Julia Barretto, Engaged Na Ba Kay Gerald? Nagbigay Ng Update Sa Kundisyon Ni Marjorie!

Martes, Setyembre 12, 2023

/ by Lovely


 Nakorner ng ilang press ang aktres na si Julia Barretto sa isang event kung saan naitanong sa kanya ang estado ng relationship nila ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.


Naitanong kay Julia Barretto kung engage na nga sila na inilihim lamang nila sa kanilang mga tagasuporta. Hindi naman naging malinaw ang sagot ni Julia Barretto basta ang sinigurado lamang niya ay masaya sila ngayon ni Gerald sa anumang mayroon sila ng kanyang nobyo.


Ayon kay Julia Barretto, masaya naman sila ni Gerald sa kung ano man ang kanilang relasyon sa ngayon. Hindi rin umano sila nagmamadali kaya hindi niya alam kung bakit ang ibang tao ang atat na atat na magpakasal na silang dalawa.


Hindi rin umano maaring magtago sila sa mga publiko lalo na't pareho sila nasa industriya ng showbiz na mabilis kumalat ang balita.


"No, walang ganun, walang ganun. Walang secret-secret! Mahirap magka-secret na ngayon sa mundong mabilis ang balita! Sobrang excited... Bakit niyo ba kami minamadali?"


Dagdag pa ni Julia Barretto, "But I feel, like, when that moment comes, it's... I don't know... I feel, like, it's something to be shared when two people are ready to share. I don't think it's something that should be asked constantly. I feel, like, when the time comes, it comes.


"I don't know why everybody is rushing us. And yeah, we're really happy where we are. I'm really happy where I am in my life. I don't know, you'll just find out one day, but it's not gonna come from an interview."


Nagbigay din ng ilang detalye si Julia Barretto hinggil sa kalagayan ngayon ng kanyang ina na si Marjorie Barretto na kamakailan lamang ay isinugod sa hospital.


"Okay, she's good, she's doing well. Thank you to everybody who send their prayers. Yun ang importante, okay siya, hindi ko alam ang mangyayari. Oh my god! Di ko kaya."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo