Andrea Brillantes, Aminadong Hindi Pa Natatanggap Nang Buo Ang Nangyaring Hiwalayan Kanila Ni Ricci Rivero!....

Miyerkules, Hunyo 14, 2023

/ by Jerome

 


Naging matapang ang mga pahayag ng actress na si Andrea Brillantes sa tuwing tatanong siya sa kanyang mga guesting sa ilang mga show.


Ito ay tungkol sa sitwasyon ng kanyang buhay pag-ibig ngayon.


Nitong nakaraang araw lamang ay naglabas na ng kanyang saloobin ang actress tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang nobyong si Ricci Rivero.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na nga si Andrea tungkol sa hiwalayan nila ng boyfriend niyang si Ricci Rivero.


Matapos na mainit na pag-usapan ito ng mga netizens sa social media.


Unang nagbahagi si Andrea ng kanyang saloobin sa noontime show na It's Showtime.


Kung saan sobrang hinangaan ang kanyang mga naging pahayag ng hindi lang mga madlang people kundi pati nadin ang mga host ng nasabing show.


Hinangaan nga ng mga ito ang pagiging matapang niya sa pagharap sa pagiging sawi sa pag-ibig na pinagdadaanan niya ngayon.


Dahil nga dito ay binigyan siya ng isang mahigpit na group hug mula sa mgg host ng nasabing noontime show.


Heto naman ang naging pahayag ni Andrea sa nasabing noontime show.


Aniya, "Swerte ako hanggat kaya ko pang magmahal, lalo na kaya kung mahalin ang sarli ko, swerte ako,."


Samantala, sa kanyang pagbisita sa Magandang Buhay ay inamin niya na hindi pa niya 100 percent na natanggap ang nangyaring paghihiwalay nila ni Ricci Rivero.


Na ayon sa actress ay naging totoo daw kasi siya sa kanyang ibinigay na pagmamahal kay Ricci Rivero, kaya hindi daw ito madaling kalimutan at pakawalan lang nagbastabasta.


Pahayag naman ng actress, "Ako po kasi, aminado po ako na since ang bago-bago pa po talaga ng lahat at naging totoo kasi sa akin ang lahat."


"Ako nagmahal ako ng totoo eh, hindi ko yun male-let go agad-agad."


"So hindi hindi ko masasabing malaya ako ng 100 percent kasi mahy mga bagay pang ayaw ko pang pakawalan at may mga bagay na pina-process ko pa, kasi ganun naman talaga."


"Normal lang naman na dapat namnamin ko tong mga feelings na to para makapag heal ako ng maayos."


Inamin din ng actress na noong una daw na lumabas ang balita tungkol sa hiwalayan nila ni Ricci Rivero ay gustong-gusto niya daw talaga na magsalita tungkol sa nangyari.


Pero mas pinili nalang daw niya ang manahimik nalang upang wala ng gulo pa. At ng hindi na humaba pa ang issue tungkol sa kanilang paghihiwalay.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo