Herlene Budol Matatanggal Sa GMA Matapos Ang Kabit Issue Kay Rob Gomez

Huwebes, Disyembre 21, 2023

/ by Lovely


 Matapos masangkot sa isang kontobersiya mga pinaghirapan ng actress-beauty queen na si Herlene Budol maaring mawala na lang sa isang iglap.


Sa hindi inaasahang pagkakataon, maaring mawala umano sa actress host na si Herlene Nicole Budol ang kanyang tinatamasang kasikatan ngayon sa larangan ng showbiz.


Marami ang naghinala na kaagad na babagsak ang showbiz career ng aktres na si Herlene Budol, gayung kakasimula pa lamang ng kanyang kasikatan.


Umaani ngayon ng pambabatikos mula sa mga netizens ang Magandang Dilag star na si Herlene Budol dahil sa pagiging kabit umano niya ng kanyang leading man na si Rob Gomez na kasalukuyang may kinakasama na si Shaila Rebortera.


Tila hindi man lamang umano pinansin ni Herlene Budol ang katotohanang mayroon nang kinakasama at anak si Rob Gomez, mas inuna pa umano nito ang kanyang sariling pangangailangan


Nitong December 20, 2023, nagulat na lamang ang mga netizens ng kumalat ang mga private messages nina Herlene Budol at Rob Gomez na nagmula pa sa mismong Instagram account ng aktor.


Hinala ng marami na si Shaila Rebortera talaga ang nagpost ng mga kumalat na landian messages nina Rob Gomez at Herlene Budol gamit ang social media account at cellphone ng aktor.


Sa kabilang banda, tila nakarating na sa GMA Executives at sa pamunuan ng Magandang Dilag ang isyung ito ng kanilang mga stars na sina Herlene Budol, Rob Gomez at maging ni Bianca Manalo.


Malaki rin kasi ang magiging epekto ng isyu ng tatlo sa kanilang show dahil magkakasama lamang sila sa iisang project na pareho namang tinikman ni Rob Gomez.


Samantala, ayon sa mga bali-balita, sakaling mapatunayan na totoo ang mga messages na kumalat sa pagitan ng tatlong co-stars ng Magandang Dilag, hindi lamang umano ang kanilang show ang matatapos kundi maging ang kanilang mga careers na rin.


Sa kabilang banda, may ilang netizens naman ang nagsasabi na hindi naman kailangan tanggalin si Herlene Budol sa mga shows na kanyang kinabibilangan ngayon kahit pa mapatunayan ang isyu dahil hindi pa naman umano kasal sina Rob Gomez at Shaila Rebortera.


May mga nagsasabi pa na magkaiba naman ang personal na buhay sa trabaho kaya naman bakit umano kailangang tanggalin ang aktres gayung magalin naman ito sa kanyang trabaho.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag sina Herlene Budol at Bianca Manalo sa pagkakalink nila sa aktor na si Rob Gomez.


Samantala, sa isang Facebook post, nagpahayag ng maikling mensahe si Rob Gomez kung saan ipinahayag niyang wala pa rin sa kanyang possesion ang kanyang cellphone.


Hindi naman nilinaw ng aktor kung ninakaw nga ang kanyang cellphone o nasa kamay ito ng kanyang kinakasama na si Shaila Rebortera.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo