Tunay Na Ugali Ni Bea Alonzo Lumabas Na Ng Maging Kapuso Sa Gma Network !

Martes, Setyembre 12, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens na umano'y lumabas na ang totoong kulay ni Bea Alonzo mula nang lumipat ito sa GMA7.


Una nang naging usap-usapan ng mga netizens ang ginawang pagbitbit ni Bea Alonzo sa birthday cake ng aktres na si Kyline Alcantara sa All Out Sunday.


Bagama't marami ang pumuri sa aktres sa ginawang pagtulong niya kay Kyline Alcantara, hindi pa rin naiiwasan na may mga netizens ang hindi nagustuhan na talagang si Bea Alonzo pa talaga ang ginawang tagabitbit umano ng cake gayung marami naman silang nasa stage.


Ayon sa ilang mga netizens, ginawa na umanong tagahawak ng cake ang box office queen ng GMA7 at hindi umano ito nakakatuwang tingnan.


Ayon pa sa ilang mga netizens, nakakainsulto umano ito sa parte ni Bea Alonzo dahil may ibang mga artista naman umano ang nasa stage.


Subalit, tila hindi naman ito naging big deal para kay Bea Alonzo dahil kung titingnan sa kuhang video ay si Bea naman talaga ang kusang kumuha ng cake kay Kyline Alcantara.


Samantala, upang matigil na ang mga usapin at intriga, nagbigay na ng official statement si Bea Alonzo kung saan nilinaw niyang hindi naman naging isyu sa kanya ang paghawak niya ng cake.


"Hahaha ngayon ko lang nakita. Naaawa kasi ako kay Kyline na hindi niya mahawakan ang microphone niya kayakinuha ko na lang yung cake para makapag-thank you naman siya sa sponsors niya."


Bukod pa rito, kumakalat din sa social media ang ilang mga larawan ni Bea Alonzo na walang keme at walang kaarte-arte sa pagkain at pakikipaghalubilo sa kanyang mga fans.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo