Ellen Adarna Nakakaranas Ng Depression

Miyerkules, Hunyo 14, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat na ng dating actress na si Ellen Adarna na may isang mabigat siyang desisyon na kamakailan lamang niya ginawa.


Matapos ang mahabang panahon, tuluyan nang itinigil ni Ellen Adarna ang kanyang kahuli-hulihang bisyo sa loob ng 17 years.


Ayon kay Ellen Adarna, ang kanyang desisyon ay ginawa niya bilang paghahanda sa plano nila ng kanyang asawa na si Derek Ramsay na magkaroon ng anak.


Samantala, sobrang saya naman ni Derek Ramsay sa desisyon ni Ellen at ipinahayag pa niyang isang answered prayers ang desisyon ni Ellen Adarna.


Gayunpaman, isiniwalat ni Ellen na nararamdaman niya ngayon ang side effects ng kanyang pagtigil sa pagvi-vape. Isa na rito ang pagiging depressed.


“Low days, I do, but depressed, now, I feel depressed now. Because for one reason and I know, because of the vape, I feel low,” pag-amin ni Ellen.


Isiniwalat din ni Ellen na bukod sa pagiging depressed mentally at emotionaly, nagsisimula na din itong magpakita ng physical side effects habang itinuro niya ang tila isang maliit na bukol sa loob ng kanyang ibabang eyelid.


Gayunpaman, sinabi at positibo si Ellen na maging maayos din ang kanyang pakiramdam matapos ang ilang araw.


“But I'll get through this. I'll get used to it. I'm giving myself two days to feel off after two days I'll snap out of it, I'll snap myself out by then.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo