Vice Ganda at Billy Crawford Tinapos Na Ang Pagiging Magkaibigan, Ang Totoong Dahilan

Miyerkules, Setyembre 13, 2023

/ by Lovely


 Inamin na ni Billy Crawford sa isang panayam na hindi na sila kasing -close ng mga dating kasamahan niya sa It's Showtime kabilang na si Vice Ganda.


Matatandaan na noon pa man ay iniisyu na ang dalawa na 'not in good terms' nang pareho nilang in-unfollow ang isa't-isa sa social media.


Subalit ang naging malaking katanungan para sa mga netizens ay kung ano ang pinag-ugatan ng hindi pagkakaintindihan nilang dalawa.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, tila hindi nagustuhan ni Vice Ganda ang pag-iwan sa kanila ni Billy Crawford nang lumipat ito sa TV5.


Bukod dito hindi rin umano nagustuhan ni Vice Ganda ang pagpasok ni Billy bilang main host nang katapat nilang show noon na Tropang LOL.


Isa rin sa mga pinaghihinalaan ng mga netizens ay ang hindi pagsasalita ni Billy Crawford at tila hindi pagtatanggol ni Billy sa mga bumabatikos kay Vice Ganda at maging sa mga pasaring mga co-host ni Billy sa Tropang LOL.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo