Nanalo Sa Eat Bulaga, Si Bossing Parin Ang Naalalang Pasalamatan!..

Miyerkules, Hunyo 14, 2023

/ by Jerome


Trending ngayon sa social media ang isang jeepney driver na nanalo ng 10,000 pesos sa revamp version ng Eat Bulaga na kung saan ay ang pinasalamatan ng nasabing driver ay ang dating mga host ng Eat Bulaga na sina Tito, Vic at Joey.


Sa bagong segment ng Eat Bulaga na G-sa Gedli ay tinanong ni Dating Mayor Isko Moreno ang na nalong Jeepney driver kung anu ang masasabi nito matapos nitong mabiyayaan ng 10,000 pesos.


Ngunit ang nasambit at napasalamata ng nasabing jeepney driver ay ang mga original host ng Eat Bulaga na ang iconic trio ang TVJ.


Saad nito, "Maraming-maraming salamat po sa Eat Bulaga, lalo na kila Tito, Vic at Joey."


Kaya naman dahil sa pangyayaring ito ay agad naman na inulan ng katatawanan ang nasabing bagong segment ng Eat Bulaga.


At sinabi ng karamihan na kahit anong mangyari ay hindi na maaalis sa pusot at isipan ng sambayanang Pilipino na ang TVJ ang kinikilalang mga original host sa Eat Bulaga.


Hindi naman naging malinaw kung nagkamali lang ba ang nasabing jeepney driver o talagang sinadya niyang sabihin iyun.


Gayun paman ay inulan naman ng mga papuri ang ginawa ng nasabing driver na iyun.


Samantala, mayroon ding mga netizens na kinabiliban ang pagiging professional ni Isko Moreno ng maaktuhan niya ang tila awkward moment na iyun.


Matapos kasi na pinasalamatan ng nasabing Jeepney Driver ang TVJ ay sinang-ayunan pa mismo ito ni Isko Moreno.


At sinabi niyang, "Oh yun Tito, Vic and Joey! Yun ang mga nakasama natin noong araw. Hindi natin makakalimutan."


Samantala, narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens, "Napaka sport talaga ni Yorme! Solid kasi ang Eat Bulaga eh."


"Iba talaga ang original Eat Bulaga nakatatak na kasi sa isip ng tao ang talagang original TVJ at solid Dabarkads."


"Hehehe solid Dabarkads ka talaga kuya! Alam niyo na? Kahit pumalit pa kayo, TVJ padin ang tatak sa isipan ng tao."




 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo