Spotted! Seth, Kyle at Andrea Hindi Nagpansinan Sa Isang Event!

Martes, Setyembre 12, 2023

/ by Lovely


 Napansin ng mga mapanuring mga mata ng netizens at mga marites online ang hindi pagpapansinan nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin sa isang event.


Nagkasalubong at nagkatabi pa ang dalawang panig subalit hindi man lang sila nagpansinan na tila ba hindi sila magkakilala.


Dahil dito, marami ang napapatanong kung magkaibigan pa ba ang mga ito o may nangyaring hindi pagkakaunawan sa pagitan ng dalawang panig.


Kung sina Seth at Andrea Brillantes lamang ang hindi nagpansinan ay tila hindi ito magiging big deal dahil tila may awkwardness parin sa kanila dahil sa kanilang past relastionship.


Subalit ang hindi maintindihan ng ilang mga netizens ay kung bakit maging sina  Kyle Echarri at Seth Fedelin ay hindi rin nagpapansinan.


Matatandaan na naging malapit na magkaibigan sina Kyle Echarri, Seth Fedelin, Andrea Brillantes at Francine Diaz noong nagkasama sila sa Kapamilya teleserye na Kadenang Ginto.


Kilala rin sila bilang Gold Squad subalit tila nabuwag ang kanilang pagkakaibigan ng magkapalit-palit na sila ng loveteam.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo