Todo Na to! KC Concepcion Nagulat Sa Surpresang Ginawa Ng Boyfriend Na Steve Michael! Kasalan Na Ba!

Walang komento

Miyerkules, Setyembre 13, 2023


Sa wakas ay ipapalabas na sa September 17, ang international movie ni KC Concepcion na Asian Persuasion. Kaya naman, todo suporta ang nobyo nito na sumadya pa talaga sa New York.


Sa kamakailang post ni Steve ibinahagi niyang memorable sa kanya ang New York dahil naroon ang kanyang special one.


"New York is a memorable place for many, and has become a special one for me as well."


"Flying to the city this time for American rom-com and @sohofilmfest selection, @asianpersuasionfilm to support a special someone."


"If you're in town, snag your tickets for the 17th of September, as premier night is sold out! Village East by Angelika be there or be square," pagpopromote pa ng boyfriend ni KC Concepcion.


Samantala, makikita naman sa mga kumakalat na mga larawan na talagang naroroon na ngayon si Steve Michael para kay KC Concepcion.




Makikita pang magkasama sila ngayong namamasyal. Marami rin ang kinikilig sa mga larawan at video clips na ibinabahagi nila sa social media.


Ayon pa sa mga fans ng aktres na talagang maswerte ito sa nobyo na napaka supportive at tumutulong pa sa pagpopromote ng kanyang pelikula.


Sa kabila nito, marami pa rin ang kumukwestyon sa relasyon nilang dalawa. Subalit, hindi na umano ito alintana pa ni KC dahil ang masusunod na umano ngayon ay ang kanyang sarili.



Cristy Hindi Nagustuhan Ang Pagmamaldita at Pag Walk-Out Ni Julia Barretto Sa Isang Media Reporter!

Walang komento


 Hindi napigil ng veteran showbiz columnisy na si Manay Cristy Fermin ang pagrereact, hinggil sa pagmamaldita umano ng actress na si Julia Barretto sa isang reporter nang maitanong rito ang pagbeso ni Gerald Anderson sa kanyang ex-girlfriend na si Maja Salvador.


Kabilang sa mga napag-usapan nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang radio program na Crity Ferminute ang pagwalk out ni Julia Barretto sa isang panayam.


Ayon sa napansin ni Manay Cristy Fermin, halatang wala umano sa mood nang gabing iyon si Julia at tila hindi na umano nito nagugustuhan ang mga naunang tanong sa kanya ng mga reporter.


Kabilang sa mga naunang naitanong kay Julia ay kung sekretong nagpakasal na ba sila ni Gerald at ang kalagayan ng kanyang ina na si Marjorie na kamakailan lamang ay naisugod sa hospital.


Samantala, ayon pa kay Manay Cristy Fermin na kung sakaling sina Bea Alonzo at Gerald Anderson ang nagkita at nagbeso-beso tiyak na hindi lang magwa-walk out si Julia kundi tatakbo na ito.


Dagdag pa ni Cristy Fermin na talagang napaka-maldita nitong si Julia dahil talagang sinasabi nito ang lahat ng gusto nitong sabihin na tila immune na ito sa bashing.





Julia Montes Nagreact Sa Trailer Ng Batang Quiapo

Walang komento


 Mas naging kaabang-abang ngayon ang mga tagpo ng Ang Batang Quiapo sa pagsisimula nila sa kanilang new era.


Kamakailan lamang ay ibinahagi na ng Dreamscape Entertainment ang panibagong trailer ng Batang Quiapo dahil mag-sisimula na umano ang bagong era nito kung saan kasama na ang sexy actress na Ivana Alawi.


Makikita rin sa nasabing trailer ang ilang mga kaabang-abang na tagpo sa nasabing serye.


Kabilang sa mga ikinawindang mga manonood ang trending kissing scene nina Coco Martin at Lovi Poe na sinundan naman ng love scene nila ni Ivana Alawi.


Marami naman ang nakapansin sa napakalakas na chemistry nina Ivana Alawi at Coco Martin kung saan ayon sa mga netizens na napakagaling talaga ni Coco sa pagpili ng makakatandem.


Sa kabilang banda, inaabangan rin ngayon ng mga netizens ang reaksyon ng romured girlfriend ni Coco Martin na si Julia Montes sa mga trending scenes sa Batang Quiapo.


Talagang hindi nagpapakabog si Coco Martin sa trending kissing scene nina Alden Richards at Julia Montes sa pinagsamahan nilang pelikula.


Samantala, tila hindi naman ito magiging problema para kay Julia Montes dahil pareho naman silang nagtatrabaho sa showbiz industry.


Hindi naman, lingid sa kaalaman ng lahat na napaka suportive nina Coco Martin at Julia Montes sa career ng isa't-isa. Tiyak din umano na open minded sila pagdating sa ganoong bagay lalo na't hindi naman ito maiiwasan sa uri ng kanilang trabaho.




Aiko Melendez Nanggigil Sa Kayabangan Ni Jerome Ponce

Walang komento


 Hayagang kinoll-out ng actress-politician na si Aiko Melendez ang isang young actor na may initial na JP dahil sa pagiging mayabang umano nito.


Agad naman itong umani ng samu't-saring espekulasyon kung sino ang tinutukoy ni Aiko Melendez.


Ayon sa Facebook post ni Aik Melendez, napakayabang na umano ng aktor na ito kahit wala pa naman itong napapatunayan. Pinayuhan pa niya itong mag-seminar muna.


Dahil wala umano itong respeto at magagandang asal. Porke't bida ay ma-attitude na.


Bagama't tanging JP lamang ang sinabi ni Aiko Melendez, marami ang naghinala na ang kanyang tinutukoy ay walang iba kundi si Jerome Ponce.


Hindi naman alam ng kanyang mga followers kung ano ang dahilan kung bakit nasabi ito ni Aiko Melendez. Hindi rin naman niya nilinaw sa kanyang post kung personal pa niyang naranasan ang pagiging bastos ni Jerome Ponce.


Samantala, may mga nagsasabi naman na baka ang kanyang anak Andrie Yllana ang nakaranas nito mula sa sinabi niyang JP at to the rescue naman kaagad itong si Aiko.


Sina Andrie Yllana at Jerome Ponce ay magkasama sa iisang digital series na Skies Archer kung saan bida sa nasabing serye si Jerome Ponce.


Dahil dito, tila natiyak ng mga netizens na si Jerome Ponce talaga ang tinutukoy ni Aiko Melendez.




Vice Ganda at Billy Crawford Tinapos Na Ang Pagiging Magkaibigan, Ang Totoong Dahilan

Walang komento


 Inamin na ni Billy Crawford sa isang panayam na hindi na sila kasing -close ng mga dating kasamahan niya sa It's Showtime kabilang na si Vice Ganda.


Matatandaan na noon pa man ay iniisyu na ang dalawa na 'not in good terms' nang pareho nilang in-unfollow ang isa't-isa sa social media.


Subalit ang naging malaking katanungan para sa mga netizens ay kung ano ang pinag-ugatan ng hindi pagkakaintindihan nilang dalawa.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, tila hindi nagustuhan ni Vice Ganda ang pag-iwan sa kanila ni Billy Crawford nang lumipat ito sa TV5.


Bukod dito hindi rin umano nagustuhan ni Vice Ganda ang pagpasok ni Billy bilang main host nang katapat nilang show noon na Tropang LOL.


Isa rin sa mga pinaghihinalaan ng mga netizens ay ang hindi pagsasalita ni Billy Crawford at tila hindi pagtatanggol ni Billy sa mga bumabatikos kay Vice Ganda at maging sa mga pasaring mga co-host ni Billy sa Tropang LOL.




Reaksyon Ni KC Concepcion Sa "for One of My Four Children" Post Ni Sharon Cuneta

Walang komento


 Nagreact ang aktres na si KC Concepcion sa viral post ng kanyang ina na si Sharon Cuneta.


Ibinahagi ni Sharon sa kanyang Instagram post ang isang excerpt mula sa classic child tale na Peter Pan. Sa caption, ibinahagi ni Sharon na para ito sa isa sa kanyang apat na anak na hindi naman niya binanggit.


Agad na napansin ng mga netizens na kabilang sa mga unanag nah heart react sa nasabing post ni Sharon ay si KC Concepcion.


"Every kind of love, it seems, is the only one. It doesn't happen twice. And I never expected that you could have a broken heart and love with it too, so much that it doesn't seem broken at all. I know young people look at me and think my youth seems so far away , but it's all around me, and you're all around me."


Matatandaan na sa isang panayam noon kay KC Concepcion, isiniwalat n g aktres kung gaano niya kamahal ang kanyang ina na si Sharon Cuneta at kahit ano pa umano ang mangyayari ay mamahalin pa rin niya ito.


Ibinahagi pa niya sa nasabing panayam kung paanong naging mag bestfriend sila ng kanyang ina noong maliit pa lamang siya bata.


Samantala, base sa reaksyon ni KC Concepcion, tila alam niya sa kanyang sarili na siya ang tinutukoy ng ina sa nasabing Instagram post nito.



Lala Sotto Pinayuhang Mag Sorry Sina Vice Ganda at Ion Perez!

Walang komento


 Ilang araw matapos ilabas ng MTRCB ang kanilang desisyon na suspendihin ang It's Showtime, nagbigay ng payo ang chairperson nito na si Lala Sotto sa dalawang hosts ng show na anging dahilan sa kanilang suspension.


Sa ngayon ay hindi pa final ang desisyon ng MTRCB sa pagbibigay ng 12 days suspension sa It's Showtime dahil sa pagbibigay nila ng pagkakataon sa show na makahain ng appeal.


Malalaman sa loob ng 15 days kung ano ang mangyayari sa It's Showtime.


Samantala, tila pinayuhan ng MTRCB chairperson sina Vice Ganda at Ion Perez na umano'y humingi na lamang ng sorry sa hinding magandang ginawa nila sa It's Showtime.


Ayon kay Lala Sotto, bagama't hindi nito mapapawalang sala ang It's Showtime, subalit tiyak umanong makakatulong kung hihingi ng tawad sina Vice Ganda at Ion Perez.


Sa kabila nito, tila naninindigan pa rin ang It's Showtime at sina Vice Ganda at Ion Perez na wala silang ginawang pagkakamali kaya naman wala umano silang nararapat na ihingi ng tawad.





Ang Koneksyon Ng Social Media Broadcasters Na Nagkaso Kina Vice Ganda at Ion Perez Kay Lala Sotto

Walang komento


 Lalong dumadami ang mga taong nasasangkot sa isyu hinggil sa pagpapasuspinde ng MTRCB sa It's Showtime.


Una nang nadamay sa isyung ito ang katapat na noontime show ng It's Showtime, ang E.A.T dahil anak ng pangunahing host ng E.A.T ang kasalukuyang MTRCB chairperson na si Lala Sotto.


Samantala, tila dumagdag naman rito ang mga kasapi ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas. Nagsampa ang nasabing grupo ng criminal case laban kina Vice Ganda at Ion Perez.


Ang mga kasong inireklamo ng nasabing grupo ay may kaugnayan pa rin sa cake icing isyu nina Vice Ganda at Ion Perez.


Nagbigay din ng pahayag ang abogadong kumakakatawan ng KSMBP.


"Nowadays, there have been countless proliferatyions of immoral, indecent, lewd, and vulgar shows, clips, TikTok, vlogs etc. that are being streamed on social media and sometimes in the traditional media.


"The worst part of it all that these are unregulated and are accessible by any person including the youth, children, and even minors who are tech-savvy on various social media platforms. Just by the click of a finger, all these malevolent presentations are made easily available even on mere cellphones already."


Lumalabas na ang reklamong ito ng KSMBP ay suporta sa inilabas na suspension order laban sa It's Showtime.




Rendon Labador muling bumanat kay Vice Ganda Sa Kabila Ng Pagkawala ng Kanyang Social Media Accounts

Walang komento

Martes, Setyembre 12, 2023


 Tila hindi natitinag ang self-proclaimed motivational na si Rendon Labador sa umano’y pag-mass report sa mga social media page niya at muling pinuntirya si Vice Ganda.


Sa kanyang Instagram story, ni-repost ni Rendon Labador ang isang survey na may title na “End of Vice Ganda’s era?”


Ayon naman sa kanyang isinulat na caption, “This is the end of Vice Ganda’s era! Tama na ang pag lason sa isip ng mga kabataan at pag normalize ng mga mali.”


Tila ito ang bwelta ni Rendon sa kamakailang pang-aasar sa kanya ni Vice Ganda.


Sa “It’s Showtime” bigla itong humirit ng, “Nakapag-mass report na ba ang lahat?”


Walang binanggit na pangalan si Vice Ganda ngunit sa gitna ito ng pagkabura sa Facebook account ni Rendon Labador, na sinasabing dahil sa pag-mass report ng mga netizen.


Maliban sa Facebook, burado na rin ang TikTok at Google accounts ni Rendon Labador.




TAPE Inc Nagsalita Na Itinanggi Ang Akusasyon Tungkol Sa Pag Hack Nila Sa Youtube Channel Na EB!

Walang komento


 Itinanggi ng kampo ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. ang mga akusasyon ng abogado nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon na hi-hack nila ang YouTube channel ng Eat Bulaga para makakuha ng access dito.


Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Maggie Abraham-Garduque na walang dahilan para i-hack nila ang Eat Bulaga YouTube channel na mayroong 5-M subscribers.


Ayon sa kanila, empleyado ng TAPE ang may-ari ng channel kaya hiniling na lamang nila sa YouTube na i-recover ito.


Bukod doon, ang bank account na konektado sa YouTube channel ay pagmamay-ari din ng TAPE.


“Tape did not hack the account. Tape will never do such a thing. Thus, it is not liable for cybercrime. Being the owner of the account, Tape was able to coordinate with YouTube to change the email and the password and the new contact person in behalf of the company,” pagpupunto ni Atty. Garduque.


Dagdag pa niya, “The person who made the account was an employee of tape when she made the account and she made the YouTube account in behalf of tape, inc. Tape, Inc is ready to show the official receipts from YouTube stating that it is the one which spent to create the account. The bank account linked to the You Tube account is likewise owned by Tape, Inc.”




Atom Araullo, Naghain Ng P2m Damage Suit Laban Kina Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz

Walang komento


 Pormal nang nagsampa ng kaso ang journalist at broadcaster na si Atom Araullo laban sa SMNI hosts na sina Lorraine Badoy-Partosa at Jeffrey Celiz.



Inihain ni Atom Araullo ang kanyang reklamo sa Quezon City Regional Trial Court, nitong Lunes ng umaga, September 11, 2023.



Inirereklamo ni Atom Araullo sina Lorraine Badanoy-Partosa at Jeffrey Celiz dahil sa kanilang defamatory at red tagging statements.



Ang reklamong inihain ni Atom ay may kinalaman sa paglabag sa Articles 19, 20, 21, 26, at 33 sa Civil Code.



Ipinaliwanag pa ng legal team ni Atom na ang mga batas na nabanggit ay naglalayong proteksiyunan ang "personal rights, human relations, and dignity" ng isang indibidwal.



Dahil sa diumano'y mga mapanirang pahayag nina Lorraine Badoy-Partosa at Jeffrey Celiz, nakaranas daw si Atom ng "serious damage" at "injury" sa kanyang "reputation, peace of mind, and personal relations."


Nilinaw din ng abogado kung bakit mahigit 2 million ang hinihinging damage ni Atom Araullo sa mga ito.


"Si Atom and his reputation and his peace of mind is worth more than PHP50M, baka more than a hundred million."




Vice Ganda Ion Perez Tinawanan Lang Ang Demanda Na Isinampa Sa Kanila

Walang komento


 Sa kamakailang episode ng It's Showtime tila sinagot ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang mga taong nagsampa sa kanila ng kaso ni Ion Perez.


Nitong lunes September 11, 2023 nagsampa ng kaso ang grupo na Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas sa Quezon City Prosecuter's Office laban kina Vice Ganda at Ion Perez dahil sa malaswang ginawa nila sa isang episode ng It's Showtime.


Kamakailan lamang din ay tinawag pang bastos ni Juan Ponce Enrile si Vice Ganda.


Dahil dito, tila narindi na si Vice Ganda kaya nagbigay na ito ng pahayag sa It's Showtime. Sa segment na Rampanalo, pinapakalma na ni Vice Ganda ang mga nambabatikos sa kanya.


"Kalma, hindi ako kakandidato, kumalma kayo ako lang ito."


Bagama't hindi naman nilinaw, alam na ng mga netizens kung sino ang pinapatungkulan ni Vice Ganda sa kanyang naging pahayag.


Kapansin-pansin kasing karamihan sa mga bumabatikos ngayon kay Vice Ganda ay mga politiko.


Sa ngayon ay tila hindi naman natitinag sina Vice Ganda at Ion Perez sa kabila ng mga patong-patong na reklamo laban sa kanila.




Julia Barretto, Engaged Na Ba Kay Gerald? Nagbigay Ng Update Sa Kundisyon Ni Marjorie!

Walang komento


 Nakorner ng ilang press ang aktres na si Julia Barretto sa isang event kung saan naitanong sa kanya ang estado ng relationship nila ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.


Naitanong kay Julia Barretto kung engage na nga sila na inilihim lamang nila sa kanilang mga tagasuporta. Hindi naman naging malinaw ang sagot ni Julia Barretto basta ang sinigurado lamang niya ay masaya sila ngayon ni Gerald sa anumang mayroon sila ng kanyang nobyo.


Ayon kay Julia Barretto, masaya naman sila ni Gerald sa kung ano man ang kanilang relasyon sa ngayon. Hindi rin umano sila nagmamadali kaya hindi niya alam kung bakit ang ibang tao ang atat na atat na magpakasal na silang dalawa.


Hindi rin umano maaring magtago sila sa mga publiko lalo na't pareho sila nasa industriya ng showbiz na mabilis kumalat ang balita.


"No, walang ganun, walang ganun. Walang secret-secret! Mahirap magka-secret na ngayon sa mundong mabilis ang balita! Sobrang excited... Bakit niyo ba kami minamadali?"


Dagdag pa ni Julia Barretto, "But I feel, like, when that moment comes, it's... I don't know... I feel, like, it's something to be shared when two people are ready to share. I don't think it's something that should be asked constantly. I feel, like, when the time comes, it comes.


"I don't know why everybody is rushing us. And yeah, we're really happy where we are. I'm really happy where I am in my life. I don't know, you'll just find out one day, but it's not gonna come from an interview."


Nagbigay din ng ilang detalye si Julia Barretto hinggil sa kalagayan ngayon ng kanyang ina na si Marjorie Barretto na kamakailan lamang ay isinugod sa hospital.


"Okay, she's good, she's doing well. Thank you to everybody who send their prayers. Yun ang importante, okay siya, hindi ko alam ang mangyayari. Oh my god! Di ko kaya."




Spotted! Seth, Kyle at Andrea Hindi Nagpansinan Sa Isang Event!

Walang komento


 Napansin ng mga mapanuring mga mata ng netizens at mga marites online ang hindi pagpapansinan nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin sa isang event.


Nagkasalubong at nagkatabi pa ang dalawang panig subalit hindi man lang sila nagpansinan na tila ba hindi sila magkakilala.


Dahil dito, marami ang napapatanong kung magkaibigan pa ba ang mga ito o may nangyaring hindi pagkakaunawan sa pagitan ng dalawang panig.


Kung sina Seth at Andrea Brillantes lamang ang hindi nagpansinan ay tila hindi ito magiging big deal dahil tila may awkwardness parin sa kanila dahil sa kanilang past relastionship.


Subalit ang hindi maintindihan ng ilang mga netizens ay kung bakit maging sina  Kyle Echarri at Seth Fedelin ay hindi rin nagpapansinan.


Matatandaan na naging malapit na magkaibigan sina Kyle Echarri, Seth Fedelin, Andrea Brillantes at Francine Diaz noong nagkasama sila sa Kapamilya teleserye na Kadenang Ginto.


Kilala rin sila bilang Gold Squad subalit tila nabuwag ang kanilang pagkakaibigan ng magkapalit-palit na sila ng loveteam.




Andrea Brillantes Kyle Echarri Sobrang Sweet Sa Championship Game Ng FIBA

Walang komento


 Ibinahagi ng aktres na si Andrea Brillantes ang kanyang unforgettable moment sa naganap na FIBA World Cup Championship Game. Spotted din na kasama ni Andrea ang ilan sa kanyang malalapit na kaibigan.


Hindi naman din naging madamot si Andrea Brillantes sa kanyang mga fans dahil ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang reaksyon nilang magkakaibigan sa pagkapanalo ng Germany laban sa Serbia.


Samantala, iniintriga ng mga fans ngayon si Andrea Brillantes dahil lumitaw sa video si Kyle Echarri. Kung saan makikitang nagtatalon din ito kagaya ni Andrea Brillantes.


Bukod dito, ibinahagi rin ni Andrea Brillantes ang larawan nila ni Kyle Echarri na parehong may hawak na bola na pirmado pa ng kanilang idol.


Samantala, marami naman sa mga fans nina Andrea Brillantes at Kyle Echarri ang natuwa dahil sa lowkey na pagsasama ng dalawa.


Hindi umano sila katulad ng ibang mga loveteam na panay ang pagpiflex ng mga larawan na magkasama para maipromote din ang kanilang proyektong pinagsamahan.


Trending din gabi-gabi ang teleserye nina Kyle Echarri at Andrea Brillantes dahil sa galing na ipinapakita ng dalawa sa kanilang pag-arte.



Tunay Na Ugali Ni Bea Alonzo Lumabas Na Ng Maging Kapuso Sa Gma Network !

Walang komento


 Usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens na umano'y lumabas na ang totoong kulay ni Bea Alonzo mula nang lumipat ito sa GMA7.


Una nang naging usap-usapan ng mga netizens ang ginawang pagbitbit ni Bea Alonzo sa birthday cake ng aktres na si Kyline Alcantara sa All Out Sunday.


Bagama't marami ang pumuri sa aktres sa ginawang pagtulong niya kay Kyline Alcantara, hindi pa rin naiiwasan na may mga netizens ang hindi nagustuhan na talagang si Bea Alonzo pa talaga ang ginawang tagabitbit umano ng cake gayung marami naman silang nasa stage.


Ayon sa ilang mga netizens, ginawa na umanong tagahawak ng cake ang box office queen ng GMA7 at hindi umano ito nakakatuwang tingnan.


Ayon pa sa ilang mga netizens, nakakainsulto umano ito sa parte ni Bea Alonzo dahil may ibang mga artista naman umano ang nasa stage.


Subalit, tila hindi naman ito naging big deal para kay Bea Alonzo dahil kung titingnan sa kuhang video ay si Bea naman talaga ang kusang kumuha ng cake kay Kyline Alcantara.


Samantala, upang matigil na ang mga usapin at intriga, nagbigay na ng official statement si Bea Alonzo kung saan nilinaw niyang hindi naman naging isyu sa kanya ang paghawak niya ng cake.


"Hahaha ngayon ko lang nakita. Naaawa kasi ako kay Kyline na hindi niya mahawakan ang microphone niya kayakinuha ko na lang yung cake para makapag-thank you naman siya sa sponsors niya."


Bukod pa rito, kumakalat din sa social media ang ilang mga larawan ni Bea Alonzo na walang keme at walang kaarte-arte sa pagkain at pakikipaghalubilo sa kanyang mga fans.




Kapuso Aktor Mapapanuod Sa Batang Quiapo

Walang komento


 Ilang mga Kapuso Stars, magiging parte rin ng Kapamilya hit teleserye na Batang Quiapo.


Katulad na lamang sa nangyari noong hindi pa nagtatapos ang teleseryeng Ang Probinsyano kung saan maraming mga artista ang nabigyan ng trabaho, mapa-active man o hindi, mapasikat man o ang mga nalipasan na ng panahon.


Ito rin umano ang layon ng Ang Batang Quiapo ngayon. Bukas ang Kapamilya teleserye sa lahat ng mga artista mula sa mga katapat na networks basta't may pahintulot lamang sa mga bosses.


Kaya naman, maaring asahan na may ilang mga Kapuso stars ang mapapanood sa Batang Quiapo basta papayag ang mga bosses ng GMA7.


Samantala, agad na na-excite ang mga fans dahil noon pa man ay aminado na ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na nais niyang makasama sa iisang proyekto ang nag-iisang Coco Martin.


Nakarating umano kay Dingdong Dantes ang magagandang salita patungkol kay Coco Martin kaya naman nais niyang makasama ito sa iisang proyekto.


Inamin rin noon ni Dingdong Dantes na handa siyang maging guest actor sa Batang Quiapo kapag iimbitahan siya ni Coco Martin.


Pinuri din ni Dingdong Dantes si Coco Martin sa pagbibigay nito ng hanapbuhay sa mga artistang tila nalilimutan na ng industriya at hinahayaan na lamang na walang proyekto sa mahabang panahon.


Sa ngayon, hindi na imposible na magsasama sa iisang teleserye ang mga Kapamilya at Kapuso actors dahil nauuso na ang mga collab.




Maine Mendoza Buntis Na Sa First Baby Nila Ni Arjo Atayde!

Walang komento


 Pinaghihinalaan ngayon ng ilang mga netizens at ArMaine fans na buntis na si Maine Mendoza sa unang anak nila ng asawang si Arjo Atayde.


Malakas ang paniniwala ng mga fans at ilang mga netizens na nagbubuntis na ang actress-host na si Maine Mendoza. Ito'y matapos mapansin ng mga netizens ang kamakailang tweet ni Maine.


Noong September 6, ibinahagi ni Maine ang kanyang tweet na siyang pinagmumulan ng mga isyu.


"Grabe yung sobrang nakaka antok???"


Tila ipinapahiwatig umano ni Maine Mendoza ang pagiging antukin niya ngayon. Marami naman ang nagpadala ng mga mensahe ng pagbati kay Maine Mendoza sa posibilidad na buntis na ito ngayon.


Matatandaan na bago pa man ikinasal sina Maine Mendoza at Arjo Atayde ay hayagan nang inamin ng dalawa na handa na silang magkaroon ng anak at bubuo ng sariling pamilya.


Maging ang ina ni Arjo Atayde na si Sylvia Sanchez ay gusto na ring magkaroon ng apo kay Maine at Arjo.




Vice Ganda-Idinemanda! Malaswa at Bastos Daw?

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagdedemanda kay Vice Ganda at Ion Perez ng KSMBP o Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas.


Para sa kaalaman nang lahat ang Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas (KSMBP) ay naiiba sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).


Ayon sa isinampang kaso ng KSMBP laban kina Vice Ganda at Ion Perez, nilabag ng dalawang hosts ng It's Showtime ang Revised Penal Code (RPC) under Article 201 at Section 6 ng Republic Act No. 1075 o Cyber Crime Prevention Act ng 2012.



Kung saan pinapatawan nito ng karampatang parusa ang mga taong nagpapakita ng mga immoral doctrines, obscene publications and exhibitions and indecent shows.


Kapag napatunayang nagkasala sina Vice Ganda at Ion Perez maaari silang maparusahan ng anim hanggang labin dalawang taon na pagkakakulong.


Samantala, hiling ngayon ng mga Madlang Pipol at mga fans ni Vice Ganda na malampasan ito nang nina Vice at Ion na magkasama.





Buboy Villar Inasar at Binastos Ang TVJ Matapos Makuha Ng Tape Inc. Ang Youtube Channel Na EB!

Walang komento

Lunes, Setyembre 11, 2023


 Nagbubunyi ngayon ang mga bagong hosts ng Eat Bulaga lalong-lalo na si Boboy Villar kung saan tila inasar pa niya ang TVJ sa pagkakakuha nila sa YouTube Channel na 'Eat Bulaga' na may millions subscribers.


Tila hindi naitago ni Buboy Villar ang kanyang tuwa matapos makuha ng TAPE Inc. ang control sa official YouTube Channel ng Eat Bulaga na may millions subscribers.


Sa Facebook account ni Buboy Villar, kaagad niyang ibinahagi ang unang YT live stream ng rebranded Eat Bulaga.


“FIRST LIVE SA YT CHANNEL THANKYOU LORD!” saad ni Buboy Villar.


Sa kabilang banda, dismayado naman ang TVJ sa pagkakakuha ng TAPE Inc sa ownership ng Eat Bulaga YouTube Channel.


Isiniwalat pa nila ang kanilang balak na magsampa ng kaso dahil sila umano ang nararapat na magmamay-ari nito.


“The owner of the YouTube channel is the owner of the email used to register it. It is not TAPE. The content of that YouTube account are past episodes of ‘Eat Bulaga.’ The copyright of the show and its episodes belong to TVJ,” pahayag ng legal council ng TVJ na si Atty.  Enrique Dela Cruz Jr.


Naniniwala rin ang TVJ na hinack ng TAPE Inc. ang YouTube Channel ng Eat Bulaga para mapasakamay nila ang ownership nito.




Sawsaw Ka pa Ha! Vice Ganda Sinupalpal Si Juan Ponce Enrile Sa It's Showtime

Walang komento


 Agad na nagpahayag ng reaksyon si Vice Ganda sa pambabatikos at pagtawag sa kanyang bastos ni Juan Ponce Enrile.


Matatandaan na nitong nagdaang araw ay kinoll-out si Vice Ganda ng Chief Presidential Legal Council na si Juan Ponce Enrile. Kung saan nagbitiw ito ng maanghang na banat laban sa kanya.


Ito'y kasunod ng hinaharap nilang suspension mula sa MTRCB dahil sa viral scene nila ni Ion Perez.


 "Ang ibinigay na katangian mo sa lipunan ay hindi mo na tinitingnan ang kapakanan ng iba. Sarili mo na lang ang iniisip mo. Akala mo maganda ang ginagawa mo pero bastos ka. Bastos kang tao," tahasang pahayag ni Juan Ponce Enrile laban kay Vice Ganda.


Tila hindi naman nagpatinag ang Unkabogable Star at sa latest episode ng It's Showtime, ipinahayag niya ang kanyang reaksyon sa pambabanat sa kanya ni Juan Ponce Enrile.


Bagama't hindi tahasang pinangalanan ni Vice Ganda ang lolo na kanyang tinutukoy sa Mini Ms. U segment ng It's Showtime, alam na ng mga madlang pipol na para ito kay Juan Ponce Enrile.


Nang mapag-usapan nila ni Jhong Hilario ang mga viewers na matatanda bigla na lamang nagbigay ng pahayag si Vice Ganda sa mga lolong galit umano sa kanya.


"Nakakatuwa, maraming mga lolo na nanonood sa atin, ang daming lolo na nakatutok sa akin at love ako ng mga lolo."


Dagdag pa ni Vice Ganda, "Maging sa social media ang daming mga lolo na nagsa-shout out sa akin. My God, I am so relevant in so many things. Lalong lalo na yung mga lolo jan na mahal na mahal ako. Maraming salamat po. I love lolos at Lolas.


Hindi pa rito natatapos ang pagpaparinig ni Vice Ganda kay Juan Ponce Enrile, "Itong Showtime kaya patuloy naming ginagawa, lalong lalo na yung Tawag ng Tanghalan kahit may pagkakataon yung mga tao nagsasawa na sila. Ang dahilan kung bakit pinagpatuloy namin ang Tawag ng Tanghalan ay dahil iyan ang paborito ng matatanda."




Juan Ponce Enrile Dinur0 Si Vice Ganda "Bast0s Na Tao Yan" !

Walang komento


 Dating Senate President na si Juan Ponce Enrile, pinagsabihan si Vice Ganda.


"Bastos ka, bastos kang tao!"


Sa isang panayam kay Juan Ponce Enrile, tahasang sinabi nitong napakabastos na tao ni Vice Ganda. Ito'y sa gitna ng usaping pagkakasuspinde ng It's Showtime sa loob ng 12 days dahil sa indecent acts nina Vice Ganda at Ion Perez sa Isip Bata segment ng nasabing show.


Sa ngayon ay patuloy pa ring umiere ang It's Showtime sa kabila ng suspension ng MTRCB dahil nakapaghain sila ng Motion for Reconsideration.


Samantala, ayon sa pahayag ni Juan Ponce Enrile kamakailan, ipinahayag niyang naging mayabang si Vice Ganda dahil sa tinatamasa nitong kasikatan ngayon.


"Ang problema dito sa bansa natin, kung mayroon kang power, political, social, economic or whatever. Halos hindi mo na iniisip ang iyong kapwa."


Tahasang mensahe pa nito kay Vice Ganda, "Ang ibinigay na katangian mo sa lipunan ay hindi mo na tinitingnan ang kapakanan ng iba. Sarili mo na lang ang iniisip mo."


"Akala mo maganda ang ginagawa mo pero bastos ka. Bastos kang tao."


Ayon pa sa dating senate president, matagal na niyang napapansin si Vice Ganda at napapanood. Hindi umano siya natutuwa sa style nito sa pagbibiro at pagpapatawa nito sa publiko.


"Mula pa noong araw ay ganyan na yan. Hindi lang walang decency kundi abusado. You're earning your living and popularity sa kabastusan."




Coco Martin Naniniwalang Sinasaniban Siya Ni Fernando Poe Jr.

Walang komento

Naniniwala ang aktor-direktor na si Coco Martin na sinasaniban siya o di kaya ay ginagabayan siya ng yumaong si Fernando Poe Jr. sa paggawa niya sa mga pinagbibidahan nitong mga pelikula noon.


Sa isang panayam kay Coco Martin, isiniwalat niyang hindi umano niya alam kung saan nanggaling ang kanyang mga idea na naging dahilan kung bakit nai-extend niya ang Batang Quiapo at ang Probinsyano noon na parehong pinagbibidahan at ginawa noon ni Fernando Poe Jr.


Maging si Coco Martin ay tila nagugulat din umano kung bakit nagagawa niya ng maayos ang kanyang tasks gayung wala pa naman siyang experience sa pagsusulat at paggawa ng mga ganitong uri ng mga palabas.


"Honestly, wala akong alam sa paggawa ng mga teleserye, pagsusulat… hindi ko rin alam kung paano nangyayari lahat. Kapag nasa creative team ako, honestly sinasabi ko pagod na pagod na ‘ko… 


"Hindi ko alam kung kaya ko pa, pero ‘pag naron na ‘ko, nagsisimula na ‘kong magsalita, hindi ko alam kung saan nanggagaling yung ideas, yung mga sinasabi ko, yung mga kuwentong ikinukuwento namin, hindi ko alam…”


Bukod sa paniniwalang sinasaniban siya ni Fernando Poe Jr., naniniwala rin si Coco Martin na ginagabayan siya Panginoong Diyos.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo