Joey De Leon, Muling Binanatan Ang TAPE Inc.

Walang komento

Miyerkules, Hunyo 14, 2023


 Muli na namang tila pinatamaan ng isa sa mga legendary trio sa Eat Bulaga na si Joey De Leon ang mga taong naging dahilan sa patalikod nila sa minamahal na show na Eat Bulaga.


Kanina lamang sa ibinahaging live ng kanilang official social media page na TVJ, tinanong ni Joey kung naka live ba sila dahil ayaw umano niya sa taped.


“Live ba ‘to? Ayaw namin ng taped ah, gusto namin live,” pagtatanong ni Joey De Leon na kumukuha sa video.


“Live na live tayo, Tito Jo,” gaot ni Ryan.


 “Hindi ‘to taped ah?” paniniguro pa ni Joey De Leon.


Agad naman itong kinatuwaan ng ilan pang Eat Bulaha host na naroon din sa venue.


Proud pang sinabi ni Joey De Leon na siya lamang ang nag-iisang nakaisip sa nasabing joke.


Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na naglabas ng  banat si Joey De Leon laban sa TAPE Inc. at sa mga namumuno rito na mga Jalosjos.


Aminado rin si Joey De Leon na sinilip niya ang studio ng Eat Bulaga. Ayon rito, wala siyang maipipintas sa mga hosts ng Eat Buaga ngayon dahil ginagawa lamang umano ng mga ito ang kanilang trabaho.


Samantala, nagbigay naman ng mga mensahe ng pagsuporta at pagbati ang mga netizens sa panibagong achievements ng TVJ sa TV5. Marami na rin ang nag-hihintay sa magiging show ng iconic trio.


"Kumpleto na ang aming tanghalian! Love you TVJ and Dabarkads...."


"Miss you all Original Dabarkad & TVJ ..di na ko makaantay yung pagbubukas ng bagong EAT BULAGA sa TV5"

Ellen Adarna Nakakaranas Ng Depression

Walang komento


 Isiniwalat na ng dating actress na si Ellen Adarna na may isang mabigat siyang desisyon na kamakailan lamang niya ginawa.


Matapos ang mahabang panahon, tuluyan nang itinigil ni Ellen Adarna ang kanyang kahuli-hulihang bisyo sa loob ng 17 years.


Ayon kay Ellen Adarna, ang kanyang desisyon ay ginawa niya bilang paghahanda sa plano nila ng kanyang asawa na si Derek Ramsay na magkaroon ng anak.


Samantala, sobrang saya naman ni Derek Ramsay sa desisyon ni Ellen at ipinahayag pa niyang isang answered prayers ang desisyon ni Ellen Adarna.


Gayunpaman, isiniwalat ni Ellen na nararamdaman niya ngayon ang side effects ng kanyang pagtigil sa pagvi-vape. Isa na rito ang pagiging depressed.


“Low days, I do, but depressed, now, I feel depressed now. Because for one reason and I know, because of the vape, I feel low,” pag-amin ni Ellen.


Isiniwalat din ni Ellen na bukod sa pagiging depressed mentally at emotionaly, nagsisimula na din itong magpakita ng physical side effects habang itinuro niya ang tila isang maliit na bukol sa loob ng kanyang ibabang eyelid.


Gayunpaman, sinabi at positibo si Ellen na maging maayos din ang kanyang pakiramdam matapos ang ilang araw.


“But I'll get through this. I'll get used to it. I'm giving myself two days to feel off after two days I'll snap out of it, I'll snap myself out by then.”




Nakakagulat Ang Bagong Rebelasyon Ni Joey De Leon Laban Sa Gma 7! Binanatan Ang Gma...

Walang komento

 


Sa naging panayam ni Julius Babao sa Tv host na si Joey De Leon ay ibinulgar niya ang kanyang mga rebelasyon tungkol sa pag-alis nila sa TAPE incorporated.


Dito nga ay inamin ni Joey De Leon na hindi manlang daw nangumusta o nagparamdam ang GMA network mula ng sila ay umalis sa TAPE incorporated.


Aniya, "Yung mismong seventh GMA hindi nagparamdam kasi ang sinasabi nila ang kontrata lang naman daw nila ay ang TAPE incorporated."


Dagdag pa niya, na hindi naman daw sila nagtatampo pero kahinahinala lang daw kasi na hindi manlang sila kinumusta ng nasabing network.


Samantala, nabanggit din na binawasan daw ng TAPE inc. ang sahod ng mga host kasama na din ang buong production ng show.


Ito ang isang tanung ni Julius kay Joey na kung anu ang mararamdaman niya kung sakaling babawasan sila ng sweldo.


Sagot nga ng tv host, "Ang totoo natawa pa ako, anu ba naman yan ilan nalang ang itatagal, ako hindi ako nagrereklama pero yun, sabi ko sa kanila na kung ayaw niyo ba kaming pa abotin kahit 50 years tapos puwede niyo na kaming sipain.






College Student Na Pumasok Na Lasing Kakasuhan Ang Guro

Walang komento


 Naging mainit na usap-usapan sa social media ang ginawa ng isang college student na pumasok nang lasing. Nag-eskandalo ito sa loob ng klasroom at binastos ang guro sa harap mismo ng iba pang mga estudyante.


Kumakalat pa rin ngayon ang video na kuha mismo sa loob ng classroom kung saan naganap ang nasabing insidente. 


Bigla na lamang may pumasok na isang college student sa loob ng isang senior high school class. Nais umano nitong maki sit in sa klase nang mapansin ng guro na amoy alak ito.


Agad naman umanong pinaalis ng guro ang nasabing estudyante dahil nakakaistorbo ito sa kanilang klase lalo pa't nasa kalagitnaan sila sa isang quiz, subalit naghuhurumentado na ito at sinisigaw-sigawan pa ang guro.


Una pang naging kalmado ang guro at pinapaalis na lamang ang studyante sa isang parte ng video tinawag pa niyang anak ang studyante. Ngunit hindi ito umalis at kung ano-ano pa ang sinasabi. 


Ipinagpipilitan ng studyante na hindi siya lasing at minura pa ang guro. Sa inis ng guro ay nagpatawag na ito ng guard. Hindi umano nito mapapalampas ang ginawang pambabatos ng lalaking studyante.


Samantala, may naglabasang haka-haka ngayon na nagbabalak nang magsampa ng reklamo ang nasabing estudyante at hihingi pa siya ng tulong kay Senator Raffy Tulfo dahil pinagbibintangan lamang umano siya ng guro na lasing gayung hindi naman.


Hindi naman ito nagustuhan ng mga netizens dahil ito pa umano ay may lakas ng loob na magreklamo gayung siya naman ang walang respeto.


"kahit anak ka ng presedente your still a student and kang dahilan para bastusin ang GURO ikaw pa man din college student or may mas edad ikaw immature mag isip hey .. mag isip ka... wag niyong gayahin ang pag uugali nito. mag karoon kyo tama disiplina sa pakiki usap sa guro ninyo. dhil sa FUTURE niyo aanihin lahat ng maling nagawa at nasabi nyo."


"Sa unang tingin maliit na bagay lng yan,..pero malaki magiging epekto nyan lalo na sa mga kapwa estudyante,..kulang sa desiplina yan😥 kawawa jan mga magulang, sa akala nila nagaaral ng maayos anak nila, un pla npasok man nkainum pa."




Jose Manalo at Wally Bayola Nag-Alok Ng Tig-P2m Para Manatili Sa 'Eat Bulaga' Ng Tape!

Walang komento


 Dating mga host ng Eat Bulaga na sina Jose Manalo at Wally Bayola inalok-alok daw ng tig 2 million pesos para manatili sa Eat Bulaga ng TAPE incorporated.


Ngunit tinanggihan nina Wally Bayola at Jose Manalo ang alok sa kanila ng TAPE incorporated na manatili sa Eat Bulaga.


Ayon naman sa kulumnistang si Cristy Fermin na, inalok daw ang dalawa na manatili at hindi sumama sa TVJ na na iwan ang Eat Bulaga.


Aniya, "May tumawag po kay Jose at Wally na huwag sumama sa Tito, Vic at Joey at agaran daw po padadalhan sila ng tseking tig 2million pesos."


Dagdag pa ng kulumnista, "Hindi po nila pinatulan yung 2 million pesos at iyon na nga po isang groupo ang Dabarkads na sumama kaina Tito, Vic at Joey."


matatandaang naghain ng mass resignation ang mga host ng Eat Bulaga kasunod ng pag-aanunsyo ng TVJ na kakalas o magpapaalam na sila sa TAPE incorporated.


At ibinahagi din ni Cristy Fermin na na delay din ang sweldo Jose at Wally sa Eat Bulaga.


Ayon pa sa kanya na talagang napaka bait daw ng dalawang ito, ni wala kadaw maririnig na reklamo sa kanila.





Andrea Brillantes Nagsalita Na Sa Break up Nila Ni Ricci Rivero!

Walang komento


 Sa kauna-unahang pagkakataon nagsalita na ang aktres na si Andrea Brillantes sa hiwalayan nila ng kanyang basketball player na si Ricci Rivero.


Bagama't ilang araw na nang lumabas ang kumpirmasyon ni Ricci Rivero sa kanilang hiwalayan, nanatiling tikom ang bibig ni Andrea Brillantes at nakuntento lamang sa ilang mga patama at cryptic posts sa social media.


Subalit sa kamakailang guesting ni Andrea Brillantes sa Magandang Buhay isiniwalat niya ang kasalukuyang estado ng kanyang puso.


Ayon kay Andrea Brillantes, okey naman sa ngayon ang kanyang puso.


"Tingin ko ay okay naman siya. I mean it could be worse sa mga nagaganap ngayon. Puwedeng wala rin ako rito today kasi hindi ko kayang humarap sa mga tao. Pero tingin ko naman po sa lahat nang nagaganap ay okay siya ngayon." 


Aminado rin si Andrea Brillantes na hindi pa rin niya lubusang nalelet go ang naging relasyon nila ni Ricci Rivero dahil siya ang labis na nagmamahal ng totoo.


"Ako nagmahal ako ng totoo, hindi ko 'yon male-let go agad-agad," saad pa ni Andrea.


"So hindi ko masasabing malaya ako ng 100%. Kasi may mga bagay pang ayoko pang pakawalan. At meron pang mga bagay na pinoproseso ko pa. Kasi ganun naman talaga dapat kailangan ko namnamin tong mga feelings na to para makapagheal ng maayos."


Ipinahayag din ni Andrea na ayaw niyang magpanggap na maging maayos kahit hindi pa naman.


"Ayoko naman maging pretentious na maki-trend lang na, I'm unbothered queen. Aminado ako nakakaramdam ako kasi tao pa rin ako."


Ayon pa kay Andrea, mas pinipili niyang manahimik na lamang kaysa sa magsalita tungkol sa hiwalayan nila ni Ricci Rivero para wala nang gulo at mas pinipili na lamang niyang maging masaya sa kung ano ang natitira sa kanya.


Samantala, kumakalat rin ngayon sa social media ang conversation ng umano'y video nina Andrea at Ricci matapos pumutok ang isyu ni Ricci at Leren Mae Bautista.


Si Leren Mae Bautista ang itinuturong dahilan ng pagkakalabuan nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.


Ayon sa usapan nila, pilit na kinakausap ni Ricci si Andrea subalit ang aktres na mismo ang hindi pumayag dahil sa ginawa umano ni Ricci Rivero.




Andrea Brillantes, Aminadong Hindi Pa Natatanggap Nang Buo Ang Nangyaring Hiwalayan Kanila Ni Ricci Rivero!....

Walang komento

 


Naging matapang ang mga pahayag ng actress na si Andrea Brillantes sa tuwing tatanong siya sa kanyang mga guesting sa ilang mga show.


Ito ay tungkol sa sitwasyon ng kanyang buhay pag-ibig ngayon.


Nitong nakaraang araw lamang ay naglabas na ng kanyang saloobin ang actress tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang nobyong si Ricci Rivero.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na nga si Andrea tungkol sa hiwalayan nila ng boyfriend niyang si Ricci Rivero.


Matapos na mainit na pag-usapan ito ng mga netizens sa social media.


Unang nagbahagi si Andrea ng kanyang saloobin sa noontime show na It's Showtime.


Kung saan sobrang hinangaan ang kanyang mga naging pahayag ng hindi lang mga madlang people kundi pati nadin ang mga host ng nasabing show.


Hinangaan nga ng mga ito ang pagiging matapang niya sa pagharap sa pagiging sawi sa pag-ibig na pinagdadaanan niya ngayon.


Dahil nga dito ay binigyan siya ng isang mahigpit na group hug mula sa mgg host ng nasabing noontime show.


Heto naman ang naging pahayag ni Andrea sa nasabing noontime show.


Aniya, "Swerte ako hanggat kaya ko pang magmahal, lalo na kaya kung mahalin ang sarli ko, swerte ako,."


Samantala, sa kanyang pagbisita sa Magandang Buhay ay inamin niya na hindi pa niya 100 percent na natanggap ang nangyaring paghihiwalay nila ni Ricci Rivero.


Na ayon sa actress ay naging totoo daw kasi siya sa kanyang ibinigay na pagmamahal kay Ricci Rivero, kaya hindi daw ito madaling kalimutan at pakawalan lang nagbastabasta.


Pahayag naman ng actress, "Ako po kasi, aminado po ako na since ang bago-bago pa po talaga ng lahat at naging totoo kasi sa akin ang lahat."


"Ako nagmahal ako ng totoo eh, hindi ko yun male-let go agad-agad."


"So hindi hindi ko masasabing malaya ako ng 100 percent kasi mahy mga bagay pang ayaw ko pang pakawalan at may mga bagay na pina-process ko pa, kasi ganun naman talaga."


"Normal lang naman na dapat namnamin ko tong mga feelings na to para makapag heal ako ng maayos."


Inamin din ng actress na noong una daw na lumabas ang balita tungkol sa hiwalayan nila ni Ricci Rivero ay gustong-gusto niya daw talaga na magsalita tungkol sa nangyari.


Pero mas pinili nalang daw niya ang manahimik nalang upang wala ng gulo pa. At ng hindi na humaba pa ang issue tungkol sa kanilang paghihiwalay.







Buboy Villar Nakabili Kaagad Ng Panibagong Sasakyan

Walang komento


 Masayang ibinahagi ng panibagong host ng Eat Bulaga na si Buboy Villar ang kanyang panibagong milestone sa social media.


Masayang ipinasilip ni Buboy Villar ang bagong bili niyang sasakyan na gagamitin umano niya araw-araw pagpunta niya sa trabaho.


Sa labis na tuwa, panay ang pagpapakuha ng litrato ni Buboy sa tabi ng kanyang sasakyan.


Ayon kay Buboy Villar, motor ang ginagamit niyang sasakyan sa pagpunta niya sa Eat Bulaga studio subalit para sa kanya mas maganda na kotse na ngayon ang kanyang gagamitin. Nahihirapan din umano siya sa pagmomotor dahil kailangan niyang makarating sa oras sa Eat Bulaga, umulan man o umaraw.


Malaki rin ang pasasalamat ni Buboy Villar sa lahat ng kanyang mga tagahanga na walang sawang sumuporta sa kanya.


Pagbabahagi pa ni Buboy na nakapag-ipon siya noong nakaraang mga taon mula sa kanyang mga projects kaya naman ngayon ay nakabili na siya ng mas komportableng mode of transportation.


Pinili rin umano niya ang mas malaking sasakyan dahil sa kanyang dalawang anak.


Ibinahagi rin ni Buboy ang pagkakaroon niya ng lumang kotse noon na sa katagalan ay tuluyan nang bumigay.


Sa pagkuha ng panibagong service ni Buboy para sa kanyang pagpasok sa Eat Bulaga, tila pinatutunayan niyang walang katotohanan ang isyu na nagresign na siya sa Eat Bulaga.


Samantala, narito naman ang mga komento ng netizens sa pagkakaroon ng panibagong sasakyan ni Buboy Villar.


"Congratulations Buboy. Sobrang deserved mo yan. Kung tutuusin ang simple mo nga eh, oo mahal ang sasakyan pero compare sa iba na bumibili. Sayo is may purpose, for family at magagamit mo sa trabaho. Stay down to earth, boy. Marami ka pang blessings na makukuha."


"Congrats buboy sa new car!!! Deserve mo yan at of course kailangan mo yan sa work mo. I admire you kase responsable kang ama at mabuti kang anak. I also admire you kase napakatalented mo. Magaling ka magpatawa, kumanta, sumayaw, laging give na give kaya gusto kita pinapanood lalo na pag kayo ni faith at jelai."


"Tatagan mo loob mo sa mga bashers. Lets pray na sana malinawan sila at itigil na yung pang bash sa inyo. Sana marealize nila na nagtatrabaho ka lang. wala ka naman illegal na ginagawa. Ipagpatuloy mo lang maging mabuti, masipag, mahusay sa trabaho, at pagdadasal. Kapit lang. keep on vlogging. I watch your vlogs. U look kinda sad on this vlog. Cheer up, pagsubok lang yan, bok. Kaya yan!"


"Congratulations buboy  deserve mo yan ,don't mind the bushers  ,Basta Gawin mo lng Ang Tama gud luck  sa lahat ng mga ginagawa mo ,stay blessed"




Isang Noontime Tv Host Nagresign Na Nga Ba?

Walang komento


 Naging mainit na usapin sa social media ang umano'y pagreresign ng isang noontime TV host dahil sa labis na pambabatikos na natatanggap online.


Isiniwalat mismo ang balitang ito ng isang mapagkakatiwalaang source, ayon dito nagresign na ang bagong host ng Eat Bulaga na si Buboy Villar dahil sa labis na kahihiyan at pambabatikos mula sa mga netizens.


Matatandaan na umani ng samu't-saring pambabatikos kay Buboy Villar ang pagkakakilala ng ilang mga netizens na tauhan at kilalang personal ni Buboy ang isang contestant na nanalo sa Pinaka segment ng It's Showtime.


Ayon sa mga ito, scripted ang nasabing segment ng Eat Bulaga dahil right hand ni Buboy ang nasabing contestant sa isa sa kanyang Paresan Business.


Samantala, nagbigay na ng pahayag ang kampo ni Buboy Villar at pinabulaanan ang isyung umalis na siya sa Eat Bulaga. Mismong kaibigan at staff ng show ang nagsasabing walang basehan ang isyu dahil patuloy pa rin ang pagiging host nito sa Eat Bulaga.


Gayunpaman, hindi pa rin nawawala o naiibsan man lang ang natatanggap na pambabatikos ni Buboy Villar at iba pang mga bagong hosts ng Eat Bulaga.


Hiling ng maraming televiewers at ilang mga netizens na baguhin ng TAPE Inc. ang pamagat ng kanilang show at huwag gamitin ang pamagat na Eat Bulaga na pinasikat ng TVJ.


Samantala, marami naman ang nagsasabing pabayaan na lamang ang mga bagong hosts ng show sa paggawa ng kanilang trabahong magpasaya ng mga manonood.


May mga nagsasabi pang hindi na umano ngayon boring ang Eat Bulaga hindi katulad ng dati, ipinunto pa ng iba na hindi lamang ang TVJ ang nagpasikat sa Eat Bulaga.


"Sa true lang tayo! Mas masaya ang EAT BULAGA ngayon. Hindi nakakaantok, hindi boring! Mas malalaki pa ang papremyo! Buti nalang hindi pinigilan ng GMA ang TVJ!"


"This may come as a shocker to some of you 👀 but TVJ are not the ONLY hosts of Eat Bulaga. 🤯 


EB has had over 200 hosts and co-hosts in 44 years. Many of which began their careers on the show when they were given the time, chance and opportunity to shine"




Kylie Padilla Muling Pagbubuntis Kay Aljur Hindi Matanggap Ni Aj Raval!....

Walang komento


 Hanggang ngayon ay trending parin at pinag-uusapan sa social media ang di umanoy pagbabalikan ng dating mag-asawang sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.


Na ayon pa sa mga kumalat na balita na muli daw umanong nabuntis si Kylie Padilla sa third baby nila ni Aljur Abrenica.


Kaya naman labis na ikinagulat ng madla ang muling pagsasama ng dalawa.


Nag kabalikan at nakabuo daw umano ang dalawa, dahil nitong mga nakaraan lamang daw ay madalas na kasing dumadalaw ang actor kaina Kylie at sa kanyang mga anak.


Pero doon na daw natutulog itong si Aljur dahil hindi na daw pinapayagan ng mga anak ni Kylie na umalis naman daw ulit ang kanilang ama dahil sa sobrang namimiss na nila ito.


Kaya naman napilitang doon na laging natutulog si Aljur, at doon nga ay muling nanumbalik ang dating pagtitinginan ng dating magkarelasyon kaya naman nakabuo sila ng isang angel.


Ngunit ng malaman daw ito ni Aj Raval ay nagalit daw ito at hindi matanggap ang ginawang pangloloko umano ni Aljur sa kanya.


Kaya naman nagsisisi daw si Aj na pinayagan niya na bumisipa pa itong si Aljur kaila Kylie at sa mga anak nito. 


Dahil ang buong pag-aakala lang naman daw niya ay magkaibigan nalang ang mga ito.




Nanalo Sa Eat Bulaga, Si Bossing Parin Ang Naalalang Pasalamatan!..

Walang komento


Trending ngayon sa social media ang isang jeepney driver na nanalo ng 10,000 pesos sa revamp version ng Eat Bulaga na kung saan ay ang pinasalamatan ng nasabing driver ay ang dating mga host ng Eat Bulaga na sina Tito, Vic at Joey.


Sa bagong segment ng Eat Bulaga na G-sa Gedli ay tinanong ni Dating Mayor Isko Moreno ang na nalong Jeepney driver kung anu ang masasabi nito matapos nitong mabiyayaan ng 10,000 pesos.


Ngunit ang nasambit at napasalamata ng nasabing jeepney driver ay ang mga original host ng Eat Bulaga na ang iconic trio ang TVJ.


Saad nito, "Maraming-maraming salamat po sa Eat Bulaga, lalo na kila Tito, Vic at Joey."


Kaya naman dahil sa pangyayaring ito ay agad naman na inulan ng katatawanan ang nasabing bagong segment ng Eat Bulaga.


At sinabi ng karamihan na kahit anong mangyari ay hindi na maaalis sa pusot at isipan ng sambayanang Pilipino na ang TVJ ang kinikilalang mga original host sa Eat Bulaga.


Hindi naman naging malinaw kung nagkamali lang ba ang nasabing jeepney driver o talagang sinadya niyang sabihin iyun.


Gayun paman ay inulan naman ng mga papuri ang ginawa ng nasabing driver na iyun.


Samantala, mayroon ding mga netizens na kinabiliban ang pagiging professional ni Isko Moreno ng maaktuhan niya ang tila awkward moment na iyun.


Matapos kasi na pinasalamatan ng nasabing Jeepney Driver ang TVJ ay sinang-ayunan pa mismo ito ni Isko Moreno.


At sinabi niyang, "Oh yun Tito, Vic and Joey! Yun ang mga nakasama natin noong araw. Hindi natin makakalimutan."


Samantala, narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens, "Napaka sport talaga ni Yorme! Solid kasi ang Eat Bulaga eh."


"Iba talaga ang original Eat Bulaga nakatatak na kasi sa isip ng tao ang talagang original TVJ at solid Dabarkads."


"Hehehe solid Dabarkads ka talaga kuya! Alam niyo na? Kahit pumalit pa kayo, TVJ padin ang tatak sa isipan ng tao."




 

SB19 Naniningil Na Sa Pagpapatugtog Ng Kanilang Kanta Sa It's Showtime

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang naging pahayag ni Vice Ganda patungkol sa pagbabawal sa kanila ng SB19 na ipatugtog ang kanilang kanta sa It's Showtime.


Sa isang episode ng It's Showtime, hinamon ng isang contestant na makipag TikTok dance showdown sa kanya si Jhong Hilario.


Ni request pa ng contestant na ang sikat na kanta ng SB19 ang kanilang gamitin, ang Gento.


Subalit, hindi ito naipatugtog dahil pinagbabawalan na umano sila ng SB19 dahil kung ipapatugtog ang kanilang kanta sa show ay maniningil na sila ng Royalty Fee.


Hindi naman ito nagustuhan ni Anne Curtis at sinabing magandang promotion para sa kanta nila ang paggamit sa kanilang show.


Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa netizens may mga nagsasabing sunusobra naman ang mga pahayag ng It's Showtime host at sinasabing pinapalabas ng mga ito na mga mukhang pera ang SB19.


Gayunpaman, may mga madlang pipol pa rin na nagsasabing tama naman ang naging pahayag ni Anne Curtis na isang good promotion para sa kanilang kanta ang pagpapatugtog sa It's Showtime.


"Daming naoffend sa reaction nila Vice at Ann sa showtime about don sa bawal na ipatugtog ang GENTO ng SB19. Nagmumukhang pera daw ang sb19 dahil sa choice of words nila vice. Di naman siguro intension nila yun mali lang talaga interpretation ng iba. Kasi ako gets ko bakit bawal."


"Yan ang gusto ng madlang people as requested...gusto nila ng Gento @itsShowtimeNa ...akala ko ba nakikinig kau sa audience nyo? Yan ang gusto bakit di ibigay."


"Pero what else is new for their management na rampant ang cancel culture. Mamayagpag pa rin ang Mahalima, remember, the more barda, more blessings. And ang mga anay, mapapahiya."


"Ang dami mo rin maiisip na ang management mismo ang me ayaw dahil nag promote ng ibang groups. For them to BAN the song entirely is really something, and negative na sabihin yung binabayaran na kasi, unethical para sa mga artist yan. Nakaka-trigger ito! "


"Sayang, Tama nmn c Anne Curtis good promo sana napapatugtog kanta sb19 s mga show...kumbaga free advertise yun..."



Confirmed! Eat Bulaga at It's Showtime Mag Cocollab?

Walang komento


 Sa paglipat ng TVJ at iba pang mga Dabarkads sa TV5 matapos ang kanilang paglisan sa TAPE Inc. nitong May 31, 2023.


Marami sa mga netizens ang naku-curious kung saan isisingit ng TV5 ang magiging show ng TVJ gayung hawak ng Its' Showtime ang noontime slot ng nasabing network.


May naglabasan pang mga ulat na ililipat umano ang It's Showtime sa delayed telecast at ibibigay sa TVJ ang dating timeslot nila sa tanghalian.


Marami naman ang hindi sang-ayun sa magiging panibagong timeslot ng It's Showtime dahil parang labis naman umano ang pagpapabor ng TV5 sa mga dating host ng Eat Bulaga sa TAPE Inc.


Samantala, may mga naglabasan namang ulat na magkakaroon umano ng collaboration sa pagitan ng Eat Bulaga at It's Showtime lalo na't nasa iisang network na sila.


Magtutulungan na umano ang dalawang dating magkatapat na show sa pagbibigay ng saya sa tuwing tanghali para sa lahat ng mga Dabarkads at Madlang Pipol.


Samantala, hindi pa naman malinaw sa ngayon kung ano nga ba ang susunod na mangyayari sa dalawang show sa TV5 na parehong nababagay sa noontime timeslot.




Buboy Villar Nag-Resign Na Sa Eat Bulaga!...

Walang komento

 


Tv host Comedian na si Buboy Villar hindi kinaya ang pambabatikos sa kanya ng netrizens kaya nagdisesyon na iwan na din ang Eat Bulaga.


Ito nga ang pinakabagong update hinggil sa issue ng Eat Bulaga.


Matatandaang nitong kamakailan lang ng mag-viral si Buboy Villar sa Eat Bulaga, ito ay dahil sa pagtanggap niya ng offer sa kanya ng mga Jalosjos na maging isa sa kapalit ng TVJ sa pagiging host ng Eat Bulaga.


Makalipas naman ang ilang araw ay mas lalong nakatanggap ng pambabatikos si Buboy Villar.


Dahil sa ginawa niya umanong pandaraya sa show, sa isa kasing segment ng show ay maynanalong contestant sa pacontest nina Buboy at Paolo.


Mabilis na nag viral ang nasabing video clip na ito ng show dahil napag-alamang ang contestant na iyun ay kakilalang lubos ni Buboy Villar dahil assistant niya umano ito sa kanyang tindahan.


Ngunit sa pagkakataong iyun ay nagkonwari si Buboy na first time niya lang nakilala ang contestant na iyun, pero ang totoo ay close na close talaga sila.


Kaya naman nagresulta ito sa walang humpay na pambabatikos ng mga netizens kay Buboy Villar.


At dahil nga dito ay tila hindi na nga niya kinaya pa ang pambabatikos na kanyang natatanggap mula sa mga netizens.


Kaya nag disesyon nalang siya na umalis nalang sa Eat Bulaga, dahil pag hindi pa siya umalis dto ay tiyak na masisira ng lubos ang kanyang magandang imahe sa showbiz.






Sikat Kapamilya Star Na Pinasikat Ng ABS-CBN Napanood Na Sa Gma Network Show!

Walang komento


Sikat at loyal na kapamilya star na pinasikat ng ABS-CBN napanood na sa show ng GMA 7 at posibleng magsama raw sa kanyang naging mahigpit na karibal noon.


Maraming mga fans ang natuwa ng muli nilang mapanood sa telebisyon ang kanilang idulo.


At isa din daw sa maituturing na malaking karangalan para sa King Of Talk na si Boy Abunda ang pagpapaunlak ni Judy Ann Santos sa kanyng imbitasyon dito.


Na maging guest ito sa 100 episodes ng kanyang show na Fast Talk with Boy Abunda GMA7 nito lamang Martes ng Hapon June 13.


Isa sa mga naging mainit na topic nila ay ang tanong ni Boy Abunda na posible ba daw na magsama sina Juday at Claudine Barretto na itinuturing noon na pinakamahigpit na magkaribal sa larangan ng pag-arte.


Sagot naman ni Juday sa tanong sa kanya ni Boy Abunda ay, "We never really had the chance to be close nung mga bata pa kami because star magic siya and I have tito Alfie Lorenzo with me."


"Palagi kaming nakatapat sa isa't isa and I guess it's a very healthy cpmpetition back then."


Pagpapatuloy niya pa, "Ako naniniwala hanggang ngayon, there's a always need for you to have competition para alam mo kung saan mo pa puweding itaas yung sarili mo. Saan kapa puweding mag-improved."


"We're very good friends, We're akay, we never just had the chance to go out ang be really closed."


Dagdag pa niya, "A project with Claudine of course why not? I think hindi naman dahil sa hinihingi ng mga tao, but I think it would be a interesting projects."


"It could be something na sana puwede pala siyang mangyari noon or baka tamang ito ang panahon para magkasama kami kasi pariho na kaming may mga anak. Iba na ang ihip ng hangin kumbaga."


Paniniwala niya, "I bilieve na for me and claudine to do a project, this is I think the very perfect moment. Why? Because kalmado at payapa ang lahat."




 



 

Tape Inc. at Jalosjos Talo Na? Titulong "Eat Bulaga"Hindi Na Pwede Gamitin

Walang komento


 Mainit ngayong pinag-uusapan sa ilang mga social media plaforms at mga entertainment portals ang patungkol sa pagkaka expire ng trademark sa Eat Bulaga na hawak ng mga Jalosjos.


Gayunpaman, maari pa rin umano nila itong irenew sa Intellectual Property Office.


Samantala, isiniwalat ng isang vlogger na magpahanggang ngayon ay nakapending pa rin ang inapplyan ni Joey De Leon na trademark for entertainment ng Eat Bulaga.


Nakapending pa umano ito dahil noong nag-apply ang TVJ ay hindi pa nag-eexpire ang naunang inapplyan ng TAPE Inc.


Sa kabilang banda, tila wala namang dapat na ipag-aalala ang mga TVJ fans dahil sila ang may karapatan na gamitin ang Eat Bulaga dahil sila naman ang unang nagpasikat rito.


Sa kabilang banda, hindi pa rin malinaw kung may aatras nga ba sa dalawang kampo at magpapabaya sa paggamit ng Eat Bulaga title.


Samantala narito naman ang komento ng ilang mga netizens.


"Kuya pareho silang walang license sa section.41 or trade mark sa entertainment. Although si joey ay nag file nang application sa section.41 but still pending application. Pero  ang license na expired today nang tape ay for merchandize only not section.41 or entertainment. Ang tape ay wala talagang application nang section.41 for entertainment."


"Yung viral jeepney driver nga nga si Mayor isko at buboy naging tulonngges sila tuloy"


"Dapat ang mayor busy yan kasi sa lugar niya. Panawagan sa DILG na imbestigahan si mayor bulet kung nagpapabaya sa trabaho niya kasi busying busy siya na umaagaw sa eat bulaga"


"Kahit umire yang fake eat bulaga minoto minoto hindi namin panoorin yan at kahit mag iba na mg tittle ang TVJ sila parin ang panonoorin namin."




Cristy Fermin, May Malaking Pasabog Patungkol Sa Trademark Ng Eat Bulaga

Walang komento


 Ipinasabog ng veteran showbiz Columnist na si Manay Cristy Fermin sa kanyang vlog kung sino talaga ang siyang nagmamay-ari ng trademark ng Eat Bulaga.


Sa kamakailang vlog nina Manay Cristy Fermin, natalakay nila ang pagbabawal ng mga Jalosjos na dalhin ng TVJ ang titulo at logo ng Eat Bulaga dahil ipinagdidiinan nilang sila ang may karapatan rito.


Subalit, ayon kay Manay Cristy Fermin, expired na ang hawak na trademark ng mga Jalosjos at isa pa, merchandising lamang ang hawak nilang trademark at hawak naman ng TVJ partikular na ni Joey De Leon ang entertainment trademark ng Eat Bulaga.


Binalikan pa ni Manay Cristy Fermin ang pahayag ni Bullet Jalosjos na sasampahan niya ng kaso ang sinuman na gagamit sa titulo ng Eat Bulaga. Kaya naman ayon kay Manay Cristy dapat na kasuhan ng mga Jalosjos ang kanilang mga sarili dahil sila ang gumagamit ng illegal na paggamit nila ng Eat Bulaga title.


Dagdag pa ni Manay Cristy Fermin na madadala rin ng mga Eat Bulaga hosts maging ang kanilang segments na sila mismo ang nakaisip.


Samantala, ayon sa mga naglabasang mga ulat, inuumpisahan na ng TV5 ang renovation ng dalawang studio na pinag-isa para mas mapalaki ang studio ng mga Dabarkads.


Sa darating na July, magsisimula na ang panibagong show ng TVJ sa TV5. Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, Eat Bulaga pa rin ang magiging pamagat ng show ng TVJ sa panibago nilang tahanan.


Sa ngayon ay sunod-sunod na ang paglalive broadcast ng mga Dabarkads para magbigay ng update sa kanilang upcoming show.




Umpisa Na TVJ at Dabarkads Tinalo Na Ang Eat Bulaga Ng Mga Jalosjos Sa GMA7

Walang komento


Nagbabalik nang muli ang TVJ sa pagbibigay ng saya sa tuwing tanghalian. Kani-kanina lamang ay namatataan na sabay-sabay na nagsidatingan ang TVJ sa panibago nilang studio sa TV5.


Makikita pa sa kanilang mga mukha ang excitement sa mga mangyayari ngayong araw. Bago pa man sila dumating sa studio ay nauna na roon ang iba pang Dabarkads.


Nauna nang ipinasilip sa social media page na TVJ ang kalagayan sa loob ng panibagong tahanan ng mga original Eat Bulaga host.


Tila may nagaganap na salo-salo roon dahil may pa catering sa loob. Masisilip rin ang masaya nilang kaanyuan sa maaring i-aanunsyo nila ngayon sa publiko.


Samantala, marami naman ang nag-iisip na ito ang pinakahihintay ng marami na tatapatan na ng TVJ ang dati nilang programa at show na Eat Bulaga na kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga Jalosjos.


Matatandaan na nauna nang naiulat na sa darating na buwan pa magsisimula ang kanilang show sa TV5 na Eat Bulaga rin ang pamagat.


Gayunpaman, mapapansin na sa tuwing papatak ang tanghali ay magla-live stream ang kanilang social media page na TVJ. Hinuha ng mga netizens na ito na ang hakbang ng dating Eat Bulaga hosts na tapatan ang dati nilang show.


Mapapansin naman sa mga views ng live nila na mas malaki ito sa nakukuha ng live views sa Eat Bulaga.



Pokwang, Nag File Ng Deportation Laban Kay Lee O'Brian!

Walang komento


 Komedyanteng si Pokwang nag file ng deportation laban sa kanyang dating asawang si Lee O'Brian.


Matatandaang halos dalawang taon na ngang hiwalay si Pokwang kay Lee O'Brian at na puno ng kuntrobersyal na issue ang pagtatapos ng kanilang relasyon.


Katunayan nga ay saksi ang publiko sa mga rebelasyon at banat niya sa kanyang dating ka live-in partner na si Lee O'Brian.


Matatandaan ding noong February 2023 ay inilantad niya na mayroong bagong babae na si Lee O'Brian.


At mula nga noon ay maka ilang beses na nga niyang pinatotsadahan si Lee O'Brian, dahil sa sobrang sama ng loob at hindi niya matanggap ang kanilang paghihiwalay at sa hindi nito pagsusustento sa kanilang limang taong gulang na anak na si Malia.


Noong buwan ng Marso naman ay nagpahayag si Pokwang sa publiko na inaayos na niya ang mga papilis, para tanggalin ang apelyedo ni Malia na O'Brian at palitan ito ng kanyang apelyedo na Subong.


Kasunod naman nito ang tila pagtuloy ni Pokwang sa balak niya na sampahan ng kaso ang kanyang dating live-in paertner na si Lee O'Brian.


Ito ay matapos siyang magpost sa kanyang Instagram account, at makikita sa kanyang ibinahaging post ay kasama niya dito ang kanyang abogadop na si Atty. Ralph Kalinisan.


Dahil siya pala ay nakipagkita rito, at kapansin-pansin ding ang kanyang makahulogang caption sa kanyang ibinahagingpost dito.


Caption niya, " 🙏🏼 para sa karapatan ko at ng anak ko, para sa mga kapwa ko babae at sa bayan ko 🙏🏼"


Samantala, agad naman itong umani ng iba't ibang mga reaksyon at komento mula sa mga netizens.





🙏🏼 para sa karapatan ko at ng anak ko, para sa mga kapwa ko babae at sa bayan ko 🙏🏼

Mga Artista NagReact Na Sa Ginagawa Ni Pokwang Sa Dating Kinakasama Na Si Lee O'Brian

Walang komento


Tuluyan nang nagsampa ng reklamo ang komedyanteng si Pokwang laban sa dati niyang kinakasama na si Lee O'Brian.


Kahapon, sinamahan mismo si Pokwang ng kanyang abogado na si Atty. Ralph Calinisan sa Bureau of Immigration para magsampa ng kaso at tuluyan nang ipapadeport pabalik sa Amerika si Lee O'Brian.


Sina Lee O'Brian at Pokwang ay nagsama ng ilang taon, nabibiyayaan naman sila ng isang anak na si Malia O'Brian. Subalit hindi naging maayos ang kanilang pagsasama at tuluyan nang naghiwalay noong 2021.


Ayon kay Pokwang base sa kanyang Instagram post, ginawa lamang niya ito para ipaglaban ang kanyang karapatan at ang karapatan ni Malia at maging ng iba pang babae sa lipunan na may kaparehong sitwasyon sa kanya.


"para sa karapatan ko at ng anak ko, para sa mga kapwa ko babae at sa bayan ko," caption ni Pokwang sa kanyang Instagram post.


Naging emosyunal din si Pokwang sa naging panayam sa kanya ng TV5 reporter na MJ Malfori matapos maipasa ni Pokwang ang kanyang petisyon.


"Sana'y mabigyan ng leksyon ang mga taong umaabuso sa batas natin sa karapatan ng mga babae, ng bawat nanay," emosyunal na pahayag ni Pokwang.


Isiniwalat din ni Pokwang ang naranasan niyang mental abuse dahil sa hindi pagtupad ni Lee O'Brian sa mga responsibilidad sa kanila ng anak nilang si Lee.


Kaya naman, mas matatahimik lamang umano si Pokwang kung makakaalis at wala na sa bansa si Lee.


Dahil dito nagreact na ang ilan sa mga kaibigan at kasamahan ni Pokwang sa showbiz industry sa bansa.


Marami sa mga ito ang sumusuporta sa bawat hakbang ni Pokwang at sa desisyon nito para kay Lee O'Brian.


"Ang dami mong prayer warriors in full force Sis! God is with you."


"Buong-buo ang suporta at dasal ko for you and Malia, Mare "


"Saludo sayo mamang sa paninindigan at hindi pagsuko kahit andaming epal sa mundo! Haha! God bless you and your fam"


Samantala hindi naman nakaligtas si Pokwang sa mga pambabatikos mula sa mga netizens na nagsasabing dapat na siyang magmove on.




Please Pray for Marlou Arizala a.K.a Zander Ford.

Walang komento

Martes, Hunyo 13, 2023

 


Xander Ford isinugod sa hospital matapoos mangyari ang bagay na hindi niya inaasahan.


Isa kasi si Marlou Arizala a.k.a Xander For sa kumasa sa takobomb Challenge ng Taragis.


Ayon nga sa napagkasunduan, tatanggap si Xander Ford ng halagang 200,000 pesos kapalit ang pagkain niya ng isa hangagang labing isang takoyaki na naglalaman ng Carolina reeper ang pinaka maanghang na sili sa buong mundo.


Ibinahagi din ng Page na iyun ang isang kasulatan na hindi mananagot ang owner kung anu man ang mangyari kay Xander Ford.


Nakalagay sa kasunduan na nilagdaan ni Xander Ford, "Ako po si Marlou Arizala a.k.a Xander Ford."


"At kusa po akongk nag presinta na sumali sa palaro ng Tagaris, takoyaki na TAKOBOMB CHALLENGE kapalit ng 200,000 pesos."


"Kung saan kakain ako ng isa hanggang labing isang takoyaki na naglalaman ng carolina repper ang pinakamaanghang na sili sa buong mundo."


"At akoy pumirma dito ng kusang loob at walang pilitan, kung anu man ang mangyari sa akin ay walang pananagutan ang kumpanya ng Tagaris at ang owner nito na si Carl Qiuon."


Kalakip din sa kasunduang ito ang mga posibleng mangyari sa isang tao sakaling sumali sa challenge na ito. At makikita din dito ang tatlong pirma ni Xander Ford.


Samantala, makikita nga sa actual video ng pagkasa ni Xander Ford sa challenge na ito ay buong pagmamaliki niyang sinabi na basic lamang daw ang Takobomb challenge na ito.


Makikita naman sa Video na tila pinatunayan naman n Xander Ford ang kanyang sinabi dahil sa unang pagkain niya ng takoyaki ay tila wala manlamang itong naging epekto sa kanya.


Ngunit makikita sa pangalawang subok ni Xander Ford na dito na siya bumigay at hindi na niya kinaya ang sobrang anghang nag pagkain niya ng takoyaki.


Makikita din ang pagluha ng kanyang mga mata at ang pagpula ng kanyang mukha dahil sa sobrang anghang ng carolina repper na siyang ang pinakamaanghang na sili sa buong mundo.


Matainding anmghang nga na naramdaman ni Xander Ford ay napa hilam-os pa siya ng kanyang mukha at napa inum ng softdrinks.


Hanggang sa nangyari na nga ang ikinabahala ng karamihan, agad namang isinugod sa hospital si Xander Ford matapos na hindi kinaya ang sobrang anghang ng kanyang kinain.


Dahilan upang atakihin ito ng kanyang heka, kaya minabuti ng Taragis na isugod agad si Xander Ford sa pinakamalapit na hospital dahil tila hirap na din umano itong huminga.








Belle Mariano Binati Sa Social Media!....

Walang komento

 


Ang sweet ng Birthday message ng tatay ni Donny Pangilinan para sa actress na si Belle Mariano, Nagpasalamat ng ang tatay ni Donny sa suporta at atensyon na ibinibigay ni Belle para sa kanila.


Aniya, "Happy Birthday Belle, thank you for all support and care you blessed us with. May God grant you all the desired of your heart."


Kaya naman ayon sa maga fans nila na tama naman talaga na malaking blessing si Belle sa boyfriend nitong si Donny Pangilinan.


At ganun din naman sa kay Belle na makaing blessing din si Donny sa kanyang buhay.


Lalo na malaking blessing din ang DonBelle sa kanilang mga fans na talagang kinikilig sa tambalan ng dalawa. 


Tulad nga  daw ngayon na ready na nga sila sa kanilang serye na Can't Buy Me Love.


Pahayag ni Belle sa Tv Patrol, "We are doing in preparations na, we read the whole story na ang we are excited the show case this different serye naman from what previously done."


At sa ngayon ay todo paghahanda na din si Belle sa kanyang darating na concert  ngayong July.


Aniya, "Magkahalong kaba at excited ang binuno ko for this concert."


Sa ngayon ay sold out na nga ang mga VIP tickets sa kanyang solo concert.


Marami nga ang bumati sa kaarawang ng singer actress tulad nalang ng kanyang mga kasamahang artista sa showbiz, mga fans at ibang mga politiko na nakakakilala sa kanya.









Buboy Villar Nagbigay Na Ng Pahayag Sa Isyung Pagreresign Niya Sa Eat Bulaga

Walang komento


 Nagsalita na ang kampo ni Buboy Villar sa isyung nagresign na ito sa rebranded Eat Bulaga.


Ayon sa kanilang inilabas na pahayag, walang katotohanan ang mga ibinalita ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin na nagresign na si Buboy Villar sa pagiging host ng Eat Bulaga.


Matatandaan na ipinahayag ni Cristy Fermin na nagresign na si Buboy Villar sa Eat Bulaga. Pumayag naman umano ang TAPE Inc. sa desisyon na ito ni Buboy subalit hindi pa siya maaring umalis dahil naghahanap pa umano ng papalit ang mga Jalosjos.


Ayon pa umano sa isang source ni Manay Cristy Fermin isa sa dahilan ng  pag-alis ni Buboy ay ang kahihiyan na idinulot nito sa show sa pagpapasali sa kanyang tauhan sa isang segment ng Eat Bulaga.


Agad naman itong pinabulaanan ng mga malalapit kay Buboy Villar at mga staff ng Eat Bulaga. Ayon sa kanila, hindi totoo ang balitang aalis sa show si Buboy Villar. Tuloy-tuloy pa rin ito sa pagbibigay umano ng saya at tuwa sa tuwing tanghalian.


Samantala, sa kamakailang episode ng Showbiz Now Na muling binalikan ni Cristy Fermin ang isiniwalat niyang pagreresign ni Buboy Villar dahil marami na rin umanong nagtatanong sa kanya ng update.


Muli, pinanindigan ni Manay Cristy Fermin na aalis pa rin sa show si Buboy Villar at naghihintay laman ito sa papalit sa kanya.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo