Cristy Fermin, May Malaking Pasabog Patungkol Sa Trademark Ng Eat Bulaga

Miyerkules, Hunyo 14, 2023

/ by Lovely


 Ipinasabog ng veteran showbiz Columnist na si Manay Cristy Fermin sa kanyang vlog kung sino talaga ang siyang nagmamay-ari ng trademark ng Eat Bulaga.


Sa kamakailang vlog nina Manay Cristy Fermin, natalakay nila ang pagbabawal ng mga Jalosjos na dalhin ng TVJ ang titulo at logo ng Eat Bulaga dahil ipinagdidiinan nilang sila ang may karapatan rito.


Subalit, ayon kay Manay Cristy Fermin, expired na ang hawak na trademark ng mga Jalosjos at isa pa, merchandising lamang ang hawak nilang trademark at hawak naman ng TVJ partikular na ni Joey De Leon ang entertainment trademark ng Eat Bulaga.


Binalikan pa ni Manay Cristy Fermin ang pahayag ni Bullet Jalosjos na sasampahan niya ng kaso ang sinuman na gagamit sa titulo ng Eat Bulaga. Kaya naman ayon kay Manay Cristy dapat na kasuhan ng mga Jalosjos ang kanilang mga sarili dahil sila ang gumagamit ng illegal na paggamit nila ng Eat Bulaga title.


Dagdag pa ni Manay Cristy Fermin na madadala rin ng mga Eat Bulaga hosts maging ang kanilang segments na sila mismo ang nakaisip.


Samantala, ayon sa mga naglabasang mga ulat, inuumpisahan na ng TV5 ang renovation ng dalawang studio na pinag-isa para mas mapalaki ang studio ng mga Dabarkads.


Sa darating na July, magsisimula na ang panibagong show ng TVJ sa TV5. Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, Eat Bulaga pa rin ang magiging pamagat ng show ng TVJ sa panibago nilang tahanan.


Sa ngayon ay sunod-sunod na ang paglalive broadcast ng mga Dabarkads para magbigay ng update sa kanilang upcoming show.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo