College Student Na Pumasok Na Lasing Kakasuhan Ang Guro

Miyerkules, Hunyo 14, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usap-usapan sa social media ang ginawa ng isang college student na pumasok nang lasing. Nag-eskandalo ito sa loob ng klasroom at binastos ang guro sa harap mismo ng iba pang mga estudyante.


Kumakalat pa rin ngayon ang video na kuha mismo sa loob ng classroom kung saan naganap ang nasabing insidente. 


Bigla na lamang may pumasok na isang college student sa loob ng isang senior high school class. Nais umano nitong maki sit in sa klase nang mapansin ng guro na amoy alak ito.


Agad naman umanong pinaalis ng guro ang nasabing estudyante dahil nakakaistorbo ito sa kanilang klase lalo pa't nasa kalagitnaan sila sa isang quiz, subalit naghuhurumentado na ito at sinisigaw-sigawan pa ang guro.


Una pang naging kalmado ang guro at pinapaalis na lamang ang studyante sa isang parte ng video tinawag pa niyang anak ang studyante. Ngunit hindi ito umalis at kung ano-ano pa ang sinasabi. 


Ipinagpipilitan ng studyante na hindi siya lasing at minura pa ang guro. Sa inis ng guro ay nagpatawag na ito ng guard. Hindi umano nito mapapalampas ang ginawang pambabatos ng lalaking studyante.


Samantala, may naglabasang haka-haka ngayon na nagbabalak nang magsampa ng reklamo ang nasabing estudyante at hihingi pa siya ng tulong kay Senator Raffy Tulfo dahil pinagbibintangan lamang umano siya ng guro na lasing gayung hindi naman.


Hindi naman ito nagustuhan ng mga netizens dahil ito pa umano ay may lakas ng loob na magreklamo gayung siya naman ang walang respeto.


"kahit anak ka ng presedente your still a student and kang dahilan para bastusin ang GURO ikaw pa man din college student or may mas edad ikaw immature mag isip hey .. mag isip ka... wag niyong gayahin ang pag uugali nito. mag karoon kyo tama disiplina sa pakiki usap sa guro ninyo. dhil sa FUTURE niyo aanihin lahat ng maling nagawa at nasabi nyo."


"Sa unang tingin maliit na bagay lng yan,..pero malaki magiging epekto nyan lalo na sa mga kapwa estudyante,..kulang sa desiplina yan😥 kawawa jan mga magulang, sa akala nila nagaaral ng maayos anak nila, un pla npasok man nkainum pa."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo