Kilalang Aktor Tatanggalin Sa Regular Show

Huwebes, Disyembre 21, 2023

/ by Lovely


 Nanganganib na matanggal umano sa isang regular show ang isang aktor dahil nagiging problema na umano ito sa mga production staff.


Tila hindi na umano magbabago ang aktor na ito at palagi siyang nahuhuli sa call time kaya naman apektado na ang kanyang trabaho at maging ang kanyang mga co-stars at nagrereklamo na rin dahil sa kawalan umano ng disiplina at professionalism ng nasabing aktor.


Mag-iisang taon pa lamang nang ipinakilala sa telebisyon ang aktor bilang personalidad na maaring sumikat. Bago pa man ipinakilala sa telebisyon, sumailalim muna ang aktor na ito sa maraming mga workshops.


Gayunpaman, hindi pa man nagtatagal ang pagsikat ng aktor na ito ay maari na umano itong matanggal. Hindi lamang umano ito natuloy dahil sa pakiusap ng dalawang co-stars nito na nagigiliwan sa kanya.


Subalit, hindi panghabangbuhay na pagtatakpan na lamang ng dalawang ito ang aktor lalo pa't hindi naman umano ito nagbabago at hanggang ngayon ay wala pa rin itong disiplina at professionalism.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo