Herlene Budol Nagsalita Na Sa Isyu Nila Ni Rob Gomez,Bianca Manalo Dedma Lang

Huwebes, Disyembre 21, 2023

/ by Lovely

Naglabas na ng pahayag ang aktres na si Herlene Nicole Budol sa pagkakadawit niya sa isyu sa pagitan ng magkarelasyon na sina Rob Gomez at Shaila Rebortera.


Nadawit ang pangalan ni Herlene Budol sa isyu ng pangangaliwa ni Rob Gomez sa ina ng kanyang anak na si Shaila Rebortera ng lumabas sa mismong Instagram account ng aktor ang mga private messages ng dalawang lead stars ng teleseryeng Magandang Dilag.


Kung pagbabasehan ang palitan ng mga mensahe nina Herlene Budol at Rob Gomez, mahihinuhang may romantikong namamagitan sa kanila. Nakadagdag pa sa kontrobersiya ang larawan ng dalawang pregnancy test kung saan tinag ang Magandang Dilag star.


Marami ang naghinala na may nangyayari sa pagitan nina Rob Gomez at Herlene Budol kaya naman kinailangan ng aktres na mag-prenancy test upang siguruhin kung nagbubuntis na nga ba ito o hindi.


Sa gitna ng pagkalat ng mga screenshots, nagtweet si Herlene Budol, kung saan naitanong niya kung bakit nakaladkad ang kanyang pangalan.


Kaagad naman sinagot ng ilang mga netizens si Herlene Budol at sinabing alam na niya dapat ang dahilan kung bakit nakaladkad ang kanyang pangalan dahil pumatol siya sa isang lalaki na may anak na.


May mga nagsasabi pa na labis siyang nagutom kaya naman maging ang taong hindi karapat dapat ay napapak niya. May mga binalikan pa ang mga karakter ni Herlene Budol sa teleseryeng Black Rider kung saan sinabunutan niya ang kabit ng kanyang kinakasma. Ayon sa mga netizens na dapat sabunutan ngayon ni Herlene ang kanyang sarili.


May mga naiinis pa sa aktres dahil tila nagmamalinis na naman umano ito gayung kitang-kita na ang ebedinsyang dawit siya sa isyu dahil sa mga screenshots na kumakalat ngayon.


May kasunod pang post si Herlene Budol kung saan tila sinabi niyang normal lamang na iniisyu siyang nagbubuntis sa tuwing nagiging maganda ang kanyang showbiz career.


Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang aktor na si Rob Gomez kung saan ipinahayag niyang walang pahintulot na kinuha ni Shaila Rebortera at ginamit ang kanyang cellphone noong December 20, 2023. Kaagad naman umanong nilink nito ang mga private converstions niya sa kanyang mga co-stars para masira ang kanilang reputasyon sa industriya.


Iginiit din ni Rob Gomez na ang mga kumalat na converations ay dinadamayan lamang siya ng kanyang mga co-stars noong may pinagdadaanan siya.


Sa kabilang banda patuloy namang nanahimik ang isa pang personalidad na dawit sa isyu na si Bianca Manalo, kung pagbabasehan ang mga kumakalat na screenshots makikitang tila may namamagitan din sa kanilang dalawa ni Rob Gomez.


Tila dinidedma lamang ngayon ni Bianca Manalo ang isyu upang hindi na lumala pa lalo na't hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mayroon na siyang kinakasama.


 


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo