Buboy Villar Nagbigay Na Ng Pahayag Sa Isyung Pagreresign Niya Sa Eat Bulaga

Martes, Hunyo 13, 2023

/ by Lovely


 Nagsalita na ang kampo ni Buboy Villar sa isyung nagresign na ito sa rebranded Eat Bulaga.


Ayon sa kanilang inilabas na pahayag, walang katotohanan ang mga ibinalita ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin na nagresign na si Buboy Villar sa pagiging host ng Eat Bulaga.


Matatandaan na ipinahayag ni Cristy Fermin na nagresign na si Buboy Villar sa Eat Bulaga. Pumayag naman umano ang TAPE Inc. sa desisyon na ito ni Buboy subalit hindi pa siya maaring umalis dahil naghahanap pa umano ng papalit ang mga Jalosjos.


Ayon pa umano sa isang source ni Manay Cristy Fermin isa sa dahilan ng  pag-alis ni Buboy ay ang kahihiyan na idinulot nito sa show sa pagpapasali sa kanyang tauhan sa isang segment ng Eat Bulaga.


Agad naman itong pinabulaanan ng mga malalapit kay Buboy Villar at mga staff ng Eat Bulaga. Ayon sa kanila, hindi totoo ang balitang aalis sa show si Buboy Villar. Tuloy-tuloy pa rin ito sa pagbibigay umano ng saya at tuwa sa tuwing tanghalian.


Samantala, sa kamakailang episode ng Showbiz Now Na muling binalikan ni Cristy Fermin ang isiniwalat niyang pagreresign ni Buboy Villar dahil marami na rin umanong nagtatanong sa kanya ng update.


Muli, pinanindigan ni Manay Cristy Fermin na aalis pa rin sa show si Buboy Villar at naghihintay laman ito sa papalit sa kanya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo