Buboy Villar Nakabili Kaagad Ng Panibagong Sasakyan

Miyerkules, Hunyo 14, 2023

/ by Lovely


 Masayang ibinahagi ng panibagong host ng Eat Bulaga na si Buboy Villar ang kanyang panibagong milestone sa social media.


Masayang ipinasilip ni Buboy Villar ang bagong bili niyang sasakyan na gagamitin umano niya araw-araw pagpunta niya sa trabaho.


Sa labis na tuwa, panay ang pagpapakuha ng litrato ni Buboy sa tabi ng kanyang sasakyan.


Ayon kay Buboy Villar, motor ang ginagamit niyang sasakyan sa pagpunta niya sa Eat Bulaga studio subalit para sa kanya mas maganda na kotse na ngayon ang kanyang gagamitin. Nahihirapan din umano siya sa pagmomotor dahil kailangan niyang makarating sa oras sa Eat Bulaga, umulan man o umaraw.


Malaki rin ang pasasalamat ni Buboy Villar sa lahat ng kanyang mga tagahanga na walang sawang sumuporta sa kanya.


Pagbabahagi pa ni Buboy na nakapag-ipon siya noong nakaraang mga taon mula sa kanyang mga projects kaya naman ngayon ay nakabili na siya ng mas komportableng mode of transportation.


Pinili rin umano niya ang mas malaking sasakyan dahil sa kanyang dalawang anak.


Ibinahagi rin ni Buboy ang pagkakaroon niya ng lumang kotse noon na sa katagalan ay tuluyan nang bumigay.


Sa pagkuha ng panibagong service ni Buboy para sa kanyang pagpasok sa Eat Bulaga, tila pinatutunayan niyang walang katotohanan ang isyu na nagresign na siya sa Eat Bulaga.


Samantala, narito naman ang mga komento ng netizens sa pagkakaroon ng panibagong sasakyan ni Buboy Villar.


"Congratulations Buboy. Sobrang deserved mo yan. Kung tutuusin ang simple mo nga eh, oo mahal ang sasakyan pero compare sa iba na bumibili. Sayo is may purpose, for family at magagamit mo sa trabaho. Stay down to earth, boy. Marami ka pang blessings na makukuha."


"Congrats buboy sa new car!!! Deserve mo yan at of course kailangan mo yan sa work mo. I admire you kase responsable kang ama at mabuti kang anak. I also admire you kase napakatalented mo. Magaling ka magpatawa, kumanta, sumayaw, laging give na give kaya gusto kita pinapanood lalo na pag kayo ni faith at jelai."


"Tatagan mo loob mo sa mga bashers. Lets pray na sana malinawan sila at itigil na yung pang bash sa inyo. Sana marealize nila na nagtatrabaho ka lang. wala ka naman illegal na ginagawa. Ipagpatuloy mo lang maging mabuti, masipag, mahusay sa trabaho, at pagdadasal. Kapit lang. keep on vlogging. I watch your vlogs. U look kinda sad on this vlog. Cheer up, pagsubok lang yan, bok. Kaya yan!"


"Congratulations buboy  deserve mo yan ,don't mind the bushers  ,Basta Gawin mo lng Ang Tama gud luck  sa lahat ng mga ginagawa mo ,stay blessed"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo