Herlene Budol Nagsalita Na Sa Issue Nila Ni Rob Gomez?

Huwebes, Disyembre 21, 2023

/ by Lovely


 Binasag na ng beauty queen-actress na si Herlene Nicole Budol ang kanyang katahimikan sa isyung kinasasangkutan niya ngayon kung saan itinuturi siyang third party o kabit sa relasyon nina Shaila Rebortera at Rob Gomez.


Naging laman ng mga usap-usapan sa social media si Herlene Budol nang magleak mula sa mismong Instagram account ng aktor na si Rob Gomez ang kanilang mga private messages na naglalaman ng kanilang paglaladian at resibo ng pagtataksil ni Rob Gomez kay Shaila Rebortera.


Bukod sa mga screenshot ng private messages nina Herlene Budol at Rob Gomez, may larawan din ng dalawang pregnancy test na pinaghihinalaan na kay Herlene, naging hati pa ang mga komento ng mga netizens kung positive o negative ba ang resulta nito dahil malabo ang ikalawang guhit na makikita sa pregnancy test.


Samantala, kumakalat naman ngayon ang isang social media post ni Herlene Budol kung saan mababasang hindi siya apektado sa isyung nagbubuntis umano siya ngayon.


Ayon kay Herlene Budol, noong nagho-host pa lamang siya sa Wowowin ay naisyu na siyang nagbubuntis. Noong nasa Magandang Dilag naman ay naisyu namang nagbubuntis siya. Ngayon nasa Black Rider, tiyak umano na lalabas naman ang isyung buntis na naman ulit siya.


Sa kabilang banda, marami ang naghinala na ang kinakasama ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera ang nagleak sa mga conversation ni Rob Gomez sa mga babaeng kalandian nito ngayon.


Tila paraan umano ito ni Shaila Rebortera para ipakita sa lahat ang totoong katauhan ni Rob Gomez at Herlene Budol dahil hindi man lamang nito tinakpan ang mga intimate messages ng dalawa sa isa't-isa kabilang na ang 'pagkagutom' at pag'kain'.


Sa ngayon ay pinaghihinalaan ng mga netizens na nasa mga kamay pa rin ni Shaila Rebortera ang cellphone ni Rob Gomez, na nakumpirma naman ng mag-post si Rob Gomez sa kanyang Facebook account na wala sa kanya ang kanyang cellphone.


May mga nagpapatunay naman na may agawan ng cellphone umano na naganap sa pagitan nina Shaila Rebortera at Rob Gomez na sa huli ay si Shaila ang nagwagi kaya nagleak ang mga baho ng Magandang Dilag stars.


Ayon sa aming source, naganap ang agawan noong martes ng gabi sa condo unit na tinitirhan ni Shaila at anak nila ni Rob Gomez sa Pasig. Nagkagulo umano ang dalawa, may mga rumesponde pang mga pulis subalit hindi na lumabas pa si Shaila sa condo kaya naman hindi na nabawi ni Rob Gomez ang kanyang cellphone.


May mga kalmot pa umano si Rob Gomez sa kanyang mga braso na magpapatunay na may agawan na naganap sa pagitan nila.


Sa ngayon ay hinihintay pa rin ang mga opisyal na pahayag ng mga taong sangkot sa isyung ito, kabilang na sina Herlene Budol, Bianca Manalo at Rob Gomez.


Sa pananahimik ni Herlene Budol, masasabi umano na hindi ito apektado dahil hindi naman umano siya kabit ni Rob Gomez dahil may anak lang naman sila ni Shaila at hindi pa naman kasal ang mga ito.


Hinihintay naman ng ilang mga netizens, ang pahayag ni Shaila Rebortera hinggil sa panloloko sa kanya ng kanyang boyfriend.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo