Kapuso Aktor Mapapanuod Sa Batang Quiapo

Martes, Setyembre 12, 2023

/ by Lovely


 Ilang mga Kapuso Stars, magiging parte rin ng Kapamilya hit teleserye na Batang Quiapo.


Katulad na lamang sa nangyari noong hindi pa nagtatapos ang teleseryeng Ang Probinsyano kung saan maraming mga artista ang nabigyan ng trabaho, mapa-active man o hindi, mapasikat man o ang mga nalipasan na ng panahon.


Ito rin umano ang layon ng Ang Batang Quiapo ngayon. Bukas ang Kapamilya teleserye sa lahat ng mga artista mula sa mga katapat na networks basta't may pahintulot lamang sa mga bosses.


Kaya naman, maaring asahan na may ilang mga Kapuso stars ang mapapanood sa Batang Quiapo basta papayag ang mga bosses ng GMA7.


Samantala, agad na na-excite ang mga fans dahil noon pa man ay aminado na ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na nais niyang makasama sa iisang proyekto ang nag-iisang Coco Martin.


Nakarating umano kay Dingdong Dantes ang magagandang salita patungkol kay Coco Martin kaya naman nais niyang makasama ito sa iisang proyekto.


Inamin rin noon ni Dingdong Dantes na handa siyang maging guest actor sa Batang Quiapo kapag iimbitahan siya ni Coco Martin.


Pinuri din ni Dingdong Dantes si Coco Martin sa pagbibigay nito ng hanapbuhay sa mga artistang tila nalilimutan na ng industriya at hinahayaan na lamang na walang proyekto sa mahabang panahon.


Sa ngayon, hindi na imposible na magsasama sa iisang teleserye ang mga Kapamilya at Kapuso actors dahil nauuso na ang mga collab.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo