya ang samahan ng dalawa kundi pure friendship lamang. Hindi umano nararapat na bigyan ng malisya ang closeness ng dalawa at dapat pang hangaan si Jamela sa kanyang dedication sa pag-aalaga kay Ronaldo Valdez.


Matatandaan na base sa mga isiniwalat noon ni Jamela na nakipagkita pa siya kay Ronaldo upang magpaalam rito dahil pupunta siya sa ibang bansa, hindi naman umano niya lubos akalain na ito na pala ang magiging huling pagkikita nilang dalawa.


Sa kabilang banda, base sa pagkukwento ng dating kasamahan ni Ronaldo Valdez na si Boots Roa ay napansin din umano niya na may iniindang sakit si Ronaldo Valdez, physically but more on emotionally. 


Napapansin umano niyang nasasaktan at nalulungkot ito. Hindi naman umano niya tinanong ang dahilan subalit hinala niya na may kinalaman sa kalungkutang ito ang paghihiwalay nina Ronaldo Valdez at asawa nitong si Marife Gibbs.


Hindi rin naman alam ni Boots, kung ano ang dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa dahil hindi na niya tinanong pa si Ronaldo bilang pagrespeto rito.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo