Isang Noontime Tv Host Nagresign Na Nga Ba?

Miyerkules, Hunyo 14, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa social media ang umano'y pagreresign ng isang noontime TV host dahil sa labis na pambabatikos na natatanggap online.


Isiniwalat mismo ang balitang ito ng isang mapagkakatiwalaang source, ayon dito nagresign na ang bagong host ng Eat Bulaga na si Buboy Villar dahil sa labis na kahihiyan at pambabatikos mula sa mga netizens.


Matatandaan na umani ng samu't-saring pambabatikos kay Buboy Villar ang pagkakakilala ng ilang mga netizens na tauhan at kilalang personal ni Buboy ang isang contestant na nanalo sa Pinaka segment ng It's Showtime.


Ayon sa mga ito, scripted ang nasabing segment ng Eat Bulaga dahil right hand ni Buboy ang nasabing contestant sa isa sa kanyang Paresan Business.


Samantala, nagbigay na ng pahayag ang kampo ni Buboy Villar at pinabulaanan ang isyung umalis na siya sa Eat Bulaga. Mismong kaibigan at staff ng show ang nagsasabing walang basehan ang isyu dahil patuloy pa rin ang pagiging host nito sa Eat Bulaga.


Gayunpaman, hindi pa rin nawawala o naiibsan man lang ang natatanggap na pambabatikos ni Buboy Villar at iba pang mga bagong hosts ng Eat Bulaga.


Hiling ng maraming televiewers at ilang mga netizens na baguhin ng TAPE Inc. ang pamagat ng kanilang show at huwag gamitin ang pamagat na Eat Bulaga na pinasikat ng TVJ.


Samantala, marami naman ang nagsasabing pabayaan na lamang ang mga bagong hosts ng show sa paggawa ng kanilang trabahong magpasaya ng mga manonood.


May mga nagsasabi pang hindi na umano ngayon boring ang Eat Bulaga hindi katulad ng dati, ipinunto pa ng iba na hindi lamang ang TVJ ang nagpasikat sa Eat Bulaga.


"Sa true lang tayo! Mas masaya ang EAT BULAGA ngayon. Hindi nakakaantok, hindi boring! Mas malalaki pa ang papremyo! Buti nalang hindi pinigilan ng GMA ang TVJ!"


"This may come as a shocker to some of you 👀 but TVJ are not the ONLY hosts of Eat Bulaga. 🤯 


EB has had over 200 hosts and co-hosts in 44 years. Many of which began their careers on the show when they were given the time, chance and opportunity to shine"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo