Vice Ganda Ion Perez Tinawanan Lang Ang Demanda Na Isinampa Sa Kanila

Martes, Setyembre 12, 2023

/ by Lovely


 Sa kamakailang episode ng It's Showtime tila sinagot ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang mga taong nagsampa sa kanila ng kaso ni Ion Perez.


Nitong lunes September 11, 2023 nagsampa ng kaso ang grupo na Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas sa Quezon City Prosecuter's Office laban kina Vice Ganda at Ion Perez dahil sa malaswang ginawa nila sa isang episode ng It's Showtime.


Kamakailan lamang din ay tinawag pang bastos ni Juan Ponce Enrile si Vice Ganda.


Dahil dito, tila narindi na si Vice Ganda kaya nagbigay na ito ng pahayag sa It's Showtime. Sa segment na Rampanalo, pinapakalma na ni Vice Ganda ang mga nambabatikos sa kanya.


"Kalma, hindi ako kakandidato, kumalma kayo ako lang ito."


Bagama't hindi naman nilinaw, alam na ng mga netizens kung sino ang pinapatungkulan ni Vice Ganda sa kanyang naging pahayag.


Kapansin-pansin kasing karamihan sa mga bumabatikos ngayon kay Vice Ganda ay mga politiko.


Sa ngayon ay tila hindi naman natitinag sina Vice Ganda at Ion Perez sa kabila ng mga patong-patong na reklamo laban sa kanila.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo