Lala Sotto Pinayuhang Mag Sorry Sina Vice Ganda at Ion Perez!

Miyerkules, Setyembre 13, 2023

/ by Lovely


 Ilang araw matapos ilabas ng MTRCB ang kanilang desisyon na suspendihin ang It's Showtime, nagbigay ng payo ang chairperson nito na si Lala Sotto sa dalawang hosts ng show na anging dahilan sa kanilang suspension.


Sa ngayon ay hindi pa final ang desisyon ng MTRCB sa pagbibigay ng 12 days suspension sa It's Showtime dahil sa pagbibigay nila ng pagkakataon sa show na makahain ng appeal.


Malalaman sa loob ng 15 days kung ano ang mangyayari sa It's Showtime.


Samantala, tila pinayuhan ng MTRCB chairperson sina Vice Ganda at Ion Perez na umano'y humingi na lamang ng sorry sa hinding magandang ginawa nila sa It's Showtime.


Ayon kay Lala Sotto, bagama't hindi nito mapapawalang sala ang It's Showtime, subalit tiyak umanong makakatulong kung hihingi ng tawad sina Vice Ganda at Ion Perez.


Sa kabila nito, tila naninindigan pa rin ang It's Showtime at sina Vice Ganda at Ion Perez na wala silang ginawang pagkakamali kaya naman wala umano silang nararapat na ihingi ng tawad.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo