Todo Na to! KC Concepcion Nagulat Sa Surpresang Ginawa Ng Boyfriend Na Steve Michael! Kasalan Na Ba!

Miyerkules, Setyembre 13, 2023

/ by Lovely


Sa wakas ay ipapalabas na sa September 17, ang international movie ni KC Concepcion na Asian Persuasion. Kaya naman, todo suporta ang nobyo nito na sumadya pa talaga sa New York.


Sa kamakailang post ni Steve ibinahagi niyang memorable sa kanya ang New York dahil naroon ang kanyang special one.


"New York is a memorable place for many, and has become a special one for me as well."


"Flying to the city this time for American rom-com and @sohofilmfest selection, @asianpersuasionfilm to support a special someone."


"If you're in town, snag your tickets for the 17th of September, as premier night is sold out! Village East by Angelika be there or be square," pagpopromote pa ng boyfriend ni KC Concepcion.


Samantala, makikita naman sa mga kumakalat na mga larawan na talagang naroroon na ngayon si Steve Michael para kay KC Concepcion.




Makikita pang magkasama sila ngayong namamasyal. Marami rin ang kinikilig sa mga larawan at video clips na ibinabahagi nila sa social media.


Ayon pa sa mga fans ng aktres na talagang maswerte ito sa nobyo na napaka supportive at tumutulong pa sa pagpopromote ng kanyang pelikula.


Sa kabila nito, marami pa rin ang kumukwestyon sa relasyon nilang dalawa. Subalit, hindi na umano ito alintana pa ni KC dahil ang masusunod na umano ngayon ay ang kanyang sarili.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo