Joey De Leon, Muling Binanatan Ang TAPE Inc.

Miyerkules, Hunyo 14, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang tila pinatamaan ng isa sa mga legendary trio sa Eat Bulaga na si Joey De Leon ang mga taong naging dahilan sa patalikod nila sa minamahal na show na Eat Bulaga.


Kanina lamang sa ibinahaging live ng kanilang official social media page na TVJ, tinanong ni Joey kung naka live ba sila dahil ayaw umano niya sa taped.


“Live ba ‘to? Ayaw namin ng taped ah, gusto namin live,” pagtatanong ni Joey De Leon na kumukuha sa video.


“Live na live tayo, Tito Jo,” gaot ni Ryan.


 “Hindi ‘to taped ah?” paniniguro pa ni Joey De Leon.


Agad naman itong kinatuwaan ng ilan pang Eat Bulaha host na naroon din sa venue.


Proud pang sinabi ni Joey De Leon na siya lamang ang nag-iisang nakaisip sa nasabing joke.


Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na naglabas ng  banat si Joey De Leon laban sa TAPE Inc. at sa mga namumuno rito na mga Jalosjos.


Aminado rin si Joey De Leon na sinilip niya ang studio ng Eat Bulaga. Ayon rito, wala siyang maipipintas sa mga hosts ng Eat Buaga ngayon dahil ginagawa lamang umano ng mga ito ang kanilang trabaho.


Samantala, nagbigay naman ng mga mensahe ng pagsuporta at pagbati ang mga netizens sa panibagong achievements ng TVJ sa TV5. Marami na rin ang nag-hihintay sa magiging show ng iconic trio.


"Kumpleto na ang aming tanghalian! Love you TVJ and Dabarkads...."


"Miss you all Original Dabarkad & TVJ ..di na ko makaantay yung pagbubukas ng bagong EAT BULAGA sa TV5"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo