Cristy Hindi Nagustuhan Ang Pagmamaldita at Pag Walk-Out Ni Julia Barretto Sa Isang Media Reporter!

Miyerkules, Setyembre 13, 2023

/ by Lovely


 Hindi napigil ng veteran showbiz columnisy na si Manay Cristy Fermin ang pagrereact, hinggil sa pagmamaldita umano ng actress na si Julia Barretto sa isang reporter nang maitanong rito ang pagbeso ni Gerald Anderson sa kanyang ex-girlfriend na si Maja Salvador.


Kabilang sa mga napag-usapan nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang radio program na Crity Ferminute ang pagwalk out ni Julia Barretto sa isang panayam.


Ayon sa napansin ni Manay Cristy Fermin, halatang wala umano sa mood nang gabing iyon si Julia at tila hindi na umano nito nagugustuhan ang mga naunang tanong sa kanya ng mga reporter.


Kabilang sa mga naunang naitanong kay Julia ay kung sekretong nagpakasal na ba sila ni Gerald at ang kalagayan ng kanyang ina na si Marjorie na kamakailan lamang ay naisugod sa hospital.


Samantala, ayon pa kay Manay Cristy Fermin na kung sakaling sina Bea Alonzo at Gerald Anderson ang nagkita at nagbeso-beso tiyak na hindi lang magwa-walk out si Julia kundi tatakbo na ito.


Dagdag pa ni Cristy Fermin na talagang napaka-maldita nitong si Julia dahil talagang sinasabi nito ang lahat ng gusto nitong sabihin na tila immune na ito sa bashing.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo