Coco Martin Naniniwalang Sinasaniban Siya Ni Fernando Poe Jr.

Lunes, Setyembre 11, 2023

/ by Lovely

Naniniwala ang aktor-direktor na si Coco Martin na sinasaniban siya o di kaya ay ginagabayan siya ng yumaong si Fernando Poe Jr. sa paggawa niya sa mga pinagbibidahan nitong mga pelikula noon.


Sa isang panayam kay Coco Martin, isiniwalat niyang hindi umano niya alam kung saan nanggaling ang kanyang mga idea na naging dahilan kung bakit nai-extend niya ang Batang Quiapo at ang Probinsyano noon na parehong pinagbibidahan at ginawa noon ni Fernando Poe Jr.


Maging si Coco Martin ay tila nagugulat din umano kung bakit nagagawa niya ng maayos ang kanyang tasks gayung wala pa naman siyang experience sa pagsusulat at paggawa ng mga ganitong uri ng mga palabas.


"Honestly, wala akong alam sa paggawa ng mga teleserye, pagsusulat… hindi ko rin alam kung paano nangyayari lahat. Kapag nasa creative team ako, honestly sinasabi ko pagod na pagod na ‘ko… 


"Hindi ko alam kung kaya ko pa, pero ‘pag naron na ‘ko, nagsisimula na ‘kong magsalita, hindi ko alam kung saan nanggagaling yung ideas, yung mga sinasabi ko, yung mga kuwentong ikinukuwento namin, hindi ko alam…”


Bukod sa paniniwalang sinasaniban siya ni Fernando Poe Jr., naniniwala rin si Coco Martin na ginagabayan siya Panginoong Diyos.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo