Janno, Melissa Gibbs Sobra Ang Pasasalamat Sa Mga Artistang Hindi Nakalimot Sa Kanyang Ama

Miyerkules, Disyembre 20, 2023

/ by Lovely


 Patuloy na dumadagsa ang mga nagbibigay ng flowers, pakikiramay at huling respeto para sa yumaong beteranong aktor na si Ronaldo Valdez, mula sa mga taong nagmamahal rito at mga dating nakasama sa trabaho.


Labis naman ang pasasalamat ni Janno Gibbs sa mga taong hindi nakakalimot at nagmamahal sa kanyang ama. Isa sa mga pinasalamatan ni Janno Gibbs ay ang award winning actress na si Kathryn Bernardo na ayon kay Janno Gibbs, sobrang lapit sa kanyang ama na si Ronaldo Valdez.


Naroon din si Kathryn Bernardo sa unang gabi ng lamay ni Ronaldo Valdez na naging malapit sa kanya mula nang magkasama sila sa iisang teleserye sa ABS-CBN na 2 Good 2 Be True. Sa katunayan, ay 'Lolo Sir' pa rin umano ang tawag ng aktres kay Ronaldo Valdez kahit nagtapos na ang kanilang teleserye.


Sa mga nakaraang videos nina Kathryn Bernardo at Ronaldo Valdez noong nabubuhay pa ito makikita ang kanilang closeness at saya lalo na noong nagkakasama pa sila sa taping ng pinagsamahang teleserye.


Hindi naman nagtapos ang closeness nina Kathryn Bernardo at Ronaldo Valdez dahil kahit natapos na ang pinagsamahan nilang teleserye ay nakasuporta pa rin ang aktor sa career ni Kathryn Bernardo.


Spotted pa noon si Ronaldo Valdez sa premiere night ng pinagbidahang pelikula ni Kathryn Bernardo na A Very Good Girl.


Bukod kay Kathryn Bernardo ay nagpadala rin ng bulaklak para kay Ronaldo Valdez sina Coco Martin at Julia Montes, Marian Rivera at Dingdong Dantes, at iba pang artista na nakikiramay at nalulungkot sa tuluyang pamamaalam ng beteranong aktor.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo