Rendon Labador muling bumanat kay Vice Ganda Sa Kabila Ng Pagkawala ng Kanyang Social Media Accounts

Martes, Setyembre 12, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi natitinag ang self-proclaimed motivational na si Rendon Labador sa umano’y pag-mass report sa mga social media page niya at muling pinuntirya si Vice Ganda.


Sa kanyang Instagram story, ni-repost ni Rendon Labador ang isang survey na may title na “End of Vice Ganda’s era?”


Ayon naman sa kanyang isinulat na caption, “This is the end of Vice Ganda’s era! Tama na ang pag lason sa isip ng mga kabataan at pag normalize ng mga mali.”


Tila ito ang bwelta ni Rendon sa kamakailang pang-aasar sa kanya ni Vice Ganda.


Sa “It’s Showtime” bigla itong humirit ng, “Nakapag-mass report na ba ang lahat?”


Walang binanggit na pangalan si Vice Ganda ngunit sa gitna ito ng pagkabura sa Facebook account ni Rendon Labador, na sinasabing dahil sa pag-mass report ng mga netizen.


Maliban sa Facebook, burado na rin ang TikTok at Google accounts ni Rendon Labador.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo