Pokwang, Nag File Ng Deportation Laban Kay Lee O'Brian!

Miyerkules, Hunyo 14, 2023

/ by Jerome


 Komedyanteng si Pokwang nag file ng deportation laban sa kanyang dating asawang si Lee O'Brian.


Matatandaang halos dalawang taon na ngang hiwalay si Pokwang kay Lee O'Brian at na puno ng kuntrobersyal na issue ang pagtatapos ng kanilang relasyon.


Katunayan nga ay saksi ang publiko sa mga rebelasyon at banat niya sa kanyang dating ka live-in partner na si Lee O'Brian.


Matatandaan ding noong February 2023 ay inilantad niya na mayroong bagong babae na si Lee O'Brian.


At mula nga noon ay maka ilang beses na nga niyang pinatotsadahan si Lee O'Brian, dahil sa sobrang sama ng loob at hindi niya matanggap ang kanilang paghihiwalay at sa hindi nito pagsusustento sa kanilang limang taong gulang na anak na si Malia.


Noong buwan ng Marso naman ay nagpahayag si Pokwang sa publiko na inaayos na niya ang mga papilis, para tanggalin ang apelyedo ni Malia na O'Brian at palitan ito ng kanyang apelyedo na Subong.


Kasunod naman nito ang tila pagtuloy ni Pokwang sa balak niya na sampahan ng kaso ang kanyang dating live-in paertner na si Lee O'Brian.


Ito ay matapos siyang magpost sa kanyang Instagram account, at makikita sa kanyang ibinahaging post ay kasama niya dito ang kanyang abogadop na si Atty. Ralph Kalinisan.


Dahil siya pala ay nakipagkita rito, at kapansin-pansin ding ang kanyang makahulogang caption sa kanyang ibinahagingpost dito.


Caption niya, " 🙏🏼 para sa karapatan ko at ng anak ko, para sa mga kapwa ko babae at sa bayan ko 🙏🏼"


Samantala, agad naman itong umani ng iba't ibang mga reaksyon at komento mula sa mga netizens.





🙏🏼 para sa karapatan ko at ng anak ko, para sa mga kapwa ko babae at sa bayan ko 🙏🏼

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo