Umpisa Na TVJ at Dabarkads Tinalo Na Ang Eat Bulaga Ng Mga Jalosjos Sa GMA7

Miyerkules, Hunyo 14, 2023

/ by Lovely


Nagbabalik nang muli ang TVJ sa pagbibigay ng saya sa tuwing tanghalian. Kani-kanina lamang ay namatataan na sabay-sabay na nagsidatingan ang TVJ sa panibago nilang studio sa TV5.


Makikita pa sa kanilang mga mukha ang excitement sa mga mangyayari ngayong araw. Bago pa man sila dumating sa studio ay nauna na roon ang iba pang Dabarkads.


Nauna nang ipinasilip sa social media page na TVJ ang kalagayan sa loob ng panibagong tahanan ng mga original Eat Bulaga host.


Tila may nagaganap na salo-salo roon dahil may pa catering sa loob. Masisilip rin ang masaya nilang kaanyuan sa maaring i-aanunsyo nila ngayon sa publiko.


Samantala, marami naman ang nag-iisip na ito ang pinakahihintay ng marami na tatapatan na ng TVJ ang dati nilang programa at show na Eat Bulaga na kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga Jalosjos.


Matatandaan na nauna nang naiulat na sa darating na buwan pa magsisimula ang kanilang show sa TV5 na Eat Bulaga rin ang pamagat.


Gayunpaman, mapapansin na sa tuwing papatak ang tanghali ay magla-live stream ang kanilang social media page na TVJ. Hinuha ng mga netizens na ito na ang hakbang ng dating Eat Bulaga hosts na tapatan ang dati nilang show.


Mapapansin naman sa mga views ng live nila na mas malaki ito sa nakukuha ng live views sa Eat Bulaga.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo