Julia Montes Nagreact Sa Trailer Ng Batang Quiapo

Miyerkules, Setyembre 13, 2023

/ by Lovely


 Mas naging kaabang-abang ngayon ang mga tagpo ng Ang Batang Quiapo sa pagsisimula nila sa kanilang new era.


Kamakailan lamang ay ibinahagi na ng Dreamscape Entertainment ang panibagong trailer ng Batang Quiapo dahil mag-sisimula na umano ang bagong era nito kung saan kasama na ang sexy actress na Ivana Alawi.


Makikita rin sa nasabing trailer ang ilang mga kaabang-abang na tagpo sa nasabing serye.


Kabilang sa mga ikinawindang mga manonood ang trending kissing scene nina Coco Martin at Lovi Poe na sinundan naman ng love scene nila ni Ivana Alawi.


Marami naman ang nakapansin sa napakalakas na chemistry nina Ivana Alawi at Coco Martin kung saan ayon sa mga netizens na napakagaling talaga ni Coco sa pagpili ng makakatandem.


Sa kabilang banda, inaabangan rin ngayon ng mga netizens ang reaksyon ng romured girlfriend ni Coco Martin na si Julia Montes sa mga trending scenes sa Batang Quiapo.


Talagang hindi nagpapakabog si Coco Martin sa trending kissing scene nina Alden Richards at Julia Montes sa pinagsamahan nilang pelikula.


Samantala, tila hindi naman ito magiging problema para kay Julia Montes dahil pareho naman silang nagtatrabaho sa showbiz industry.


Hindi naman, lingid sa kaalaman ng lahat na napaka suportive nina Coco Martin at Julia Montes sa career ng isa't-isa. Tiyak din umano na open minded sila pagdating sa ganoong bagay lalo na't hindi naman ito maiiwasan sa uri ng kanilang trabaho.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo