Sharon Cuneta, Nagpa Christmas Party Sa Kanyang Mga Staffs Kasama Mga Kasambahay

Miyerkules, Disyembre 20, 2023

/ by Lovely


 Taunan nang ginagawa ni Mega Star Sharon Cuneta ang pagpapa Christmas Party para sa kanyang mga kasamahan sa bahay at mga staffs na labis na hinangaan ng kanyang mga fans dahil sa pagiging kind hearted at pagiging generous ng actress-singer.


Samantala sa isang Instagram post ni Sharon Cuneta, ibinahagi niya ang joyous event ng kanyang kasambahay at mga office staffs.


Ayon sa caption ni Sharon Cuneta, ang araw na ito ang araw kung saan hindi nila pinahihintulutan na magtrabaho ang kanilang staff dahil sila na ang nagcatered para sa mga ito. Hindi rin nalimutan ni Sharon Cuneta na pasalamatan ang kanilang yayas, drivers, bodyguards, office staffs, messenger at mga household staffs sa pangangalaga sa kanila.


Kaagad naman itong umani ng mga papuri mula sa mga netizens na humahanga sa ipinapakitang kabaitan nina Sharon Cuneta at pamilya nito sa kanilang mga tauhan. Marami ang natuwa dahil nakikisama ng maayos si Sharon Cuneta sa kanyang mga tauhan at binibigyan ng halaga ang mga ito, hindi umano katulad ng ilang mga mayayaman na celebrities na mababa ang tingin sa kanilang mga yayas at staffs.


Ibinahagi rin ni Sharon Cuneta sa kanyang social media account ang kanyang pasasalamat kay Nanay Alice na nagsilbing secretary niya sa loob ng 35 years, hindi na umano basta tauhan lamang ang turing ni Sharon Cuneta rito kundi isa na rin sa kanilang malaking pamilya.


Samantala, spotted rin sa nasabing event ang mga anak ni Sharon Cuneta at mister nitong si Kiko Pangilinan na nakikipagsaya kasama ng mga tauhan nila.


"So sweet bilang isang DH abroad,pinakamasaya at pinakanimportante sa aming mga helpers ang ma appreciate kami ng mga boss namin...naiyak po ako sa tuwa..God bless you and your family."


"I cant imagine how happy all your household staffs are, napakabuti po ng puso nyo sa kanila. I'm pretty sure they never felt like different because you embraced as part of Pangilinan and Cuneta family"


"Sa lhat yta ng artist ni madam sharon lng ang ganyan n appreciate nia mga yaya tuwing december i proud yaya here godbless your family madam."


Sa kabilang banda, may mga humiling naman na sana maging staff na rin sila ng Mega Star dahil sa maayos na pakikitungo nito sa kanyang mga staffs na hindi naman kadalasan na ginagawa ng mga artistang sikat sa industriya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo