Herlene Budol Bianca Manalo Sabay Na Tinuhog Ng Kapuso Aktor Na Si Rob Gomez

Miyerkules, Disyembre 20, 2023

/ by Lovely

 

Nahaharap ngayon sa kontrobersiya ang mga Magandang Dilag cast na sina Herlene Budol, Rob Gomez at Bianca Manalo.


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa iba['t-ibang social media platforms ang mga ibingahagin post ng Kapuso actor na si Rob Gomez. Sa magkasunod na Instagram post ni Rob Gomez, mababasa ang mga screenshots ng conversation ng paglalandian nila ng kanyang leading lady sa Magandang Dilag na si Herlene Budol.


Makikita rin sa kasunod na post ang pakikipaglandian naman ni Rob Gomez sa isa pang co-star niya sa Magandang Dilag na si Bianca Manalo.


Samantala, kung pagbabasehan ang mga conversation nina Rob Gomez at Herlene Budol, mahihinuhang palihim na nagkikita ang dalawa at may nangyayari sa pagitan nilang dalawa.


Kalakip din sa nasabing mga post ni Rob Gomez ang larawan ng dalawang pregnancy test na nakatag kay Herlene Budol. Bukod pa rito, kabilang din sa nasabing series of screenshots ang mensahe ni Shaila Rebortera kay Herlene Budol para makipagusap sa aktres nakasaad rin sa mensahe ang number nito.


Sa kabilang banda, may screenshot din kung saan nagmessage din si Bianca Manalo kay Rob Gomez kung saan mababasa na nais nitong makipagkita sa aktor.


Ayon kay Bianca Manalo sa mensahe para kay Rob Gomez, na nasa Makati area umano siya kasama ang kanyang mga alagang aso kung libre umano itong si Rob Gomez, ay babalik kaagad siya sa BGC.


Dagdag pa ni Bianca Manalo na 'he's not here' nasa Valenzuela ito, hindi naman pinangalanan kung sino ang tinatawag nitong 'he's'. May mga haka-haka naman ang itinuturong 'he's' ni Bianca Manalo ay ang karelasyon nitong si Senator Win Gatchalian.


Sa ngayon ay nakabura na ang mga nasabing Instagram post sa account ni Rob Gomez, hinala ng maraming mga netizens na ang karelasyon ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera ang nagpakalat sa mga nasabing conversation gamit ang account ng Kapuso actor.


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng mga pahayag ang mga taong sangkot sa nasabing isyu.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo