Atom Araullo, Naghain Ng P2m Damage Suit Laban Kina Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz

Martes, Setyembre 12, 2023

/ by Lovely


 Pormal nang nagsampa ng kaso ang journalist at broadcaster na si Atom Araullo laban sa SMNI hosts na sina Lorraine Badoy-Partosa at Jeffrey Celiz.



Inihain ni Atom Araullo ang kanyang reklamo sa Quezon City Regional Trial Court, nitong Lunes ng umaga, September 11, 2023.



Inirereklamo ni Atom Araullo sina Lorraine Badanoy-Partosa at Jeffrey Celiz dahil sa kanilang defamatory at red tagging statements.



Ang reklamong inihain ni Atom ay may kinalaman sa paglabag sa Articles 19, 20, 21, 26, at 33 sa Civil Code.



Ipinaliwanag pa ng legal team ni Atom na ang mga batas na nabanggit ay naglalayong proteksiyunan ang "personal rights, human relations, and dignity" ng isang indibidwal.



Dahil sa diumano'y mga mapanirang pahayag nina Lorraine Badoy-Partosa at Jeffrey Celiz, nakaranas daw si Atom ng "serious damage" at "injury" sa kanyang "reputation, peace of mind, and personal relations."


Nilinaw din ng abogado kung bakit mahigit 2 million ang hinihinging damage ni Atom Araullo sa mga ito.


"Si Atom and his reputation and his peace of mind is worth more than PHP50M, baka more than a hundred million."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo